0
comments

[OK na Kape Trip] Yardstick

Posted by Obi Macapuno on 2/28/2014
Ang Pasakalye:
Tumi-third wave caffeine fix si Aina kaya kinidnap namin siya isang araw para dalhin niya kami sa bagong diskubre niyang coffee la-la land, ang Yardstick (sa may Esteban sa Legaspi Village sa Makati).

napaka malikhaing sining

Kay Aina lang namin narinig yung konsepto ng artisanal coffee. May klasipikasyon na pala ang popular coffee culture ngayon. The first wave pertains to the instant coffee and similar ready-to-prepare variants while the second wave refers to those prepared by the flourishing multinational coffee chains in the country like Coffee Bean (CBTL sa mga konyo), Starbucks (Starbs sa mga konyo), at Bo's Coffee (BC sa mga konyo).

K and A

Third wave refers to artisanal coffee. Kape na tinimpla nang napaka metikuloso at naaayon sa standards ng mga connoisseur (kelangan ko pa i-Google ang spelling, lintek). Mga "eksperto" na lang kasi. 

That said, hindi kami eksperto sa kape but we are a fan of it and we know what we want on our coffee. That's exactly what a noob will only need going to third wave coffee houses like this. Lumapit sa barista at sabihin ang gustong timpla.

two hot coffee and a cold brew

Yum Yum:
  • Hot White Coffee 
  • Project Y (fruity hot brew)
  • Hot Chocolate
  • Yard Shake
  • Cold Brew Coffee with Milk
  • Waffle with Caramelized Mango, Caramel Drizzle, and Yoghurt
  • Old Style Waffle with Vanilla Ice Cream
  • Sardines in Toast
  • Free Cookies!

latte art

Firstly, no... hindi namin inupakan ng sabay sabay yang mga yan. As of this date, we've been there on two separate occasions.

Hot coffee is served in a five ounce cup. Nakokontian kami. Pero mukang ito yung magic amount to savor your coffee ng hindi minamadali ang pag inom. Hula ko lang yun.

Project Y

Their black or white coffee have double espresso shot by default so we have to sweeten it up with sugar syrup. Patok itong pampagising or sa mga uber fan ng mga kapeng matapang.

I am not. Poser ako eh. Kaya nung sumunod na bisita namin, I opted for the Project Y. Ito yung may citrus aftertaste. We're not sure about the composition but I can recall it has alta mogiana beans. In any case, I think I found my personal favorite.

we got free cookies! no idea why.

Their cold brews are nothing too different to its hot variant. Matter of preference na lang ito. Kung mahilig sa malamig na kape, go for it. Pansin lang namin, parang mas strong ang lasa ng kape kapag malamig. But at this point, we'll stick with the hot brews.

Yard Shake, halfway done

Their hot chocolate drink is your typical hot choco drink. No fancy anything. Now the Yard Shake is something special. Gusto ko yung choco at coffee taste with (cookie or choco?) bits in an ice blended mix. It's probably the "laking Starbucks" in me.

Masarap ang waffles nila! Both waffles we ordered are mmm mmm mmm! The crust is toasted right to our liking and whether it's the 'ice-cream on top' variant or the fruity variant, the sweetness is a nice contrast to our coffee. Also try the equally yummy sandwiches!

waffle!
more waffle!
sandwich!

Kaching:
Coffee goes from P120 to P180. Ka-presyo ng ilang second wave frontrunners, pero mas kaunti ang servings. So mahal. Pero kung ikokonsidera ang dedikasyon at expertise sa likod ng pag timpla ng kape nila, mapapa-isip ka na pwedeng sulit na.

where the magic happens

Food is on the expensive side but worth it for sharing.

Blah Blah:
Gaya ng nasabi ko earlier, wag nang mag-attempt intindihin ang menu kung hindi eksperto sa coffee jargons. Ang teknik ay makipag-kwentuhan sa mga barista (hindi sila nangangagat) para malaman kung ano ang swak na kape sa panlasa mo.

Watch as how they religiously prepare your coffee. They encourage it. Kaya halos magkasama ang dining area at bar nila. They also conduct seminars and workshops on specialty coffee and are eager purveyors of high standards in the local coffee scene. Dedikasyon!

O and K

The place is really bright and homey with mostly wooden decors. Wala pa masyadong tumatambay kaya napaka relax. Fronting the place are huge windows, overlooking the jollijeeps (food carts) outside. Yun lang yung pang sira ng moment. LOL.

more O and K moments

Ang Buod:
We found our new coffee place. Price is justifiable para sa relax time the experience brings.

Rating:
6 out of 7


Addendum (4/3/14):
At this point, nakaka-ilang balik na kami sa Yardstick para tumambay. May isang barista from another third-wave coffee shop who described Yardstick's interiors to us as "kumo-Korean". An apt description para sa amin.



[obi . February]


0
comments

[OK na Food Trip] Yabu: House of Katsu

Posted by Obi Macapuno on 2/12/2014
Konting Pasakalye:
Isang kaibigang OFW ang nag balik-bayan kaya bilang selebrasyon ng pagka-miss namin sa isa't isa, naisipan ng grupo na mag-hapunan sa much-hyped foodie place na ito sa Glorietta 5.

si O at si K at Yabu

Ang Chicha:
  • Rosu Original Katsudon set
  • Rosu Katsu set
  • Mixed Seafood Katsu set
  • Lemonade
  • Iced Tea

About their katsu, the crust is flaky and thinly applied (that's a goodie as we hate it kapag sa breading ka mabubusog sa kapal). The pork piece is hefty, and there are options for bigger pieces (of course, with additional kachings involved). The meat is tender, konting nguya lang ang kailangan malulunok na agad. Mararamdaman naman na de kalidad ang ginamit na baboy. Sa katsudon, the egg is cooked just right, nasa stage ito na parang nagta-transition pa lang from the uhog-consistency to solid state. LOL.

Rosu Katsu

Parang sampler-type yung seafood katsu set. May iba't ibang seafood viand na served ala katsu (breaded and deep fried). Maliit yung serving ng prawn kaya nakaka-bitin (typical sa mga prawn dishes). Yung salmon ang nagustuhan ni Kat dahil walang kakaibang ek-ek, it's plain breaded salmon. Hindi namin type yung oyster at crab na served with this mayo concoction na hindi nakakatuwa ang lasa. Hindi bagay yung mix for us. We rather have those served like the salmon katsu. Plain.

Matabang ang lemonade. Parang pinalamig na tubig ng NAWASA, kaya may konting lasa.

Seafood Katsu

Katsudon

Ang Presyo:
The one thing we can't justify making Yabu a regular habit is the price. Mahal talaga regardless ng lasa or ambiance. Yup, malamang high end ang ingredients na ginagamit nila pero para sa mga regular Juan, I doubt if it will make a difference from say, ingredients right out of the local wet market lalo na if prepared well. It's just deep-fried pork after all.

Katsu sets range from P300 to P500, so burn moolah if you will.

Tipid Tip: Mag order ng isang katsu set. Pag-hatian, dahil malaki naman. Bumawi na lang sa unli cabbage. That should cost a couple just below the P500 line.

burn, baby, burn

Iba pang Hirit:
Service is great. A crew introduced us to the rituals of preparing the tonkatsu sauce, grinding the sesame seeds and all that. They also made sure that we are aware of the condiments available. Medyo nagmamadali lang siya sa pag-discuss but I can feel for her since jampacked ang customers that night. 

Nakakalito yung mga items sa menu. May mga offerings na hindi namin ma-distinguish ang diperensya from each other. Pero pwede naman mag tanong. Ika nga nila, "service is great". Although I personally like the other pieces of informative stuff in the menu na walang kinalaman para i-describe yung pagkain, tulad ng anong klaseng kanin ang gamit nila o kung paano sila mag prepare ng tonkatsu.

grinding lessons

The ambiance is good. Gusto ko yung mga manga comic strips along the walls.

Ang angas ng kubeta. Gusto ko yung concept na ginawa nila sa dingding neto, yung may mga testimonials ng mga konyo at celebrities na baliw na baliw sa pagkain nila. Para nga naman habang umiihi ka ang mga mababasa mo ay "They have the best Katsudon in the UNIVERSE!" or "I only eat two things: YABU or NOTHING!". Sino nga naman ang hindi maniniwala. 

Ang Buod:
The overall dining experience is good but the price tag makes it a luxury. It could be the same reason for the hype. Kasi alam na may pera kang masusunog kung dito kumakain ng madalas. It's a social status thing.

sauce and condiments

Rating:
5 out of 7



Addendum (5/12/14):

May ilang beses na kaming nakabalik ever since at meron na kaming nabuong teknik. See "Tipid Tip" sa "Ang Presyo" section.



[obi . January]


0
comments

[OK na Food Trip] Crazy Katsu

Posted by Obi Macapuno on 2/11/2014
Konting Entrada:
Madami nang taga BF (or malapit sa BF nakatira) ang nagsasabi sa amin na patok kumain dito. Kaya nang minsang naghanap kami ng makakainan at along the way naman ito pauwi, sinubukan na namin!

crazy katsu

Ang Kinain:
  • Katsu Curry
  • Katsudon
  • Sukiyaki
  • Tonkatsu
  • Iced Tea

crazy tonkatsu

Lahat ng breaded pork-based viand nila ay consistent ang luto. Hindi flaky ang breading kaya hindi makalat kainin. Tender enough kaya hindi kailangan ng malalaking biceps para hiwain. Hindi kalakihan at hindi din kaliitan ang servings ng pork. Tama lang para mabusog.

Lasang lasa ang curry flavor ng katsu curry. Hindi lang masyadong maanghang for our taste but nothing that their chili powder can't solve. The tonkatsu sauce is sweet and smoky. Hindi nagustuhan ni Kat pero nagustuhan ng utol ko. Yung sabaw ng katsudon ay tama lang ang tamis, bagay na bagay sa kanin. Sakto para sa akin ang pagka half-cook ng itlog na naka-balot dito.

crazy curry

Matamis masyado yung sabaw ng sukiyaki. Medyo lumalaban din yung tigas ng beef strips. Buti na lang malasa ito kaya may redeeming factor. Okay ang luto ng sotanghon. Hindi outright malambot. May resistance ng konti.

Food and rice are served steaming hot.

crazy katsudon

Kaching:
Rice bowls are priced at P120 to P150. Mura ito para sa size ng servings. Eto din ang dahilan kung bakit sila dinayo agad nung una silang nagbukas sa Maginhawa, Q.C.

Ibang Chechebureche:
No problem with the service. Their condiments worked wonder for us (Japanese mayo and chili powder). The menu is straightforward. Hindi kami pinahirapan pumili. Mabilis na-prepare ang pagkain namin. Hindi kami nag-hintay ng matagal.

crazy menu

Maybe aside from this wooden artwork-ish thing framed on their wall (which I later learned to be a device for acoustics), the place is modest and spartan. Walang gimik. Walang katulad sa ibang Japanese restaurants where the crew boisterously greet customers with poorly pronounced Nihongo phrases.

Mahirap ang parking on a weekend night. They share parking slots with an adjoining resto.

crazy wall menu

Wrap Up:
Maganda itong emergency food stop, say kunwari walang pagkain sa bahay or you need a quick food fix aside from the usual fast food fare.

Rating:
6 out of 7



[obi . February]


0
comments

[OK na Food Trip] Ikkoryu Fukuoka Ramen

Posted by Obi Macapuno on 2/10/2014
Ang Segue Way:
Inasahan namin na matagal ang proseso ng pag update ng passport sa DFA ATC kaya sobrang aga namin pumunta dun. Wala pang 30 minutes, tapos na! Parang hindi ahensya ng gobyerno. Dahil madami pang oras, sa ATC na kami nagpalipas hanggang lunch.

"Saan kaya tayo kakain dito?" ang tanong ko. Eh saktong nakita namin itong ramen place na ni-rekomenda ng isang kaibigan.

Enter, Ikkoryu Fukuoka Ramen!

Yown, nice segue way!

K and O

Ang Nilantakan:
  • Ajitama Tonkotsu (best seller)
  • Gyoza

The soup base for tonkotsu ramen is made from boiling pork bones and fat which produces a very creamy soup na sobrang malasa yung pagka-pork. Ikkoryu's ajitama tonkotsu delivered just that. Expect na masebo ang sabaw. It's pork-based after all. Hindi ko lang nagustuhan na ambilis lumamig ng sabaw ng isinilbi sa amin. Not sure if it's caused by the aircon (malamig sa naupuan namin) or the ceramic bowl (it doesn't look like it can hold heat well). 

tonkotsu ramen

For the noodles, there's a choice of hard, very hard, or normal in terms of how you want it cooked. We picked normal for that just-right feel (not too resistive to the bite).

Ang sahog ng ramen ay chasu (or braised) pork. Malambot ito at malalaki ang hiwa (3 pieces). Meron din itong half-boiled egg na marinated daw sa toyo (frankly di namin malasahan kung nasan ang toyo dun). Regardless, yung malauhog na yolk ang patok sa akin. Perfect. Ang ibang sahog: bamboo shoots (takenoko? LOL), dried seaweeds, at mushrooms.

forgettable gyoza

The gyoza is not impressive at all. Matabang at konti ang laman. Tama ang luto (well-roasted ang pabalat) pero hindi ito enough justification for the attached price tag.

Ang Damage:
Mahal dito kumpara sa ibang ramen places na kayang magbigay ng equally (if not better) delicious ramen for a cheaper price OR barring that, at least have a spectacular ambiance to compensate. LOL. Nasa P380 ang isang bowl ng ramen. At may 10% na service charge pa.

more ramen variants

Iba Pang Satsat:
Their staff are very accommodating and pleasant. Someone who looked like a supervisor also asked us how do we find their ramen. Madaling masundan ang menu para sa mga mangmang na katulad namin dahil may mga photos. Maliit at masikip ang lugar nila sa ATC kaya lahok lahok ang ingay ng mga customer. 

Ang Buod:
Masarap ang ramen kung hindi lang lumalamig agad. Pero mahal pa din ito para sa presyo. Kung sakaling babalik kami ay para lang matikman ang ibang ramen variants. Pero hindi ko nakikita na sa lalong madaling panahon ito.

ikkoryu

Rating:
5 out of 7



[obi . January]


0
comments

[OK na Food Trip] Mu Noodle Bar

Posted by Obi Macapuno on 2/06/2014

nerd rules
game over

Pasakalye:
Naglilihi (??!) si Kat sa mainit na sabaw kaya naghanap kami ng makakainan nito na hindi Hokkaido, dahil ilang araw na kaming paulit-ulit dun. Naalala namin ang Mu Noodle Bar sa third floor ng Glorietta 2. Matagal na naming gustong kumain dito. It's about time na masubukan na.

Ang Chicha:
  • prawn omelet
  • beef noodles in soy stock (thick noodles)
  • house tea

prawn omelet

Prawn omelet. Perfect ang luto ng itlog. Inaasahan namin na konti ang servings ng prawn (ganun madalas sa mga mahal na prawn/shrimp viands), pero nagulat ako na sobrang generous ng servings nila. Malasa ang luto nito by itself pero being a ketchup-person, kelangan ko pa din ng sawsawan.

beef noodles

Beef noodle is cooked al dente. The soy stock soup is not that impressive. Frankly, it tasted just a bit better than the regular instant noodles. Kudos on the beef though. It's tender and tasty at malaki ang servings. It's served in a hot pot so mainit ito the entire time that we were eating.

Kaching:
Tama lang ang presyo niya para sa kainan na ganito ang kalibre. Mahal ang pagkain pero muka namang minahal ang preparasyon. That plus the ambiance should make the cost worth it.

noodle menu

Ibang Chechebureche:
May lemon ang tubig, tsarap. Attentive ang mga staff. Madilim yung interiors but I guess that's the plan (the place made use of either black walls and panelings or wooden materials). Style din nila na mataas ang silya at lamesa (chest level ko halos) sa middle part ng room. Pero may mga spots along the wall the normal ang height ng fixtures.

yellow lights

Parting Words:
Pwede na dito kung mga date-nights or let's-try-something-new na araw. Pero kung pagkain lang talaga ang usapan, mukang hindi ito something that we will look forward to frequent. Siguro babalik kami ulit, pero para lang masubukan naman yung ibang putahe. 

Rating:
4 out of 7



[obi . January]


0
comments

[OK na Road Trip] First of Many Trips to Come (Calamian Group of Islands - Part 2)

Posted by Obi Macapuno on 2/04/2014
As continued from a previous POST...

Day 2 (Busuanga)
* 8:34AM - Breakfast at Coron Village Cafe

On our Plate:
  • Longganisa
  • Daing
  • Egg
  • libreng kape

* 9:02 to 9:24 - Kayangan Lake
(Mula sa pantalan ng Coron, tumungo na ulit kami sa next destination - ang Kayangan Lake sa Coron Island.)

parang postcard shot

Mga Trivia ni Kuya:
  • Kayangan Lake is actually a part of several lake systems which can trace their tributaries to the bigger (more than 10x bigger, in fact) Cabugao Lake which is right smack in the middle of Coron Island.
  • "Kayangan" came from a local dialect term "Kayakag" which is a name of a native bird.
  • Kayangan Lake can be reached by hiking over a small ridge. On top of this ridge is a view deck where the nearby limestone islets can be seen on its full beauty. Itong view na ito ang madalas na lumalabas sa mga print ads at postcards ng Coron.

(Kat has to climb all the way up despite her knee problems and she did it! The view above is just exquisite. I have to let the photos speak for it this time. Madami kaming kasabay na tourists along the way but we were able to get a good spot along the platform lining the lakeside.)

kayangan lake

* 9:47 - Swimming in the Lake
(This just got to be our best swim of the trip. Unlike sa dagat, tubig-tabang ang Kayangan kaya hindi masyadong masakit sa ilong at mata. Yung ilalim ng tubig ay panay stalagmite formations at madaming maliliit na isda although not as colorful as those in the sea. Gubat ang nakapaligid kaya sobrang relaks. Bonus na lang yung mga naka "bettengswit" na foreigners. LOL.)

view from the top

* 11:27 to 11:40 - Banol Beach
(Isa sa madalas na tigilan ng mga turista para mananghalian o magpahinga ang Banol Beach sa Isla ng Coron. May mga local Tagbanwa na nakatira dito pero hindi din sila nakaligtas sa Yolanda kaya itinatayo nila ulit ang mga bahay nila dito.)

* 11:44 - Malaroyroy Beach (?)
(May maliit na strip ng beach northwest ng Coron Island at ilang metro south ng Kayangan Lake kung saan kami tumigil para mananghalian. Malapit na dito yung Skeleton Shipwreck. As in sobrang lapit. 

This time, sa bangka kami kumain. Luto pa din ni Kuya Eran. Panalo!)

lunch sa dagat

On our Plate:
  • Giant Squid (seryosong malaki, hindi katulad ng "giant squid" sa mga pub dito sa Manila na mas malaki pa ang palad ko)
  • Pak-an (local fish na parang higanteng sapsap)
  • Alimasag!! (means happy Kat)
  • Pipino Salad (perfect na pang tanggal umay)
  • warm Sprite

(Sarap talaga mag luto ni Kuya Eran. Gumagapang kami sa kabusugan para bumaba sa pampang para magpahinga at magtampisaw.)

* 1:05PM - Skeleton Shipwreck
(Isa na naman itong lumubog na WW2 Japanese gunboat, about 25 meters long. Tinawag itong "skeleton shipwreck" dahil halos ubos na ang karamihan ng bakal na balat nito. Dahilan para makita na ang mga rib-like structures na bumubuo sa kanyang pundasyon.

Sa sobrang linaw ng tubig, kitang kita ang kahabaan ng barko. Ibang set din ng mga fish species ang nandito compared sa mga nasa Coral Garden. As usual, naglabas kami ng tinapay para mas lapitan kami ng isda.)

looking at the shipwreck

* 1:33 - Coron Youth Club (CYC) Beach
(Next stop is a tiny island off the south coast of Uson Island. May maliit na strip ng white sand beach ang isla na ito na tinawag na Coron Youth Club dahil dito daw dinadala ang mga beginner na divers for training. May mga ilang couples na din daw ang nag-propose dito sabi ni Kuya Eran dahil sa romantic settings ng isla.)

* 2:36 - Aurora Lagoon
(Medyo nagparamdam na uulan at tumaas ang mga alon. Tumawid kami pabalik ng mainland Coron Island para puntahan ang lagoon na ito para mas mapayapa ang tubig. Dito din mararanasan ang phenomenon na thermocline. Kung saan may sudden change ng temperature habang lumalalim ang tubig. Sobrang weird ng pakiramdam habang lumalangoy. Sa hita pababa, painit ng painit yung tubig habang malamig naman hanggang dibdib.)

CYC Beach... so surreal

* 3:36 - Twin Lagoon
(Malapit na sa Aurora Lagoon yung mas sikat na Twin Lagoon. It's called as such because it is composed of two lagoons separated by a narrow limestone wall. Connected yung tubig nung dalawa so you can either swim under the limestone wall or climb a bamboo ladder to traverse it, para makarating sa kabilang lagoon.

Papasok ng inner lagoon, si Kat at Kuya Eran ang lumangoy sa ilalim ng limestone wall habang ako naman ang nag hagdan. Walang katao-tao nung time na yun kaya na-enjoy namin ng husto umikot ikot around the area. Matataas na limestone monoliths ang nakapaligid sa inner lagoon kaya sobrang payapa ng lugar kahit may kalakasan na ang hangin sa labas.

Again, nagsisi kami na wala kaming waterproof camera.)

bilad

* 3:58 - Coron Market
(Pag-daong ng Coron, nag meryenda na naman kami sa palengke... at nag-adik na naman si Kat sa mango shake. Dumiretso din kami agad sa Coron Village Lodge para magbanlaw tapos gala-time na din agad.)

* 6:09PM to 8:27PM - Coffee Kong
(Tinuro kami ni Kuya Eran dito after namin itanong sa kanya kung saan may coffee shop na pwedeng tambayan. 

On our Plate:
  • banana mango smoothy (the usual banana mango shake)
  • cafe mocha (typical kape na chocolatey ang lasa)
  • chocolate waffles (two waffle pancakes with chocolate drizzle, nasarapan ako dito)
  • caramel macchiato (surprisingly good, mas gusto ko pa ang version nila kesa Starbucks)
* item in italics, ordered on a subsequent visit

The place is really homey, ansarap tumambay. Ang cute ng interiors, modern ang concept pero madaming cute decors like chic wall writings and drawings . Nakaka-relax after a very tiring day at the sea. May free WIFI yung place. 

It is owned by a Korean couple na sobrang pleasant sa customers nila na mostly foreigners. Attentive ang mga nagsisilbi. Interesting ang mga pastries but frankly we didn't bother to taste it because I immediately liked the pancakes. So ito lang ang in-order namin kahit nung mga sumunod na balik namin.

Rating (Coffee Kong): 5/7


Coffee Kong

Day 3 (Busuanga)
* 9:29AM - Breakfast at Coron Village Cafe
(It's officially our free time in Coron. Wala kaming gagawin for the whole day but to look around the place for ourselves kaya late na din kami nagising para makapag pahinga.)

* 11:49 - Lunch at Kuya Eran's
(Nagpa-luto kami ng lunch kay Kuya Eran. Binigyan lang namin siya ng pambili the day before at sinabi kung ano ang gusto naming kainin tapos siya nang bahala. Dun kami kumain sa bahay ng kapatid niya.)

On our Plate:
  • Chili Lobster! (For the Win!!!)
  • Pulang Itlog
  • Talong
  • Pipino Salad
  • Warm Royal Softdrinks

(Kung sakaling babarilin ako sa Luneta the next day at papapiliin ako ng last supper, ganito ang setup ng hihilingin ko. Sooobrang sarap magluto ni Kuya! Bagay na bagay yung itlog na maalat sa lasa ng pipino at lobster. Medyo nag invest kami sa lobster pero mura na ito kumpara sa kung dito sa Manila kakain ng gento. Sa figurative speech, natapos ang tanghalian namin ng nakangiti ang tiyan.

Napansin ko, sa tatlong araw na provided ni Kuya ang softdrinks, hindi kami umulit ng brand... Coke, Sprite, tapos Royal. LOL. Yan ang variety.)

lobster!!!

* 12:11 - Souvenir Shop
(Sinamahan kami ni Kuya Eran sa karatig na bilihan ng souvenirs.)

* 1:05 - Tambay ulit sa Coffee Kong 
(Dito na kami naghiwalay ni Kuya Eran dahil pauwi na kami next day. Well, supposedly.)

* 3:25 - Off to Coron Market
(Pasalubong time! Ang mura ng mga danggit at labahita kaya eto ang pinagbibili namin ng madami.)

* 5:25PM to 6:15PM
(Bumalik kami sa CVL para magbaba ng gamit sabay pumunta ng simbahan. Kaso wala naman palang misa. Nag intay pa kami ng matagal. Kain na lang muna kami ulit ng street food sa tabi tabi.)

street food in Coron market

* 6:30 - Dali Dali Restaurant
(It's a small Korean restaurant along the main avenue of Coron. Dito namin napili mag dinner.)

On our Plate:
  • Seafood Ramen (glorified shin ramyun)
  • Kimchi (hindi ako kumakain nito, pero surprisingly nung tinikman ko, it's not bad)
  • Spicy Squid (it's really spicy, aside from that wala nang special about it)

We are disappointed with the ramen. Para kasing nagluto lang ng shin ramyun (instant Korean noodles) tapos nilahokan ng seafood. Kaya ko din gawin yun sa bahay sa mas murang halaga. Hindi fair yung presyo. May kamahalan ang mga meal. True to form though, maanghang talaga ang mga pagkain nila. Probably it's their bibimbap which is the safer order but we didn't try it. 

Rating (Dali Dali Restaurant): 4/7

Dali Dali

* 7:39 - Coron Village Cafe
(Tambay ulit.)

* 9:00 - Prepare baggage for tomorrow's flight back home.


Day 4 (Busuanga)
* around 9AM - Breakfast at Coron Village Cafe
(Pwede naman pala magpa-palit ng breakfast menu kahit naka packaged stay kami sa Coron Village Lodge. For the last three days, panay "silog" fare ang kinakain naming agahan... tapsilog, danggitsilog, longsilog, etc. So for our last breakfast in Coron, sa wakas, sumubok kami ng iba.)

On our Plate:
  • Continental Breakfast (omelet, big pancake!)
  • American Breakfast (sausage, toast, egg)

All in all, okay naman ang mga agahan namin sa Coron Village Cafe. Nothing memorable in terms of food quality pero hindi naman pangit ang lasa. Sakto lang. We weren't able to try their more proper meals but at least it's something to look forward to, kapag bumalik kami ng Coron.

The vibe around the place is what's noteworthy. Medyo tribal ang motif ng lugar at madaming wooden decoration. May malaking display case sa isang dingding na punong puno ng koleksyon ng mga timbol, shot glasses, ceramic plates at Russian dolls. Reggae ang madalas nilang tugtugan at may isang maliit na corner na panay ritrato ni Bob Marley. May libreng WIFI, kape, at tsaa para sa mga tenants ng CVL kaya dito kami madalas tumambay during our 4-day stay. 

Rating (Coron Village Cafe): 5/7


various ceramic collections from Coron Village Cafe

* 11:41 - Lunch at Big Mama's Grill

On our Plate:
  • Special Bulalo
Matabang ang sabaw nung bulalo pero masarap naman yung karne. Malambot at kumakalas sa buto. Bulalo lang ang in-order namin dahil mukang ito ang specialty nila. Pero sana sumubok na lang din kami ng ibang putahe. Frankly, sana sumubok na lang kami ng ibang resto to spend our last food trip in Coron.

Rating (Big Mama's Grill): 4/7

* 1:27 - Tambay ulit sa Coffee Kong
* 2:22 - Off to Busuanga Airport with Kuya Boyet the Shuttle Driver
(Kinwento ni Kuya Boyet ang nangyari sa kanila during the Yolanda landfall. It's one thing to see or hear this from the media, pero iba yung andun ka at firsthand mapapakinig o makikita yung devastation from the survivors and the place itself. Mapapa-iling ka na lang at mapapa-dasal para sa mga naging biktima.

Anyway, ang lupet namin mag-impake. Saktong sakto lang sa limit ng hand-carry ang parehong bagahe namin ni Kat. Hanging by a couple of point-something kilos. Phew!)

pan shot of coffee kong

* 3:14 - Cancelled Flight
(Coffee time habang kumakain ng hotdog from a nearby Cafe Bog while waiting for our flight. Nung una, ang sabi ay delayed daw ang flight from Manila. Tapos after a while, cancelled na dahil gagabihin ang dating ng eroplano sa Busuanga at wala pang runway lights ang airport dahil sa nakaraang bagyo.)

(Yipeee! Free accomodation and food courtesy of Cebu Pacific!)

* 5:22PM - Coron Westown Resort
(Si Kuya Boyet din ang naghatid sa amin pabalik ng Coron Westown. We settled in Room 318. Sooobrang upgrade ang kwarto na ito compared sa Coron Village Lodge. It's a three-star hotel after all. Nagtatalon sa kama si Kat sa tuwa.)

pan shot of Coron Westown

* 6:51 - Dinner by the Pool
(Eto na siguro ang wedding gift ng ng Cebu Pacific at Coron Westown Resort sa amin. LOL.)

On our Plate:
  • Bird's Nest Soup
  • Fried Chicken
  • Steamed Veggies
  • Fruit Salad

(After dinner, we lounged around the pool area. Enticing tumalon pero nanaig ang katamaran naming maglabas ulit ng damit, magpatuyo, at mag-impake ulet. So tambay na lang.)

pan shot of the hotel room

Day 5 (Busuanga)
* around 6:00AM - Buffet Breakfast
(This is life!)

* 6:32 - Back to Busuanga Airport
* 7:49 - Boarded Cebu Pacific Flight 5J5408 back to Manila.
(Bye Calamianes!)

* * * * *
Summary:
The Calamian Group of Islands is for the sea junkie. Walang ibang gagawin dito kundi mag island hop, swim, snorkel, at dive. Food trip could be next on the list but really, walang masyadong sobrang impressive makainan. Pero madaming makakainan, mind you. Okay din dito yung tipong relax na pahinga ang habol. Detox away from the bustle of urban living. Yun, patok dito.

Tinanong ko kay Kuya Eran kung may bundok na pwedeng akyatan ng mountaineers (open trail). Meron daw. So malamang ito ang susunod na agenda ko para bumalik dito.

Huwag na huwag pumunta ng walang dalang underwater camera. Super regret kami dahil dyan.

walang underwater shots... boo

* * * * *
Other Notes:
Coron Village Lodge is good for those looking for budget accommodations. However, expect your money's worth. Binibisita kami from time to time ng ipis sa toilet at sa kwarto namin (Room 14), parang naka-direkta yung sinks sa imburnal. Kasi may mga oras na amoy kanal ang toilet. 

Aside from that, okay naman ang serbisyo. May room cleaning sila kung hihilingin ito sa staff. Passable din ang room amenities para sa halaga ng binayad. Tahimik ang paligid pero dahil weekdays kami pumunta. Weekend kami umalis at dumadami na ang tenants. I can imagine the nights to be noisy kapag may nag-inuman na. Rinig na rinig kasi yung mga tao sa labas from inside the room.

entrance to CVL

* * * * *
Acknowledgement: 
  • Kuya Eran - sulit ang pag pili namin sa inyo bilang aming tour guide
  • Lucy - para sa pag refer sa amin kay Kuya Eran
  • Kuya Boyet - para sa pag drive sa amin
  • Sniper and Crew - panalo ang bangkang ito
  • Drew Arellano - yung show niya about Coron ang nagpatibay ng loob namin na ituloy ang trip kahit na-Yolanda ang lugar
  • Our Man, Above - para sa pagbigay sa amin ng pagkakataon na maging saksi sa ganda ng Kanyang mga likha



[obi]


Copyright © 2009 Ang Blog na OK All rights reserved. Theme by Laptop Geek. | Bloggerized by FalconHive.