0
comments

[OK na Food Trip] Omakase

Posted by Obi Macapuno on 3/11/2014
my hungry Balentayms

Ang Intro:
Puno ang lahat ng makainan dahil siguro bisperas ng Valentine's at pasweldo na ng mga on-the-dot na kumpanya. Kaya imbes na sa paborito naming resto, sa Omakase sa Ayala Triangle kami bumagsak for dinner. Tolerable yung pila sa reservation that night.

Ang Foods:
  • Salmon Teppan
  • Teriyakidon
  • House Tea
  • Fried Rice

c'mon salmon!

Salmon is grilled perfectly in butter. Bagay na bagay sa kalamansi sauce (pangontra-lasa) at sa stir-fried veggies (pantanggal umay).

Yung manok ng teriyakidon ay matabang. Buti na lang manamis-namis yung teriyaki sauce so ibabad mo lang sa sarsa, ayos na.

Lasang bigas yung house tea. Patok naman sa amin.

Overall, food is good. But we need to try more. Yun oh!

come to me, teriyaki!

Ang Gastos:
Price range is at P200 to P300. Sulit yung presyo ng salmon. Kaso kung kanin-person like us, ang order ng extra rice ay nasa P50-65. Wow ha.

Kaya suggested namin na mag donburi items na lang (yung may kanin nang kasama). Unless ayaw mo ng carbs and make papak papak your ulam na lang... like most konyo do, y'know.

Eight percent service charge. Mas mababa than usual restos of their caliber. 

cute interiors + cute wife

Ang Masasabi:
Service is so so. Decors are well-thought of. Nice plush seats. Naiintindihan ko naman ang mga laman ng menu.

The interiors in general is cute but we're not a fan of eating on a dimly lit place. 

"I received 1,000," ang sabi nung staff na kumuha nung bill namin. Gustong gusto namin na may ganyang notification kapag kumukuha ng bill. Para sure kayo sa isa't isa kung magkano ang inabot na pera. Believe me, it can get ugly when your money got lost in a busy restaurant. Shit happens.

In Short:
We might come back to try the other items.

more!

Rating:
5 out of 7



[obi . February]


Copyright © 2009 Ang Blog na OK All rights reserved. Theme by Laptop Geek. | Bloggerized by FalconHive.