0
comments

[OK na Food Trip] Liam's Lomi House

Posted by Obi Macapuno on 11/20/2014
Unang Padale:
Kubo kubo pa laang are, eh dine na kami malimit mag lomi!

Sa may Sabang sa Lipa ito. I can say, one of the best among a tight competition of numerous lomi places in Lipa. As I mentioned, nagsimula sila sa isang maliit na kubo at lumakas ang negosyo hanggang sa maging full pledged eatery na sila ngayon.

Mahilig si Daddy kumain dito nung nabubuhay pa siya dahil convenient kasi may katabing car wash. Ngayon, si Misis K naman ang dinala ng pamilya para masubukang kumain dito.

menu na tinakluban ang presyo
Paldo sa Mual:

  • Chopsuey Rice with Egg
  • Special Lomi
  • Porksilog
  • Sisigsilog
  • Bangusilog
  • Goto

Nakalathala sa bakod nila na champion daw ang lomi nila sa isang patimpalak noong 2012 Lomi Festival. And we think, rightfully so. Sobrang daming variations na ng lomi ang nakain ko bilang taga Batangas at isa sa mga pinakamalasa ang mauhog na lomi ng Liam's. Sa mga hindi maka-digs, sikat ang lomi ng Batangas for having this sipon-like consistency na sobrang sarap higupin lalo na kung mainit pa!

special lomi

Madaming toppings ang kanilang special lomi. May meatballs, pork chunks, atay, tsaka chorizo. Pero sana hindi masyadong sunog ang prito sa meatball at chorizo. Hindi din tinipid ang itlog na hinalo sa sabaw kaya ambigat sa tiyan. Pang dalawa ang servings ng isang order. Unless sadyang masiba ang kumakain. Tama din ang luto ng miki (egg noodle), hindi sobrang lambot at hindi din naman sobrang tigas.

chopsuey rice

Ang weird nung chopsuey rice dito dahil mukang sabaw ng lomi na nilagyan ng madaming gulay. Mauhog din ang sabaw kaso matabang. Ang mga toppings ay parang sahog din ng lomi (meatball, chorizo, at ground meat). Nagpadagdag ako ng extra sunny side up sa order ko.

porkchop

Parang tonkatsu yung karne ng porksilog (porkchop - silog). May breading ang porksilog nila unlike in most silog places na outright pritong porkchop lang. Manipis ang breading (which is good) at may lasa (which is even better). Good order ito.

sisig

Yung sisigsilog (sisig - silog) ay parang deep fried liempo na tinadtad ng medyo pino at pinirito sa sibuyas at iba pang lahok na pampa-sisig taste. Crunchy ang karne. Pero hindi ganito ang lasa ng authentic na sisig. So kung totoong sisig ang hanap, wag ito.

bangus

Maliit ang servings ng bangusilog (bangus - silog). Parang kalahating part lang ng dinaing na bangus. Pero at least, boneless.

May libreng sabaw na parang sabaw ng gotong Batangas. Sa mga hindi digs, ang gotong Batangas ay hindi "lugaw" as we know it. Ito ay entirely different dish na sinabawan at lamang loob ang sahog. Surprisingly, bukod sa lomi, ito pang libreng sabaw ang sumunod na pinaka masarap sa kinain namin. LOL.

Liam's Knows Lomi

Bayare ng Mulay:
Yung mga silog plates ay around P60-65 at P70 lang ang most ng sizzling dishes.

Ang special lomi ay P60 lang at P55-P60 lang ang iba pang pancit delicacies.

In short, sa halagang P150, gumagapang ka nang pauwi. As in!

Round 1: Fight!
Hase sa Paghunta:
Hindi madamot sa servings ng rice. Sobrang dami. Ika nga nila "pang-construction worker".

Hindi gaanong attentive ang mga staff. Nagpa refill kami ng sabaw pero nakalimutan na, kahit hindi naman ganun kadami ang kumakain nung pumunta kami. Hindi na kami masyadong nag-follow up dahil sobrang busy kami sa paglamon. LOL.

tindahan ni Liam

Open air ang lugar. Sobrang daming kumakain kapag peak hours. Sikat na ito ngayon at nasa level na ng "must visit when in Lipa". Tourist attraction na kumbaga.

Wag mag expect ng sosi na ambiance. Sa halaga ng pagkain at sa sarap ng lomi, walang karapatang mag demand. Wala din namang lomihan sa Lipa na may ambiance, lahat ay style karinderya.

Ang sabi ng madami Lechon Lomi ang must-try dito pero may mangilan-ngilan din na nagsasabing Chami. Pesronally, yung Chami ang boto ko. Pero baka dahil umay na ako sa lomi in general.

dos

Are Pa:
Isang oras na lang mula Maynila hanggang Lipa ngayon via Star Tollway. Dayo na!

Ratings:
6 out of 7




[obi.Oct.18]


0
comments

[OK na Food Trip] Persia Grill

Posted by Obi Macapuno on 11/14/2014
Paunang Salita:
Kebab craving si Misis Buntis, one time after a weekday evening mass sa Greenbelt. Persia Grill lang ang may matinong kebaban sa paligid (bukod sa isang kebab kiosk sa Enterprise Building) kaya automatic na doon kami nag dinner.

Suki na ako ng Persia Grill noon pa, sa orihinal na branch nila malapit sa Valero Street. Hindi pa kami ni misis noon. Ganun na katagal. Yun ang mahal na version ko ng Mister Kabab. Kesa naman pumunta pa ako ng West Ave.

Nakakasalamuha pa namin dati doon yung owner na ex-PBB housemate na hands-on sa kanilang business.

Addendum: Days before we got this review posted, kumain naman kami sa Valero branch.

garlic and spice
Ang Kinain:

  • Chelo Kebab Combination (1 skewer each of beef kubideh and chicken morg)
  • Ox Brain
  • Beef Shawarma
  • Chelo Kebab Tikka (2 skewers of chicken tikka)
  • Persian Burger

Medium well ang grill ng beef kebab nila. Smokey ang lasa pero medyo may konting lansa paminsan minsan. Nakukulangan kami sa beefy taste nito compared to Mister Kabab's.

chelo kebab combination

Yung chicken morg ay skewered chicken breast fillet na medyo maanghang ang marinade. Smokey din ang lasa nito parang yung beef counterpart niya pero maintained yung juicy-ness, unlike the latter.

So so lang din ang ox brain nila para sa amin. Bukod sa konti ang servings, may maanggo pa sa lasa nito. Not sure kung direct translation ng "maanggo" ang "pungent" pero parang ganun.

ang brain na oks

Mas gusto ko ang luto ng baka sa beef shawarma nila. Juicy at mas well done. Naliliitan lang ako para sa presyo.

May side order na humus yung chelo kebab. It tastes like any other humus. Nothing special.

beef shawarma

Yung chicken tikka nila ay parang chicken morg lang din na hindi maanghang na version. Instead, parang sa creamy yoghurt ito na-marinade. Kulay dilaw ito while parang dark orange ang chicken morg. As before, mas nasarapan pa kami sa chicken kebab kesa sa beef.

chicken kebab tikka

May katabangan ang beef burger patty ng Persian burger. Dalawang beef burger patties ito na naka pita wrap with lettuce, pipino and tomatoes ala shawarma. Dinamihan ko na lang sa garlic sauce para ma-enjoy ito. Malambot at malinamnam naman ang pita bread, kaya may pang-bawi.

Yung garlic sauce ang patok. Kaya mostly dinadamihan ko nito para mapasarap ang kain. Special mention din ang hot sauce nila na tamang kick lang ang anghang (hindi outright uber-spicy).

Persian burger

Ang Binayaran:
Medyo mahal ang pagkain dito at about P270 average per dish. Pero maganda naman ang service at ambiance kaya medyo justified. Pero kung sarap ng food lang ang habol, parang lugi sa presyo dito.

menu

Iba Pang Komentaryo:
Hands down, the place is great (both sa Greenbelt at Valero branches). Sa Greenbelt, pati ang amoy ay Middle Eastern. Nakakagutom pag pasok pa lang. Malamig ang aircon at in-theme pati ang mood music.

Maganda ang interiors at may Persian feel talaga ang fixtures. Understandable ang menu at may variety ang dishes.

Good service.

peace, yo

Pahuling Salita:
Magandang pampalipas ng cravings sa kebab. Pero kelangang gumastos ng kaunti.

Ratings:
4 out of 7



 
[obi.Aug.6]


Copyright © 2009 Ang Blog na OK All rights reserved. Theme by Laptop Geek. | Bloggerized by FalconHive.