0
comments

[OK sa Kusina] Pesang Isda

Posted by Obi Macapuno on 6/24/2015
Backstory:

Wala si Mami kaya walang magluluto ng masarap na pesang isda. Sinubukan namin magluto ng sariling version, sabay dasal na sana hindi sablay.

Gumana naman kahit papano.

pesang isda

* * * * *

ingredients

Ingredients:

  • isdang maya-maya, about 3 medium-sized na hiwa (sa parteng papuntang buntot)
  • pechay, tatlong tali
  • hugas bigas, ayon sa dami ng gustong sabaw (yung pinaghugasan ng sinaing)
  • sibuyas, 1 medium sized (chopped)
  • bawang, 2 cloves (minced)
  • luya, 1 thumb (pounded and sliced into strips)
  • patis, mga apat na kutsara
  • mantika
  • asin
  • paminta (buo)

Directions:

asinan ang isda

bago prituhin

1. Masahehin ang 'karne' ng isda gamit ang asin.

2. I-prito ang isda hanggang sa maging medyo brown ang kulay nito. Kung gusto ng mas malutong na texture, pwede i-prito hanggang sa maging dark brown. Set aside.

3. Sa ibang kaserola, gisahin ang bawang, sibuyas, at luya.

gisahin at 'lutuin' ang patis

4. Kapag medyo golden brown na ang mga ginasang components, ilagay ang patis at haluin. Hayaang 'maluto' ang patis o hanggang sa maghalo-halo dito ang lasa ng ginisa.

5. Isalin ang hugas-bigas. Intayin hanggang kumulo.

pakuluin ang hugas-bigas

6. Ilagay ang piniritong maya maya. Simmer for about 10 more minutes o hanggang sa sumama lang ang lasa nung isda sa sabaw.

7. Lagyan ng asin at paminta para sa karagdagang lasa. Sa puntong ito, maaari nang tikman ang sabaw at timplahin ayon sa pagkukulang. Dagdagan ng patis kung kulang ang alat.

ihulog ang isda

 8. Ilagay ang pechay at pakuluan pa ng tatlong minuto. Then, tapos na!


 
Hopefully Helpful Tips:
* Maaaring gumamit ng ibang isda tulad ng dalag or lapu-lapu pero maya maya (or red snapper) ang nagustuhan namin dahil malasa ito at hindi agad agad nagbubuhaghag kapag napasobrahan ng luto. May kamahalan nga lang, umaabot sa P300+ ang isang kilo.

maya maya

* If all else fail at wala pa din talagang lasa ang sabaw, you can opt for seasoning granules na. Pero as much as possible hindi ito advisable. Just search for harmful effects of MSG online and you'll know.

* Pwede din gumamit ng ibang gulay tulad ng bok choy. Maaari ding hiwaan ng sayote o berdeng papaya. In the case of the latter, you may need to put these by Step Number 6 dahil mas matagal lutuin ang mga ito.

pang finale ang pechay

Enjoy!


0 Comments

Post a Comment

Copyright © 2009 Ang Blog na OK All rights reserved. Theme by Laptop Geek. | Bloggerized by FalconHive.