0
comments

[OK na Food Trip] Coconut Craze

Posted by Obi Macapuno on 9/18/2015
Konting Pasakalye
Napadaan kami ng buong tribo dito (along Aguirre Ave, BF Homes) nang minsang maghanap ng mapag-memeryendahan after a Sunday mass. Dati na kaming bumibili ng banana cue sa kanila pero drive-by takeout lang. Nito lang namin nasubukan na actually bumaba at kumain na dine-in.

meryenda

Ang Chicha

  • Turon
  • Overload Goto
  • Buko Juice
  • Mais con Yelo
  • Nata Lychee

Tama lang ang tamis ng turon. Hindi OA sa asukal at hindi din naman matabang sa kakulangan. Bagong luto nung isinilbi sa amin kaya ang init. Crunchy pa ang balat. Merong palamuting caramelized sugar drippings sa labas. We've tasted better turon though, at nabibili lang ang mga iyon sa bangketa. Our point, we expected a bit more than a mediocre taste kasi mas mahal than usual yung presyo.

turon

Malasa ang luto ng goto. Ramdam yung effect ng luya. Ang olats ay yung kanin na ginamit. May katigasan ang saing. Bagong luto ito ng isinilbi. Hindi nagtipid sa lahok. Maraming lamang isaw at chicharon. Meron ding ilang itlog ng pugo.

Forget the buko juice. Lasang tubig. Parang 70% nito ay tubig at 30% lang ang buko.

shake

Shakes yung mais con yelo at nata lychee. As the names suggest, mais shake yung isa habang nata lychee ang flavor nung isa. Masarap ang timpla nito. Ma-gatas ang lasa at hindi nag tipid sa laman. Eto ang patok sa mga in-order namin. Pero mahal.


goto

Ang Damage
P70 yung mga shakes. Medyo mahal dahil nakalagay lang ito sa maliit na plastik cup.

P70 din yung goto. Medyo pwede na sana kaso olats lang talaga yung matigas na kanin.

beverages

They have rice meals at P90 to P130 pero hindi namin natikman. Meryenda lang ang ipinunta namin. It looks interesting sa pictures sa menu though.

Kinse yung turon. Pricey kumpara sa mga nabibili sa bangketa pero may extra overhead cost kasi sila sa pwesto at staff kaya expected na yun.

Mura sana dito overall kung mas pulido pa ng konti ang lasa ng pagkain.


information

Kamusta Naman
Disappointing yung buko juice para sa lugar na dapat coconut ang main attraction. Okay na dito pang quick meryenda na mura. Pero wag mag expect masyado.

Rating:
3 out of 7



[obi.Aug.2]


0 Comments

Post a Comment

Copyright © 2009 Ang Blog na OK All rights reserved. Theme by Laptop Geek. | Bloggerized by FalconHive.