0
comments

[2011 Throwback] Pizza Volante

Posted by Obi Macapuno on 2/28/2015
[updated]

The Project 12x2-1 Page

And I don't cook, either. Not as long as they still deliver pizza.
- Tiger Woods

Our Baguio food trip, part deux! Nangyari ito nung nakaraang four-day long weekend, amidst a Signal #3 cyclone!

not even Mina can stop us eating

This time we're with friends from the office. Kaya binalikan namin yung mga most peborit kainan namin dun para ma-experience din nila. Walang bagyo bagyo... foood triiip!!!

Link to our first Baguio food commentaries.

hindi ko ito ipagpapalit

Good Taste is Good Taste! It will always be our number one tsibog spot in Baguio for the sheer bang-for-your-bucks-ness of the place! I mean, come on, a very delicious serving of your lutong-bahay food that serves 3 to 4 persons per order at P120 to P130 only?? Come on!

In short, we made a believer out of our office mates (which never fails, every time we bring people there).

perv!

50's Diner is a staple. Parang tourist spot na ito ng Baguio. K and the gang enjoyed the huge servings. Nuff said.

Unfortunately, Oh My Gulay! is closed for the four-day long weekend. Badtrip. So we ended up some place else. Sayangs.

Moving on. Ibabahagi ko yung iba pang kinainan namin during that stay. Humandang magutom!

Unang Tagpo:
Pizza Volante.

Medyo matunog ang pangalan ng pizzeria na ito sa social media. Hindi lang ito sikat sa mga taga Baguio kundi pati na din sa mga taga-patag na mahilig mamasyal doon. Actually, una kong narinig ang Pizza Volante sa isang feature segment ng isang TV show. Sikat!

pili-pili!

Matagal kaming tumambay dito dahil bukod sa napaka conducive nilang pagtambayan, anlakas lakas ng bagyong Mina sa labas (zero visibility na sa Session Road) that we rather stay indoor and pass the afternoon chatting and eating!

Madali ipagtanong kung nasaan ito matatagpuan basta marating ang Session Road. Kung galing SM - Baguio, maglakad papuntang Burnham Park. Nasa left side ang Pizza Volante, makalampas ng Greenwich - Session Road. Madami namang taong mapagtatanungan sa parte na iyon, kahit pa sa gabi.

Ang Tsinibog:

  • Coffee with Vanilla Ice Cream
  • Mango Cottage Cheese Pie
  • Waffle with Maple Syrup
  • French Fries
  • Chilli con Carne Pizza
  • Burger Pizza
  • Four Cheese Pizza
  • Pepperoni and Mushroom Pizza
  • Pesto on Pasta
  • Spaghetti with Meatball
  • Pasta Putanesca
  • Iced Tea

Ahahay! Ang sarap ng madaming kasama. Iba't-iba ang natsitsibog! LOL.

ice cream in kape... award-winning!

Kung sino man ang naka-isip na masarap lagyan ang mainit na brewed coffee ng malamig na scoop ng vanilla ice cream ay may IQ na above 150 at dapat bigyan ng Nobel Prize in Chemistry. Ang sarap! Astig. Magawa nga minsan sa bahay.

masarap ito with maple syrup

Yung mango cottage cheese pie ay lasang mango crepe na wala lang ice cream at whipped cream. Bale ang core niya ay bits ng mangga at cottage cheese. Tapos binudburan ng sandamakmak na Graham crackers sa ibabaw. Masarap din yung pagkaka-gawa sa crust. Tamang bake. Imbento lang namin na lagyan siya ng maple syrup (galing sa waffle) pero sa totoo lang mas umangas ang lasa! Pramis, sobrang panalong dessert! Masarap din itong kasabay ng kape. Bagay yung kontrahan ng lasa.

typical waffle

No comment sa waffle. Mukang typical lang.

soggy fries

Hindi crunchy yung french fries. Sobrang nalunod sa mantika na hindi tama ang init, kaya anlambot lambot. Parang french fries ng McDo matapos palamigin ng 10 minutes sa room temperature. Ganun. Soggy!

Not much comment sa chilli con carne pizza. Muka lang siyang pork and beans na binuhos sa pizza crust at pinatunawan ng keso.

Sa pizza burger naman, wala nang makain kundi higanteng slices ng sibuyas. Sana tinawag na lang itong sibuyas pizza with meat bits. In fairness, madaming meat bits for a six-incher. Kaso mas madami lang talagang sibuyas kaya nangibabaw ang lasa. Masarap na sana.

Promising yung four cheese pizza kasi may blue cheese. Angas!

from near to far: burger pizza, four cheese, and pepperoni & mushroom

Yung pepperoni and mushroom pizza does not impress much as well. Mukang typical din. Nothing special. Tamang laman-tiyan lang.

pesto pasta

"Pesto on Pasta... bleuch!" Yan ang nakasulat sa notes ko, verbatim. Kulang sa olive oil yung pasta kaya ang nanyari parang laing sa kalagkitan yung pesto. Ganun pala ang lasa ng pasta kapag nasobrahan sa pesto. Kakain na lang ako ng dinikdik na ipil-ipil. Masarap yung garlic bread, though. Hindi namin naubos ang pasta na ito.

hanapin ang meat ball

Yung spaghetti na may meat sauce ay medyo malabnaw yung sauce. Hindi kumakapit sa pasta. Pwede ding hindi lang na-drain ng maige yung noodle. It's served with a meatball na mukang masarap naman.

Sa mga pasta, yung putanesca ang mukang promising. Maalat-alat dahil sa anchovies, which is how a putanesca should be. So, okay okay ito.

Mga Chechebureche:
Gusto namin yung interiors nung lugar. Minimalist yung mga design ng mga muwebles pero ang ganda ng play ng colors ng paligid: majority red walls at white tables with hints of yellow, orange, and green. Maganda yung pauso nilang malaking chalkboard na may scribbles ng mga menu items. Napaka grungy pero for some reason, bagay siya sa packaging nung place. May random Italian posters din.

chalkboard

Conducive tambayan kasi soft tone yung ilaw at Baguio being Baguio, hindi na kelangan ng aircon para lumamig. And for us, mas masarap yung "tambay food" nila than their meal items. Kape at pie, for the win! Patok din sa amin yung mga old music na pinapatugtog nila. Bagay sa ambiance. Sunday-music ang tawag namin dun. Yung mga tamang "Puff the Magic Dragon" at "Green Green Grass of Home". Sinasabayan ko pa yung mga kanta. Kantang chillax at pang-tinatamad.

waiting for the big chow

Mabilis ang pag-serve ng pagkain. Konti lang ang waiting time.

Pinaka-ayaw namin ay yung dumi ng CR, both sa lalake at babae (daw). Kung anong effort ang nilagay para mapaganda ang dining area nila, ganun namang walang effort para palinisin at pagandahin ang kubeta. Major turn off.

half of the menu

Simple at straightforward yung menu. Isang laminated paper na back to back. Typical ang descriptions ng bawat item. Tamang pangkuha ng pansin ng mga taong gutom na gutom... example: "Succulent strips of juicy salmon belly, grilled to perfection! A mouth-watering dish rich in Omega 3!" Yung mga tamang pag-nabasa eh, literally kelangan ng tabo pang sambot ng laway na tutulo sa sarap ng description.

Kaching!:
P130 to 250 ang range ng mga pagkain.

Hindi sulit para sa amin yung mga six-inch pizza. Kung grupo lang din naman, kuhain na lang yung ten-incher. Tingin namin mas nakakamura sa gentong paraan. Mas lalabas siguro yung flavor ng mga pizza sa mas malalaking sizes than being cramped on a six-incher.

Mamili ng mabuti sa mga pasta items. Yung iba talaga kahit mukang mura, hindi sulit sa bayad *ehem* *pesto* *ehem*!!

Update: Tumaas na ng konti ang price range nila ngayon (2015) at P140 to P270.

happy K

Ang Hatol:
Place is good but offset by the nasty toilet.

Masarap yung kape at dessert than most of the main course. So para sa amin mas okay na gawin siyang tambayan for a meryenda break than a place you would consider having a meal on.

For a pizzeria, it's a bit ironic na mas nagustuhan namin yung mga non-pizza items. Pero ang malupit lang dito ay madaming pagpipilian na pizza flavor kaya kung variety lang, hindi mauubusan. Even sa mga non-pizza items, jampacked yung menu nila ng pwedeng subukan na pagkain.

Kung babalik-balikan ito, yun ay dahil para masubukan as much from what they offer (which is a lot). At hindi mostly dahil nasarapan ka with something.

pizza volante

Rating:
4 out of 7

Susunod, ang ikalawang tagpo... Cora's Restaurant !



Back to the Project 12x2-1 Page


0
comments

[2011 Throwback] Chubby's Rib Shack, Buffalo's Wings N' Things

Posted by Obi Macapuno on 2/28/2015
[updated]

The Project 12x2-1 Page


Before our trip to Baguio for the long holiday, we dined it at these restaurants that exist side by side in Dela Rosa Avenue. Parang duplex. Duplex in the sense na dalawa yung resto brand (different names and different food offerings) but they share the same location. You can cross from one resto to the other through an adjoining pathway inside the premise. Astig. They even share the same staff!

chubby

That's "Chubby's Rib Shack" on one side and "Buffalo's Wings N' Things" naman sa kabila.

They probably have the same owners but whether the duplex thing is a marketing gimik or not, ang gusto namin about it ay mas madaming choices ng pagkain! Wooot!

Pasakalye:
That duplex in Makati is located along Dela Rosa Avenue near Esteban and Bolanos. Malapit ito sa CEU-Makati and two blocks away from Herrera Avenue. Ang hirap i-explain exactly where it is. Mag tanong tanong na lang sa mga taong naglalakad around the Dela Rosa - Herrera area.

hot legs, anyone?

Spicy American diner food yung menu ng Buffalo's while emphasis on barbecues naman sa Chubby's.

It's quite jampacked kapag dinner so malamang masarap kumain dito.

Ang Nilantakan:

...sa Chubby's

  • Barbecue Rib Shoulder with Honey Barbecue Sauce
  • Texas Garlic Bread
  • Coleslaw

...sa Buffalo's

  • Dirty Chicken Fingers
  • Classic Chicken Fingers

rib shoulder

Sa Chubby's, ang kinuha namin ay yung Chubby's BBQ Platter nila. It's a choice of a main dish (choices are baby back ribs, rib shoulder, meatloaf, pulled pork, and fish) na barbecued on your choice of a signature sauce plus two side dishes. We picked garlic bread and coleslaw as sides while honey barbecue as sauce.

Masarap yung honey barbecue sauce nila on the rib shoulder. Nasa matamis na side inclined yung lasa ng sauce. Malambot ang pagkaka-ihaw nung rib shoulder. Ang problema lang namin ay medyo kulang sa laman yung part na iyon. Iniisip ko tuloy, we should have picked baby back ribs instead.

Hindi ko inaasahan na yung garlic bread nila ay isang malaking piraso ng loaf bread. Malambot ito despite its size at sapat ang pagka toast. Hindi namin nalasahan ang garlic pero nag-enjoy pa din kaming kainin ito. Yung coleslaw is typical, nothing special about it but not to scoff at ang lasa, so oks din para sa amin.

chicken fingers

Sa Buffalo's, our order came from the Fan Faves combo. It's a choice of chicken legs, chicken fingers, or fish fillet, all served with rice and iced tea.

Yung binili namin ay classic chicken fingers at dirty chicken fingers. Classic ang tawag dun sa boneless strips of chicken meat, deep fried in breadings. Dirty naman ang term nila sa same chicken finger when it is tossed in your choice of their signature sauce.

Masarap yung honey barbecue sauce on the dirty chicken finger. Tingin namin obvious pick ang barbecue variants nila. Tama lang ang luto nung chicken fingers. Perfect na finger food on a lazy tambay night with friends. Gusto namin yung combination nito with honey mustard.

dirty finger

Buffalo's also offers spicy chicken wings as their specialty. Their spicy flavor ranges from the minimal "rookie" level to the arse-cracking "nuclear" which is quite infamous for the chilli-lovers. Basta tandaan: when it's hot coming in... it is hot coming out! Yebah!

Ibang Satsat:
Makulit yung theme ng ambiance sa Chubby's, panay kahoy everywhere. Meron ding mga nakasabit na quotes related to barbecue from famous personalities. Hindi namin nasilip masyado yung kabila (Buffalo's) pero mukang sporty naman yung datingan ng mga wall designs.

Medyo malangaw nung andun kami. Partida gabi na. Not sure if this is always the case.

firewood everywhere

Jolly yung mga serbidor at conciously may malasakit sa mga kumakain. Madaming kumakain dito pero napagsisilbihan nila ng mabuti at hindi nakakalimutan ang mga requests. Kelangan ko ng kanilang memory-power... para silang tumitira ng Memo Plus Gold kada araw.

Simple yung menu... Buffalo's sa isang side nung naka-laminate na lengthwise na papel at Chubby's naman sa kabila. Mag tanong sa waitress para mas malinaw kung ano ang mga kombinasyon na pwedeng orderin. Andami kasing squiggly lines, nakakalito.

menu: chubby's sa taas, buffalo's sa baba

Kaching!:
P230 to 300 ang range ng mga pagkain sa Chubby's at P140 to P260 naman sa Buffalo's.

Medyo may kamurahan na yung sa Chubby's kung yung mga ribs nila ang pagti-trippan. Sa halagang P270 kasi may ribs ka na which is wala sa kalingkingan ng ilang mga sikat na rib place sa bansa (*ehem* Racks *ehem*). We have to admit that their ribs do not match with leading contenders pero yung sarap naman ay medyo kaya nang humilera sa mga ito.

Wag nang pag-aksayahan ng panahon yung ibang items sa menu.

Sa Buffalo's naman, hindi sana ito ganun kamahal. It's just that for that price, other American junkfood place can offer a better tasting alternative.

Siguro kelangan namin balikan yung chicken wings para mas maging fair.

Update: Ang going rate na ngayon (2015) ng Chubby's ay P260 to P330. Sa Buffalo's naman ay P180 to P200 ang average gastos per food item.

Ang Hatol: 
Okay na tambay place or dinner night-out with tropa. Yung tamang kulitan at kwentuhan lang for the night. For anything beyond casual hangout like looking for a sumptuous meal or a quiet date, forget it.

Kelangan pa namin bumalik dito to sample more food... and take better pictures too. 

Update: Fast forward to 2015, isa na sa mga favorite chicken wing place namin ni K ang Buffalo's, especially that branch in Glorietta 5 na dinadayo pa namin. At around P200+ para sa kanilang one pound chicken wing set (around 6 wings), sulit na. Ang sasarap pa ng flavor options. Peborit namin ang pesto.

Rating:
4 out of 7




Back to the Project 12x2-1 Page


0
comments

[2011 Throwback] Adobo Connection

Posted by Obi Macapuno on 2/28/2015
[updated]

The Project 12x2-1 Page
 
Tomatoes and oregano make it Italian; wine and tarragon make it French. Sour cream makes it Russian; lemon and cinnamon make it Greek. Soy sauce makes it Chinese; garlic makes it good.
- Alice May Brock

Unang Satsat:
It's a fastfood type resto along Dela Rosa Avenue, near Perea Street, right across Mom and Tina's at kahilera ng iba't ibang kainan sa ilalim ng Dela Rosa walkway/carpark.

facade plus K

Medyo nakatago yung lugar kaya tingin namin ang pagsikat nito ay nakasalalay sa salita ng bibig (word of mouth). LOL.

Sa dalawang beses na nakabalik na kami para mag-tanghalian dito, medyo hindi pa siya pumapatok sa mga empleyadong mahilig mag lunch out. Hindi pa sila gaanong napupuno pag tanghalian. More marketing effort pa, I guess.

As the name suggests, panay variants ng adobo ang makakain dito although may pangilan-ngilan silang ibang ulam.

adobong etcetera

Ang Kinain:

  • Poqui Poqui
  • Gising Gising
  • Modern Adobo
  • Adobo sa Gata
  • Mama's Adobo
  • Meztisang Adobo
  • Fish and Tofu Adobo
  • Red Berry Juice

gising gising (front), poqui poqui (back)

Yung Poqui Poqui at Gising Gising ay pwedeng bilhin as side dish ng mga Adobo variants or can purchased as a separate item.

Ang Poqui Poqui ay hango sa Ilocano dish of almost the same name ("puke-puke" talaga ang tawag AT bigkas sa kanya... kaso R-18 sa Katagalugan kaya pinapaganda ng karamihan ang spelling). Mashed eggplant ito na steamed with sibuyas at kamatis. Basically, parang enseladang talong na hindi dinawdaw sa suka.

Yung Gising Gising ay tinadtad na beans (parang baguio beans) na sinahog sa gata at lasang laing. Supposed to be dapat maanghang ito pero yung version nila ay walang anghang gaano.

adobo na moderno

Ang kanilang Modern Adobo ay pork adobo na parang mechado ang luto. Matamis na thick ang sauce at may budbod ng giniling na mani for texturing.

Masarap yung adobo sa gata. Chicken adobo naman ito na sinabawan ng gata at liver sauce. Hindi namin malasahan yung liver sauce pero strong yung gata components niya. Tingin namin yung liver sauce ay ginamit lang nilang pang-kulay, para mag mukang "adobo" yung sabaw niya instead of having the typical milky white color ng gata.

adobo ng nanay

Ang pinaka basic na adobo nila ay yung Mama's Adobo. It's the classic chicken adobo na may syrupy soy sauce as sabaw at may hints ng tamis. Pansin ko hindi ganun kalalake yung parts nila ng chicken pero I'm okay to turn a blind eye dahil masarap naman yung mga timpla nila ng ulam.

adobong mestiza

Pinaka naging interested kami among the adobo offerings ay yung Mestizang Adobo. Pork adobo siya na vinegar-based ang sabaw. Malagkit yung consistency ng sabaw (parang sipon) na kulay puti at tamis-asim ang lasa. Parang pwede na itong tawaging lechon paksiw dahil sa lasa (less the Mang Tomas sarsa). Pero digs namin yung sarap nito.

panay tofu

Fish and Tofu Adobo. Tipikal na tokwa't baboy ang luto, yun nga lang isda ang sahog instead of pork. Obvious naman sa pangalan.

red tea

Yung red berry juice nila ay cross between Kool Aid Strawberry at Tokyo Tokyo Red Iced tea. Masarap ito lalo na kung malamig. Tingin namin makarami nito.

Iba Chechebureche:
Okay yung loob nung resto. Malinis. Tago lang talaga yung mismong location. Pero Makati being Makati, for sure yung mga empleyadong bored na sa paulit ulit na ulam sa jollijeep or nauubusan na ng resto na makakainan ay maghahanap at maghahanap ng alternatives. 

place to be

Maagap ang mga nag sisilbi (na hindi mukang serbidor, bagkus ay mukang Manager dahil hindi mga naka-uniform... Take Note: "mga"... baka nga mamaya, owner yung mga yun eh... nagtitipid sa manpower). In any case, all asikaso to the max sila kaya aprub.

Malinaw at maganda ang descriptions nung menu nila na naka imprenta sa taas ng counter. Walang masyadong pictures para malaman kung mas maputi ba ang mestizang adobo kumpara sa adobo ni Mama. So pwedeng mag mini-mini-mo na lang at kung hindi nagustuhan ang na-order, better luck next time.

Kaching!:
P110 to P200 yung price range.

May lunch sets na sila na pinaka "combo" sa menu.. may kasama nang rice at iced tea ito. Dagdagan pa ng P30 at pwede kang pumili between poqui poqui at gising gising as veggie rice siding.

Mura dito dahil masarap yung most ng ulam nila.

Don't bother with the iced tea. Try the red berry juice.

Update (2015): P150 to P160 na yung mga adobo sets.

O + K

So Ano Na:
Masarap magpa-balik balik dito. Madami kasing pwedeng subukang kainin.

Interesting yung variety ng adobo sa menu... tamang nakaka-curious kung ano ba yung differences ng mga ito. Pero dahil nga most naman ng mao-order mo ay swak sa panlasa at sa bulsa, why not try it randomly para masaya.

Update: Fast forward to 2015, nag sulputan ang branches nito sa Manila so we think tinanggap naman ng masa ang mga pagkain nila. Matagal na kaming hindi nakakabalik sa Dela Rosa branch and we're not even sure if it still exists.

Rating:

5.5 out of 7



Back to the Project 12x2-1 Page


0
comments

[2011 Throwback] Spaghetti Factory

Posted by Obi Macapuno on 2/28/2015
[updated]

The Project 12x2-1 Page

No man is lonely eating spaghetti; it requires so much attention. 
- Christopher Morley

Dahil nasa "spaghetti phase" ang taste buds ni K, we tried this pasta place in Glorietta 5 called the Spaghetti Factory.

Update: Nasa Glorietta 2 na sila ngayon (2015).

Ang Pasakalye:
Akala namin dati fastfood ang datingan ng kainan na ito. It never occurred to us na medyo upscale pala ang market nila until we got inside the place. Pang sosi yung mga pagkain sa menu.

However, their attempt at an "ambiance" is failing quite miserably because of the boisterous sounds and loud music coming from an adjoining resto-bar (Gerry's Grille). Siguro naman hindi ganito sa umaga (gabi kami kumain dito).

yosi at ingay sa kabilang bakod

Nag-order kami ng samut-sari para ma-sampolan yung pagkain with as much variety as we can.

Ang Chicha:
  • Mafia Style Pasta
  • Beef Tenderloin Chef Style
  • Chicken Wings Factory Style
  • Mango Crepe

gangster na spaghetti

Tomato based sauce with sliced sausages ang raket ng mafia style spaghetti. May kasama itong strip ng tinapay na walang lasa (hindi man lang garlic bread na lang sana). Tamis-asim ang lasa nito pero overpowering yung asim-side dahil siguro sa generous application ng tomato sauce. Ito daw ang best seller pero walang "kaboom!" para sa akin. So so lang. Pero si K, enjoy na enjoy... as expected.

beef goma-loin

Masarap yung asparagus sauce nung beef tenderloin. Ang itsura nito ay parang suka ng pusa na kulay green at textured na parang gerber. Masarap din yung beef na parang burger patty kung hindi nga lang parang rubberband sa kunat. Patok sa amin yung side dish na steamed veggies. This is also served with rice.

wings

Tatlong piraso yung chicken wings nila at maliliit para sa presyo. Sakto lang sana kung ginawa nilang apat na pakpak per order. Hindi namin alam kung ano ang ibig sabihin ng "Factory Style" sa menu pero malasa yung pagkaka-luto. Masarap yung manok as it is. Hindi na kelangan nung matabang na gravy para pasarapin yung piniritong pakpak.

for the win!

Winner yung mango crepe! Packed with two scoops of ice cream at generously lathered with chocolate syrup at whipped cream, ito ang na-appreciate namin ng sobra. Konti yung laman na strips ng mangga pero masarap pa din para sa amin at sulit sa bayad.

Iba pang Satsat:
Cramped yung lugar. Medyo kulang sila sa space.

Okay naman sa labas kumain kung hindi mainit at walang humihithit-buga ng yosi sa mga katabing lamesa o sa katabing resto-bar. Pambasag ambiance eh.

view outside

Maagap ang mga waiter at madaling kuhain ang atensyon (syempre galiit nung lugar eh).

Pang sosi ang layout ng menu. May descriptions pero hindi enough para ma-describe ng mabuti ang ilang items na minsan ay equally clueless din kami kung ano. In any case, madami namang ritrato at huwag mahiyang mag-tanong.

menu

Inimpatso the next day si K. Tingin ko dahil ito sa goma-like beef tenderloin at hindi sa dami ng kinain namin.

Kaching!:
P120 to P230 yung price range per order.

pang himagas

Mura na ito for what they offer. Yun nga lang, from what we tried, hindi namin masasabi outright na sulit ito para sa lasa at kaledad ng mga pagkain. We still find the food somewhat lacking for the price.

Siguro kelangan namin bumalik dito to try the other stuff. Besides, andaaami nilang offering na mukang interesting naman.

Update: Fast forward to 2015, price range now is about P180 to P230. Konti lang ang itinaas ng presyo kaya lumalabas na considerably mas mura na ngayon kumain dito than 4 years ago.

Ang Hatol:
So so yung mga lasa ng pagkain. Wala kaming sobrang trip sa mga sinampolan namin aside sa desert.

Yung supposedly flag-bearer nilang pasta ay hindi ganun ka-patok sa amin kaya major turn-off.

Kelangan bumalik para ma-try pa yung iba.

Rating:
4 out of 7






Back to the Project 12x2-1 Page


0
comments

[2011 Throwback] Old Penang

Posted by Obi Macapuno on 2/28/2015
[updated]

The Project 12x2-1 Page


Unang Hirit:
For our second year anniversary, we had dinnner at the Old Penang restaurant in Resorts World.

Hindi ako madalas sa Resorts World kahit literally ilang hakbang lang ito from home. Kaya nung naisip namin na manood ng sine dito, I have no specific place in mind to dine in after the movie. Nakita namin yung Heinanese chicken sa menu ng Old Penang kaya dito na naisip kumain.

from the outside with sponk

Malaysian ang food offering nila at mukang enticing yung presyo. The place is along a chain of restaurants on the 4th floor of Resorts World, where the cinemas are.

Ang Nilantakan:
  • Yangchow Rice
  • Hainanese Chicken
  • Char Kway Teow
  • Sweet and Sour Pork
  • House Tea

yangchow

Nothing special ang yangchow rice. Katulad lang din ng yangchow rice ng most Chinese restos. Trip lang namin na kakaiba ay yung anim na pirasong hipon.

Hainenese chicken

Yung Hainanese chicken ay may kalamigan na nung isinilbi. Turn off kami dito. Humingi pa kami ng sauce na dapat ay mandatory nang binibigay kasama neto. Ang set ng sauce na kasama nung ulam ay binubuo ng isang parang oyster sauce na matamis, ginger sauce, at hot chili.

Hindi din na-serve samin yung sinabi nung waitress na soup na kasama nung Hainanese. Late na lang din namin naalala kaya di na hiningi.

maanghang at manamis-namis

Yung char kway teow ang masarap. With an option to be served as spicy or not, pinili namin yung maanghang syempre. It's not as spicy as we expected pero tama lang yung mix ng tamis at anghang. Nagbi-build up yung anghang niya habang tumatagal.

sa ibabaw ng letsugas

Gusto namin yung presentation ng sweet and sour pork. Nakalagay ito sa plate ng lettuce. Medyo napa-sobra yung tamis and aside from that, there's nothing else that is notable sa lasa.

tsaa

Iba pang Satsat:
Malinis yung lugar at chillax yung interiors, lalo na yung soft tones ng lightings.

black and white portraits

Attentive yung mga nagsisilbi. Pero konti lang naman yung tao so hindi mahirap kuhain ang atensyon nila. Pansin namin na pare-pareho yung height nila. Baka kasama sa requirements.

Helpful yung menu. May mga ritrato at descriptions.

menu

Kaching!:
P240 to P300 yung price range per ulam.

Ang isang ulam serves 2 to 3 so medyo mura na ito. Kaso kung yung lasa ng mga ulam ang pag-babasehan, parang lugi. Kasi walang masyadong dating yung lasa ng mga pagkain. Sa similar na halaga, mas madaming Asian resto ang kayang mag-offer ng mas masasarap na options.

Biro nga namin ni K na para sa isang Asian resto, kulang sila sa pag-gamit ng MSG.

happy second!

Update: Flash back to 2015, konti lang ang itinaas ng rates nila. Most ng ulam ay nasa P280 ang starting price.

Ang Hatol:
Hindi something na babalik-balikan.

Walang dating yung lasa ng mga ulam considering the price. Besides, being located in Resorts World, you'll go out of your way para pumunta dito for something as mediocre.

Baka kelangan pa namin masubukan yung ibang options. Pero dun sa mga sinubukan namin, one of which is supposed to be their specialty (Heinanese Chicken), parang hindi worth it.

aftermath

Rating:
3 out of 7



Back to the Project 12x2-1 Page


Copyright © 2009 Ang Blog na OK All rights reserved. Theme by Laptop Geek. | Bloggerized by FalconHive.