0
comments

[2011 Throwback] Cora's Restaurant

Posted by Obi Macapuno on 3/04/2015
[updated]

The Project 12x2-1 Page


Sa pagpapatuloy ng aming ikalawang Baguio food trip ni Kumander K, matapos kaming mag Pizza Volante, isinunod ng tropa ang Cora's Restaurant sa Mines View Park. Game!

Link sa Unang Tagpo:
Pizza Volante

Ikalawang Tagpo:
Cora's Restaurant.

They are one of several eateries lining up that side of the cliff overlooking the mines of Mines View Park. On a clear day (that's if absent ang fog), kitang kita ang naaaapakagandang view ng mga bubong ng bahay na parang kabuteng nagsulputan sa supposedly forested and breath-taking site of the valley below (at least from what I remembered when I was young).

mines view blocked by fog

Galing sa main entrance ng Mines View (where all the pasalubong stores are), take the path going to the Good Shepherd Convent. Cora's should be two or three blocks away, sa right side.

Hindi ito outright na mukang kainan sa labas. Bukod kasi sa restaurant, may apartment din sa taas ng lugar para sa mga gustong mag transient stay.

Ang Chicha:

  • Sinigang na Baboy
  • Sweet and Sour Fish
  • Fried Chicken
  • Beef with Brocolli
  • Iced Tea

paubos na

Okay lang yung sinigang na baboy. Typical na lutong bahay type. Nothing special about it but nothing bad either. Masarap sana kung mainit kaso sa sobrang lamig sa Baguio, gabilis lumamig ng mga pagkain.

sorta sweet and kinda sour

Olats yung sweet and sour fish. Matabang ang lasa nung sabaw at ganun din yung isda na binalot sa makapal na harina. Punong puno ng green at red bell pepper pero parang walang epekto sa lasa nung pagkain. Matabang pa din.

redeeming factor

Yung sa piniritong manok, maliit yung gamit nilang manok. Parang hindi pinakain ng ilang araw. Pero gusto namin yung crisp ng pagkaka prito.

Okay para sa amin yung beef with brocolli. Again, parang yung sinigang na baboy. Walang special about it pero hindi din naman ito something to scoff at.

Sige Dada Pa:
"A" for effort yung kanilang attempt para lagyan ng artsy stuff yung loob ng resto. May sandamakmak na portraits ng mga iba't ibang simbahan na naka-linya sa dingding.

various churches

Syempre panalo din kahit papano yung malaking bintana nila na nakatapat sa view ng mines. Oo, hindi na ganun kaganda ang makikita sa labas nito on a fine weather pero a view is a view. It's still awesome to dine by a cliffside panorama. Yun nga lang, sobrang cloudy nung time na andun kami. Boo!

menu

The menu is outright simple but all the food are Pinoy by nature so walang masyadong kaeklatan ang kelangan para gawing elaborate ang menu. Halos lahat ng pagkain nila ay for 2 to 3 servings, yung mga for one serving naman ay walang masyadong option so forget it.

Kaching!:
P130 to 300 ang range ng mga pagkain.

Namamahalan ako dito taking in consideration yung kalidad ng lugar at lasa ng pagkain, mas madami pang makakainan sa Baguio (of the same genre ng ulam) na mas worth it sa presyong ito.

Ang Hatol:
Hindi worth dumayo para lang kumain dito.

PERO kung nasa area na lang din naman ng Mines View (say to visit the place or going to Good Shepherd), why not? There's not much option around the area anyway and we can say competitive naman ang Cora's compared sa mga ibang kainan na nasa paligid.

O + K

Rating:
3.5 out of 7


Back to the Project 12x2-1 Page 


0 Comments

Post a Comment

Copyright © 2009 Ang Blog na OK All rights reserved. Theme by Laptop Geek. | Bloggerized by FalconHive.