[2011 Throwback] Pizza Volante
Posted by Obi Macapuno
on
2/28/2015
[updated]
The Project 12x2-1 Page
Our Baguio food trip, part deux! Nangyari ito nung nakaraang four-day long weekend, amidst a Signal #3 cyclone!
Link to our first Baguio food commentaries.
Unang Tagpo:
Ang Tsinibog:
Ahahay! Ang sarap ng madaming kasama. Iba't-iba ang natsitsibog! LOL.
No comment sa waffle. Mukang typical lang.
Yung pepperoni and mushroom pizza does not impress much as well. Mukang typical din. Nothing special. Tamang laman-tiyan lang.
Mga Chechebureche:
Kaching!:
Update: Tumaas na ng konti ang price range nila ngayon (2015) at P140 to P270.
Ang Hatol:
Rating:
4 out of 7
Susunod, ang ikalawang tagpo... Cora's Restaurant !
Back to the Project 12x2-1 Page
The Project 12x2-1 Page
And I don't cook, either. Not as long as they still deliver pizza.
- Tiger Woods
Our Baguio food trip, part deux! Nangyari ito nung nakaraang four-day long weekend, amidst a Signal #3 cyclone!
not even Mina can stop us eating |
This time we're with friends from the
office. Kaya binalikan namin yung mga most peborit kainan namin dun para
ma-experience din nila. Walang bagyo bagyo... foood triiip!!!
Link to our first Baguio food commentaries.
hindi ko ito ipagpapalit |
Good Taste is Good Taste! It will always be our number one tsibog spot in
Baguio for the sheer bang-for-your-bucks-ness of the place! I mean,
come on, a very delicious serving of your lutong-bahay food that serves 3
to 4 persons per order at P120 to P130 only?? Come on!
In short, we made a believer out of our office mates (which never fails, every time we bring people there).
In short, we made a believer out of our office mates (which never fails, every time we bring people there).
perv! |
50's Diner is a staple. Parang tourist spot na ito ng Baguio. K and the gang enjoyed the huge servings. Nuff said.
Unfortunately, Oh My Gulay! is closed for the four-day long weekend. Badtrip. So we ended up some place else. Sayangs.
Moving on. Ibabahagi ko yung iba pang kinainan namin during that stay. Humandang magutom!

Pizza Volante.
Medyo matunog ang pangalan ng pizzeria na ito sa social media. Hindi lang ito sikat sa mga taga Baguio kundi pati na din sa mga taga-patag na mahilig mamasyal doon. Actually, una kong narinig ang Pizza Volante sa isang feature segment ng isang TV show. Sikat!

pili-pili! |
Matagal kaming tumambay dito dahil bukod sa napaka conducive nilang
pagtambayan, anlakas lakas ng bagyong Mina sa labas (zero visibility na sa
Session Road) that we rather stay indoor and pass the afternoon chatting
and eating!
Madali ipagtanong kung nasaan ito matatagpuan basta marating ang Session Road. Kung galing SM - Baguio, maglakad papuntang Burnham Park. Nasa left side ang Pizza Volante, makalampas ng Greenwich - Session Road. Madami namang taong mapagtatanungan sa parte na iyon, kahit pa sa gabi.

- Coffee with Vanilla Ice Cream
- Mango Cottage Cheese Pie
- Waffle with Maple Syrup
- French Fries
- Chilli con Carne Pizza
- Burger Pizza
- Four Cheese Pizza
- Pepperoni and Mushroom Pizza
- Pesto on Pasta
- Spaghetti with Meatball
- Pasta Putanesca
- Iced Tea
Ahahay! Ang sarap ng madaming kasama. Iba't-iba ang natsitsibog! LOL.
ice cream in kape... award-winning! |
Kung sino man ang naka-isip na masarap lagyan ang mainit na brewed
coffee ng malamig na scoop ng vanilla ice cream ay may IQ na above 150
at dapat bigyan ng Nobel Prize in Chemistry. Ang sarap! Astig. Magawa
nga minsan sa bahay.
masarap ito with maple syrup |
Yung mango cottage cheese pie ay lasang mango crepe na wala lang ice
cream at whipped cream. Bale ang core niya ay bits ng mangga at cottage
cheese. Tapos binudburan ng sandamakmak na Graham crackers sa ibabaw.
Masarap din yung pagkaka-gawa sa crust. Tamang bake. Imbento lang namin
na lagyan siya ng maple syrup (galing sa waffle) pero sa totoo lang mas
umangas ang lasa! Pramis, sobrang panalong dessert! Masarap din itong
kasabay ng kape. Bagay yung kontrahan ng lasa.
typical waffle |
No comment sa waffle. Mukang typical lang.
soggy fries |
Hindi crunchy yung french fries. Sobrang nalunod sa mantika na hindi
tama ang init, kaya anlambot lambot. Parang french fries ng McDo matapos
palamigin ng 10 minutes sa room temperature. Ganun. Soggy!
Not much comment sa chilli con carne pizza. Muka lang siyang pork and beans na binuhos sa pizza crust at pinatunawan ng keso.
Sa pizza burger naman, wala nang makain kundi higanteng slices ng sibuyas. Sana tinawag na lang itong sibuyas pizza with meat bits. In fairness, madaming meat bits for a six-incher. Kaso mas madami lang talagang sibuyas kaya nangibabaw ang lasa. Masarap na sana.
Promising yung four cheese pizza kasi may blue cheese. Angas!

from near to far: burger pizza, four cheese, and pepperoni & mushroom |
Yung pepperoni and mushroom pizza does not impress much as well. Mukang typical din. Nothing special. Tamang laman-tiyan lang.
pesto pasta |
"Pesto on Pasta... bleuch!" Yan ang nakasulat sa notes ko, verbatim.
Kulang sa olive oil yung pasta kaya ang nanyari parang laing sa
kalagkitan yung pesto. Ganun pala ang lasa ng pasta kapag nasobrahan sa
pesto. Kakain na lang ako ng dinikdik na ipil-ipil. Masarap yung garlic
bread, though. Hindi namin naubos ang pasta na ito.
hanapin ang meat ball |
Yung spaghetti na may meat sauce ay medyo malabnaw yung sauce. Hindi
kumakapit sa pasta. Pwede ding hindi lang na-drain ng maige yung noodle. It's served with a meatball na mukang masarap naman.
Sa mga pasta, yung putanesca ang mukang promising. Maalat-alat dahil sa anchovies, which is how a putanesca should be. So, okay okay ito.
Sa mga pasta, yung putanesca ang mukang promising. Maalat-alat dahil sa anchovies, which is how a putanesca should be. So, okay okay ito.
Mga Chechebureche:
Gusto namin yung interiors nung lugar. Minimalist yung mga design ng mga
muwebles pero ang ganda ng play ng colors ng paligid: majority red walls
at white tables with hints of yellow, orange, and green. Maganda yung
pauso nilang malaking chalkboard na may scribbles ng mga menu items.
Napaka grungy pero for some reason, bagay siya sa packaging nung place.
May random Italian posters din.
chalkboard |
Conducive tambayan kasi soft tone yung ilaw at Baguio being Baguio,
hindi na kelangan ng aircon para lumamig. And for us, mas masarap yung
"tambay food" nila than their meal items. Kape at pie, for the win!
Patok din sa amin yung mga old music na pinapatugtog nila. Bagay sa
ambiance. Sunday-music ang tawag namin dun. Yung mga tamang "Puff the Magic
Dragon" at "Green Green Grass of Home". Sinasabayan ko pa yung mga
kanta. Kantang chillax at pang-tinatamad.
waiting for the big chow |
Mabilis ang pag-serve ng pagkain. Konti lang ang waiting time.
Pinaka-ayaw namin ay yung dumi ng CR, both sa lalake at babae (daw). Kung anong effort ang nilagay para mapaganda ang dining area nila, ganun namang walang effort para palinisin at pagandahin ang kubeta. Major turn off.

half of the menu |
Simple at straightforward yung menu. Isang laminated paper na back to
back. Typical ang descriptions ng bawat item. Tamang pangkuha ng pansin
ng mga taong gutom na gutom... example: "Succulent strips of juicy
salmon belly, grilled to perfection! A mouth-watering dish rich in Omega
3!" Yung mga tamang pag-nabasa eh, literally kelangan ng tabo pang
sambot ng laway na tutulo sa sarap ng description.
Kaching!:
P130 to 250 ang range ng mga pagkain.
Hindi sulit para sa amin yung mga six-inch pizza. Kung grupo lang din naman, kuhain na lang yung ten-incher. Tingin namin mas nakakamura sa gentong paraan. Mas lalabas siguro yung flavor ng mga pizza sa mas malalaking sizes than being cramped on a six-incher.
Mamili ng mabuti sa mga pasta items. Yung iba talaga kahit mukang mura, hindi sulit sa bayad *ehem* *pesto* *ehem*!!
Hindi sulit para sa amin yung mga six-inch pizza. Kung grupo lang din naman, kuhain na lang yung ten-incher. Tingin namin mas nakakamura sa gentong paraan. Mas lalabas siguro yung flavor ng mga pizza sa mas malalaking sizes than being cramped on a six-incher.
Mamili ng mabuti sa mga pasta items. Yung iba talaga kahit mukang mura, hindi sulit sa bayad *ehem* *pesto* *ehem*!!
Update: Tumaas na ng konti ang price range nila ngayon (2015) at P140 to P270.
happy K |
Ang Hatol:
Place is good but offset by the nasty toilet.
Masarap yung kape at dessert than most of the main course. So para sa amin mas okay na gawin siyang tambayan for a meryenda break than a place you would consider having a meal on.
For a pizzeria, it's a bit ironic na mas nagustuhan namin yung mga non-pizza items. Pero ang malupit lang dito ay madaming pagpipilian na pizza flavor kaya kung variety lang, hindi mauubusan. Even sa mga non-pizza items, jampacked yung menu nila ng pwedeng subukan na pagkain.
Kung babalik-balikan ito, yun ay dahil para masubukan as much from what they offer (which is a lot). At hindi mostly dahil nasarapan ka with something.

pizza volante |
Rating:
4 out of 7
Susunod, ang ikalawang tagpo... Cora's Restaurant !
Back to the Project 12x2-1 Page
0
comments