0
comments

[2011 Throwback] Old Penang

Posted by Obi Macapuno on 2/28/2015
[updated]

The Project 12x2-1 Page


Unang Hirit:
For our second year anniversary, we had dinnner at the Old Penang restaurant in Resorts World.

Hindi ako madalas sa Resorts World kahit literally ilang hakbang lang ito from home. Kaya nung naisip namin na manood ng sine dito, I have no specific place in mind to dine in after the movie. Nakita namin yung Heinanese chicken sa menu ng Old Penang kaya dito na naisip kumain.

from the outside with sponk

Malaysian ang food offering nila at mukang enticing yung presyo. The place is along a chain of restaurants on the 4th floor of Resorts World, where the cinemas are.

Ang Nilantakan:
  • Yangchow Rice
  • Hainanese Chicken
  • Char Kway Teow
  • Sweet and Sour Pork
  • House Tea

yangchow

Nothing special ang yangchow rice. Katulad lang din ng yangchow rice ng most Chinese restos. Trip lang namin na kakaiba ay yung anim na pirasong hipon.

Hainenese chicken

Yung Hainanese chicken ay may kalamigan na nung isinilbi. Turn off kami dito. Humingi pa kami ng sauce na dapat ay mandatory nang binibigay kasama neto. Ang set ng sauce na kasama nung ulam ay binubuo ng isang parang oyster sauce na matamis, ginger sauce, at hot chili.

Hindi din na-serve samin yung sinabi nung waitress na soup na kasama nung Hainanese. Late na lang din namin naalala kaya di na hiningi.

maanghang at manamis-namis

Yung char kway teow ang masarap. With an option to be served as spicy or not, pinili namin yung maanghang syempre. It's not as spicy as we expected pero tama lang yung mix ng tamis at anghang. Nagbi-build up yung anghang niya habang tumatagal.

sa ibabaw ng letsugas

Gusto namin yung presentation ng sweet and sour pork. Nakalagay ito sa plate ng lettuce. Medyo napa-sobra yung tamis and aside from that, there's nothing else that is notable sa lasa.

tsaa

Iba pang Satsat:
Malinis yung lugar at chillax yung interiors, lalo na yung soft tones ng lightings.

black and white portraits

Attentive yung mga nagsisilbi. Pero konti lang naman yung tao so hindi mahirap kuhain ang atensyon nila. Pansin namin na pare-pareho yung height nila. Baka kasama sa requirements.

Helpful yung menu. May mga ritrato at descriptions.

menu

Kaching!:
P240 to P300 yung price range per ulam.

Ang isang ulam serves 2 to 3 so medyo mura na ito. Kaso kung yung lasa ng mga ulam ang pag-babasehan, parang lugi. Kasi walang masyadong dating yung lasa ng mga pagkain. Sa similar na halaga, mas madaming Asian resto ang kayang mag-offer ng mas masasarap na options.

Biro nga namin ni K na para sa isang Asian resto, kulang sila sa pag-gamit ng MSG.

happy second!

Update: Flash back to 2015, konti lang ang itinaas ng rates nila. Most ng ulam ay nasa P280 ang starting price.

Ang Hatol:
Hindi something na babalik-balikan.

Walang dating yung lasa ng mga ulam considering the price. Besides, being located in Resorts World, you'll go out of your way para pumunta dito for something as mediocre.

Baka kelangan pa namin masubukan yung ibang options. Pero dun sa mga sinubukan namin, one of which is supposed to be their specialty (Heinanese Chicken), parang hindi worth it.

aftermath

Rating:
3 out of 7



Back to the Project 12x2-1 Page


0 Comments

Post a Comment

Copyright © 2009 Ang Blog na OK All rights reserved. Theme by Laptop Geek. | Bloggerized by FalconHive.