[2011 Throwback] Ba Noi's
Posted by Obi Macapuno
on
2/15/2015
[updated]
Update: Lumipat na ng lugar ang Ba Noi's. Nasa tabi na sila ng Mom and Tina's, pero Perea pa din yun.
Iba pang na-chicha na namin dati dito:
Piniritong hito na may halaman. So so lang ito para sa amin. Tipikal lang ang lasa. I mean, ano pa bang dapat i-expect na kakaiba sa piniritong isda.
Very accomodating ang mga serbidor at palaging nakangiti. Good vibes.
Isa siya sa mga lugar na nakatago pero dadayuhin para sa masarap na pagkain.
Rating:
5.5 out of 7
Back to the Project 12x2-1 Page
The Project 12x2-1 Page
When helicopters were snatching people from the grounds of the American embassy compound during the panic of the final Vietcong push into Saigon, I was sitting in front of the television set shouting, 'Get the chefs! Get the chefs!'
- Calvin Trillin
Pasakalye:
We've been frequenting Ba Noi's since last year (2010) at hindi kami nag-sasawa sa paulit-ulit naming kinakain dito dahil masarap!
O + K at Ba Noi's |
Last week, dahil may coupon kami na libreng isang dish at malapit na
itong mag expire, sumugod ulit kami sa Ba Noi's for the Nth time. It did
not disappoint as usual. Kelangan namin habulin yung kundisyones nung
libreng ulam na dapat minimum P500 food purchase so madami dami ang
in-order namin this time. Worthy as a filler for our Project 12x2-1!
libreng pritong hito |
Vietnamese food ang handa ng Ba Noi's. Maraming eksperto around the foodie blogs ang nagsasabing authentic Vietnamese ang inihahain ng Ba Noi's so it must be true. In any case, wala kaming pake. Basta masarap ang pagkain nila, solb kami.
They are located in the middle of Perea Street in Makati. Kung nasa Paseo de Roxas/Enterprise heading to Greenbelt, basahin lang yung mga street signs sa kaliwang side makalampas ng Dela Rosa. Isa dun ay Perea. Kung nasa Dela Rosa naman coming from PLDT/Greenbelt 4, basahin muli sa kaliwang side ang mga street signs. Isa dun ay Perea na may Mom and Tina's sa kanto.
They are located in the middle of Perea Street in Makati. Kung nasa Paseo de Roxas/Enterprise heading to Greenbelt, basahin lang yung mga street signs sa kaliwang side makalampas ng Dela Rosa. Isa dun ay Perea. Kung nasa Dela Rosa naman coming from PLDT/Greenbelt 4, basahin muli sa kaliwang side ang mga street signs. Isa dun ay Perea na may Mom and Tina's sa kanto.
flavors of Ho Chi Minh |
Marami na kaming kaibigan na ni-refer kumain dito. So far, lahat ng
nauto namin ay may good feedback about the experience. Ayus!
Ang Nilantakan:
- Shrimp and Pomelo Salad
- Fried Spring Rolls
- Beef Noodle Soup
- Deep Fried Catfish with Salad Greens
- Sauteed Bokchoy
Iba pang na-chicha na namin dati dito:
- Fresh Spring Rolls
- Seafood Noodle Soup
tamang pagkain ng kropek |
Ang shrimp and pomelo salad, bow. Hindi ako mahilig sa prutas pero
pumatok sa akin ito. Isang plato ng ginayat na pomelo na may toppings na
hipon at pork bits ata yun. Sinasabay sa kropek at lettuce at may
sauce on the side. Yung sauce ay kakaiba, parang sukang matamis na may
timplang sili bits. Ayon sa instructions sa lamesa, ang paraan ng
pagkain sa kanya ay ipapatong ang lettuce, hipon, at pomelo sa ibabaw ng
kropek. Tapos tuluan ng konting sauce bago kainin. Gawin ito gamit ang
kamay para mas maganang kumain.
Fried Spring Rolls naman yung piniritong version ng Fresh Spring Rolls.
Pareho lang ang laman nila. Strands ng vermicelli tapos gulay at
hipon. Hindi ko na alam kung may kung anong magik ingredients pang iba.
Manamis-namis na peanut sauce ang sawsawan nito, na patok sa amin ang lasa
kahit merong mani. Pero mas trip pa din namin ni K yung fresh.
beef noodle soup |
Noodle soup or "pho" is one of the signature dishes of the country and a
must try in any Vietnamese resto. Ang hirap magkumpara ng lasa ng soup
ng Ba Noi's with any other local resto of the same genre kung hindi namin
sila kinakain side by side. Pero let me start by saying na naaapakalasa
ng sabaw ng Ba Noi's. May panimpla silang brown na sauce (bean paste)
at chilli sauce. Usually, mga tatlong lagay nung bean paste at isang
lagay ng chilli sauce ang ginagawa ko. Sine-serve ito ng may kasamang
ginayat na sili, mongo sprouts, dahon ng basil, at gayat ng dayap. A piece of
advice: kung hindi naman katakawan kumain, sabihin sa waiter
na "for sharing" yung soup para hatiin nila sa dalawa. Tipid ito at
tiyak na sakto lang.
Piniritong hito na may halaman. So so lang ito para sa amin. Tipikal lang ang lasa. I mean, ano pa bang dapat i-expect na kakaiba sa piniritong isda.
sabaw neto ang malupet |
Yung sauteed bokchoy ay bokchoy (baby ng petchay) na nilunod sa matamis
tamis na timpla ng toyo. Gusto namin yung sabaw! Ansarap ng timpla.
Malutong yung bokchoy. Angkop na partner nung piniritong isda. Panalo
ito sa mga nagkukunwaring nagdidyeta.
Mga kung Ano pang Satsat:
Maganda at
relaks sana yung disenyo ng lugar. Ang kaso mo kapag may mga kustomer na
maingay, tapos ang kapayapaan ng pagkain mo. May parang mali kasi sa
acoustics nung lugar na kapag nagsalita ng medyo mas pabibo ng konti
than the conversational tone, nag re-reverberate na sa paligid yung
tunog. In any case, pag patay na oras naman walang masyadong kumakain
dito so ingay-free. Kapag dinner at lunch (lalo na kung pay-day), wag
nang asahan pang may kapayapaan. Makinig ka na lang ng tsismis sa katabing maingay na lamesa.
noisy! |
Tanga-friendly yung menu dahil madaming ritrato. May instructional din
sa lamesa on how some of the more popular orders should be eaten. Hindi
na kelangan mangopya sa ginagawa ng ibang kustomer sa kabilang lamesa.
Very accomodating ang mga serbidor at palaging nakangiti. Good vibes.
Kaching:
Mahal siya at P270 to P310 price
tag per dish. Pero para sa amin ni K sulit naman ang binayad.
Sharing for two ang nakararami sa mga ulam nila kaya most of the time
may "Miss, pakibalot po" pa kami pauwi.
Ang Hatol:
Enjoy kami ni Misis K
kumain dito. Kaya bumabalik balik kami from time to time pag may perang
pwedeng sunugin. Huwag palampasing hindi mag pho kung andito na lang din
naman. Must try.
parang nasa Vietnam na din |
Isa siya sa mga lugar na nakatago pero dadayuhin para sa masarap na pagkain.
Rating:
5.5 out of 7
Back to the Project 12x2-1 Page
0
comments