0
comments

[2011 Throwback] LZM Restaurant (Tagaytay)

Posted by Obi Macapuno on 2/28/2015
[updated]

The Project 12x2-1 Page


Update: Fast forward to 2015, naka-ilang ulit na kami ng balik ni Kat dito sa Tagaytay branch ng LZM. Isa na ito sa mga go-to resto namin when around the city and meron ding minsan na sinubukan namin ang kanilang Silang branch.

LZM - Tagaytay

Niyaya ko si K mag-Tagaytay pero bukod sa tumambay sa Starbucks, wala kaming planned itinerary. Bumabagyo ng malupit noon kaya na-trippan namin mag-bulalo. Naging olats yung paghahanap namin ng bulalohan (malayo yung bulalohan na tinuturo nung saleslady sa 7-11, Magallanes Building) kaya inisip namin na mag Leslie's na lang. Sakto sa pagtawid namin, nakita ni Misis yung signage ng LZM Restaurant across Leslie's and recalled that it was featured on a TV show before.

bagyo-all-you-can sa labas

So kahit mukang di maganda ang itsura nito sa labas (parang walang tao at maliit yung lugar), pumunta kami dito.

Nasa second floor sila ng Magallanes Building na nasa tapat ng compound kung nasan ang Starbucks na malapit sa Leslie's. Ang first floor nung building ay may 7-11.

madaming tao. must be good.

Anyway, nagulat kami na jampacked sa loob at mukang cozy yung lugar. Naulit ko kay K yung peborit kong restaurant axiom, "Kung maraming kumakain, it must be good."

Ang Chicha:
  • Boneless Bangus
  • Beef Bulalo
  • Iced Tea Up-to-Sawa

malasa at madaming gulay

Auto-pick ang bulalo. Anlaki ng servings, walang biro! Andami ng laman at hindi madamot sa sahog na gulay. Sabaw all-you-can ang dating kaya saktong sakto sa lamig ng panahon. Hindi na kelangan ng patis para lang magkalasa yung sabaw. Anlambot ng baka at may lasa ito (maraming bulalo na matabang ang baka). Hindi ako kumakain ng bone marrow kaya si Misis ang yumari.

Pinilit namin ubusin yung bulalo at talagang gumagapang kami sa kabusugan para magawa ito.

giant bangus with kutsara for size comparison

For the next dish, tinanong namin kung ano ang especialty nila. Bangus yung sinabi ng waiter at nagka-doubt pa ako nung una (kahit sinabing boneless ito) dahil hindi ako fan ng mga pagkaing pahihirapan ka muna bago mo makain (e.g. shrimp, mga matinik na isda, crab).

Pag dating nung piniritong bangus... "WHOAH!". Anlaki! Mga isang ruler mahigit siguro yun tapos sobrang enticing tignan yung pagka-prito niya. Sobrang crispy at nung tinikman namin, ang saraaap! Pramis! Ang lasa lasa. Naalala ni K na ito yung ulam na na-feature sa TV na binabalik-balikan daw sa LZM.

Gusto ko yung iced tea dahil matamis. Si K kelangan pang magdagdag ng tubig para tumabang ng kaunti.

Ibang Chechebureche:
Tago yung lugar at hindi maganda tignan sa labas but like I said earlier, it's cozy inside and well-kept.

Attentive yung mga waiter and readily attended to our inquiries. Sobrang simple nung menu pero willing silang mag-explain about the dishes. Not that it would only take a genius to describe them dahil typical Pinoy dishes naman yung hinahanda nila.

halfway through

Mabilis yung pag-prepare nila ng pagkain. Parang mga 10 minutes lang ata kami nag-intay eh.

Andami ng servings per isang ulam. Isang order could go for 3 to 4 persons na. Yung katabi nga naming pamilya, isang bulalo lang ang order. Samantalang kami, dalawa lang kami sa isang order! Astig.

menu

Nung um-oorder nga kami, dapat kukuha pa ako ng third dish kaso inawat na kami ng waiter. Madami na daw yung order namin para sa dalawa. Nagtataka ako nung una pero nung nilabas nila yung giant bulalo at oversized bangus, naging instant believer ako. Hindi nagbibiro si Kuya.

Special mention na malinis ang kubeta nila at madaming tissue. As in sandamakmak.

Kaching!:
P300 to P500 per dish.

Parang mahal tignan pero as I mentioned earlier, ang isang order ay kaya pakainin ang tatlo hanggang apat na tao. So ang bulalo na P450 ay papatak na nasa P100+ lang sa apat na tao. Sulit ito para sa kasarapan ng pagkain nila.

So siguraduhin na kasama ang buong angkan kung dadayo dito.

tapat ng Starbucks

Ang Hatol:
Something I can recommend for a family or barkada trip to Tagaytay. Swak na swak sa lamig ng lugar yung bulalo at sa regular na araw naman, patok yung mga ulam nila.

Mas madaming kasama, mas mapapamura sa babayaran.

Ratings:
6.5 out of 7




Back to the Project 12x2-1 Page


0 Comments

Post a Comment

Copyright © 2009 Ang Blog na OK All rights reserved. Theme by Laptop Geek. | Bloggerized by FalconHive.