0
comments

[2011 Throwback] Sakae Sushi

Posted by Obi Macapuno on 2/15/2015

[updated]

The Project 12x2-1 Page

 

I want my food dead - not sick, not wounded - dead.
- Woody Allen

O + K

Pasakalye:
Nabighani kami ni K sa conveyor ng Sakae Sushi ilang buwan na ang nakalipas pero never kaming nagka-chance na kumain dito simula nun. Last weekend, hindi na namin pinalampas ang pagkakataon na muli kaming mapadaan. Banzaaaaai!!!

Sa isa sa dinami-daming sulok ng Mall of Asia makikita ang Sakae Sushi. Palatandaan ko yung aisle along Kultura. Palabas yun sa area na bilihan ng mga celphone at computers. Sa labas pa lang ng transparent glass wall nila, makikita na yung sikat na sushi conveyor belt na madaming colorful plates of different sushi variants.

conveyor of raw grub

BLUE plate yung medyo mura.
YELLOW plate yung mahal.
GREEN plate yung mas mahal.
RED plate yung overpriced.

Yan yung color coding ng mga plates ng sushi na nasa conveyor. Kapag nag sushi buffet, pwede kumuha doon ng up-to-sawa or hanggang sa lumalabas na sa ilong mo yung kanin dahil wala nang mapaglagyan sa loob ng tiyan. Pero kung hindi mag-a-avail ng buffet, pwede pa din kumuha ng pagkain sa conveyor. Babayaran nga lang ito depende sa color coding per plate.

kanya lang lahat yan

Ang Chinicha:
  • Gyu Niku Ramen
  • Sushi Buffet
  • Chawanmushi
  • Hot Tea

Yung Gyu Niku Ramen ay isang dambuhalang bowl ng sopas na may lomi noodles at ang sahog ay beef strips. Pinilit ko itong ubusin pero hindi talaga kaya. Kaya pinapak ko na lang yung beef. Gasarap ng sabaw! Apir!


daming ramen

Sushi Buffet. Asa pang kumain ako neto. Si K ang yumari ng mga sushi. Mga naka pitong plato yata siya galing sa parada sa conveyor. Yung "tuna mayo inari" ang pinaka patok sa kanya. Kumain din siya ng iba't ibang uri ng "maki" na hindi ko na tinangkang alalahanin ang mga tawag. Tinikman niya din later on yung mga nasa red plates: deep fried salmon tsaka fish tempura. Ito yung perfect way para mabawi yung presyo ng buffet... target the RED plates!

sushi time

Pumuslit pala ako ng tikim sa tuna mayo inari at deep fried salmon habang walang nakatingin na staff. Na-trippan ko naman pareho. Cooked kasi.

Ang chawanmushi ay steamed egg na may mushroom and shrimp in a small ceramic cup. Sabay pa naming inawit ang salitang CHAWAAAAANMUSHIIIIII nung nakita naming meron nito sa menu. It's one of our favorite orders in Teriyaki Boy and it wasn't surprising that the Sakae Sushi version of this appetizer is waaay more delicioso. Mas mura pa!

let's say it together... 1... 2... 3... CHAWAAAAANMUSHIIIIII!!!

Yung sushi buffet pala may kasamang HOT or COLD bottomless tea and miso soup (na kasing lasa lang ng usual). Yung tea ay lasang punong kahoy (and we find it good, really).

Mga Cchechebureche:
Relax yung ambiance nila. At talagang nakaka-aliw panoorin yung conveyor belt ng makukulay na sushi. Para sa mga hindi mahilig sa hilaw (na katulad ko), looks promising yung menu nila for the more contemporary food. Their choices are quite extensive and the menu has lotsa pictures... tanga-friendly!

Cute yung meal set para sa mga kiddies. May isa na nakalagay sa isang bowl na hugis airlines. Pang engganyo kumain sa mga batang ang kilalang ulam lang ay hotdog at ice cream.

Attentive yung mga waitress. Madaling tawagin.

Kaching:
Mahal sobra. Nasa P270 to P300 yung price range nila sa mga ulam. P400 naman ang sushi buffet na hindi ko alam kung sulit dahil hindi naman ako kumakain ng hilaw.

sushi bar

Ang hatol:
Masarap yung kain ko (dahil hindi ako kumain ng hilaw) at mukang enjoy naman si K sa kanyang sushi massacre. Gumagapang ako sa kabusugan pagkatapos at kelangan pa namin mag pacing sa pagkain kaya kain-kwentuhan-kain kami para lang ubusin lahat. Nakatulong sa pagpapababa ng kinain yung tsaa.

Mahal lang talaga para saken.

Update: Di na namin alam kung magkano na sila ngayon (2015). Hindi na kami ulit nakabalik after this one.

Rating:

4.5 out of 7


yup, i used them after this photo




0 Comments

Post a Comment

Copyright © 2009 Ang Blog na OK All rights reserved. Theme by Laptop Geek. | Bloggerized by FalconHive.