0
comments

[2011 Throwback] Makan Makan Asian Food Village

Posted by Obi Macapuno on 2/15/2015
[updated]

The Project 12x2-1 Page

Just as the street has always dictated fashions on music and other things, it's starting to happen that way in food.
- Jonathan Gold

To continue the Asian run of our Project 12x2-1, K decided we try Makan Makan Asian Food Village at the Manila Ocean Park in Quirino Grandstand. Formerly named Makansutra, nagulat kami kung bakit Makan Makan na ang nasa signboard nila. On their plates though, Makansutra pa din ang nakasulat.

Makan Makan

Pasakalye:
Singaporean street dishes ang theme ng Makan Makan. At dahil sobrang diverse ng Singaporean culture, ganun din ang flavors ng mga ulam nila: may Chinese, Indian, Thai, Pinoy, Malay, at kahit Western fusion. Yung ambiance nila ay kalye-themed (parang kumakain ka sa street-side eateries) but presented in an elegant way para mukang fine dining pa din. Yung kitchen stalls nila ay open for viewing (pwede sila panoorin habang nagluluto). Nagustuhan ko yung comfyness ng couch nila tsaka yung interior design na borderline artsy.

historical photos

Madaling hanapin yung lugar dahil nakabalandra lang sila sa nilalabasan ng mga taong galing sa Ocean Park premises (2nd floor).

Kilala ni K yung chef slash owner nila, napapanood niya sa mga food shows sa TV (see, being a couch potato helps). Kaya sa kanya galing yung suggestion na dito kami kumain for our February month-end grub hunt.

Ang Kinain:

  • Char Kway Teow (Singapore)
  • Tom Yam (Thailand)
  • Sambal Squid (Malaysia)
  • Roti Prata (Indian)

char kway teow

Yung char kway teow ay stir-fried rice noodles sa English at kaning pansit na minadaling prituhin sa Tagalog. Ang itsura niya ay flat noodles (parang miki) na pinirito sa toyo na matamis ang timpla at may sahog na binateng itlog, hipon, chorizo at fish cake. Masarap ito pero nakaka-umay habang tumatagal.

tom yum yum!

Ang tom yam nila ay parang less-maasim na version ng sinigang naten pero napaka-rich ng lasa ng sabaw. Seafoods ang sahog: fish, shrimp, at squid. Meron din etong sari-saring pampalasang halaman at kabute na mukang oyster. Yung tom yam na kinain ko sa Sydney noon ay kulay orange pero basically kapareho rin neto ang lasa, mas toned down lang yung anghang.

this is the bomb

Yung sambal squid ang pinaka-trip namin sa lahat. Ang sambal ay isang sauce na gawa sa pinaghalo-halong chilli, garlic, at iba pang spices. Kulay pula ang sabaw neto at matamis sa unang subo pero biglang sisipa yung anghang habang nginunguya na. Ang sambal squid ng Makan Makan ay sambal sauce na may pusit (doh!) na nakababad sa dahon ng saging at binudburan ng madaming sibuyas. Medyo ma-mantika lang ito pero patok sa amin. Ansarap isabay sa kanin. Hindi namin naubos ito ni K dahil sabi ko magtira para may maiuwi ako.

could have been better served hot

Roti Prata ang aming desert. Ang roti nila ay typical Indian thin pancake na glazed with butter. Sine-serve ito with prata on the side. Ang prata ay curry sauce na hindi gaanong maanghang. May variations ito na sa condensed milk sinasawsaw. Okay sana kung mainit pa ang roti.

Mga Chechebureche: 
Astig yung lugar. Kapag mga around late lunch time, nasa side nila yung init ng araw na palubog sa Manila Bay kaya curtains down. But we recommend going there late in the afternoon before the sun sets. Kasi kapag palubog na yung araw, tinataas na nila ulit yung blinds para makita ng mga customers yung napaka-gandang sunset sa Manila Bay horizon. Ang dami ngang photographers na nag-aabang sa sunset nung kumain kami.

the view outside

Maganda yung theme ng resto, nasa gitna ng classy at ragged. So pwede siyang pang dinner date pero pwede ding pang trip-ko-kumain-ng-madami-tara-dito-pre. Madami kaming kasabay na foreigners na nakatambay lang.

Gusto ko yung pag serbisyo sa amin. Attentive sa mga pangangailangan namin yung mga waiter.

Yung menu nila ay medyo nakakalito kasi walang descriptions. Pero nahalata ko na yung mga masasarap na pagkain ang mga may pictures, so that should make a good guide on what to pick. Okay din na nahahati sa iba't ibang sections yung menu depende sa kung saan galing yung ulam: Singaporean/Malay, Thai, Chinese, Pinoy, at Western. Pinili nga talaga namin ni K na tumikim ng ulam sa iba't ibang influences (except Chinese and Pinoy for obvious reasons).

Singaporean section

Nahahati yung kitchen nila sa iba't ibang stalls depende sa genre nung pagkain. At gaya ng nasabi ko na, pwede panoorin ang mga chef habang nagluluto dahil transparent glass lang ang dibisyon.

watch them cook

Trivia: Ang salitang "makan" ay Indones ng "kumain" habang ang salitang "mangan" ay "kumain" din ang meaning sa Kapampangan. Proof that our language is a descent of the same Bahasa tongue. And that prehistoric land bridges existed! LOL.

Kaching:

The average cost per dish is P200 to P300. 

May kamahalan pero pwede nang dayuhing pang kapag may okasyon lang.

the bar

Ang Hatol:
Masarap ang kain namin ni K at sobrang nabusog kami. It's quite an experience to dine here but that should be expected for the tag price that it comes with.

Update: Hindi na kami ulit nakabalik dito. Medyo mahirap din kasi puntahan dahil kailangan talagang sadyain. Hindi pang casual dining.

Rating:

5 out of 7



Back to the Project 12x2-1 Page


0 Comments

Post a Comment

Copyright © 2009 Ang Blog na OK All rights reserved. Theme by Laptop Geek. | Bloggerized by FalconHive.