[2011 Throwback] Good Taste, 50's Diner, Oh My Gulay!
Posted by Obi Macapuno
on
2/14/2015
[updated]
The Project 12x2-1 Page
Part of the secret of success in life is to eat what you like and let the food fight it out inside.
- Mark Twain
Unang Tagpo: Good Taste Café and Restaurant
Pasakalye:
Una kong nakilala ang tatlong
palapag na kainan na ito sa panulukan ng Magsaysay Avenue (isang tagong
sulok malapit sa palengke) noong kasagsagan ng akyat namin sa Mt. Pulag.
Bale wala ang nalusaw naming taba sa pag-akyat dahil bawing bawi sa
pagkain dito.
Galit sila sa pagkain.
Almost all dishes are for 2-3 generous servings (isa lang siguro for 250
pounders) and at very affordable prices. Kaya sinusugod talaga siya sa
Baguio, mapa-locals or informed turistas! Can’t go wrong. If you see a
grub place that is brim-full of patrons, pihado masarap ang pagkain dun.
Ganyan sa Good Taste, parang hindi nauubusan ng tao kahit gabi na (24
hours sila).
may inggit sa food ko |
Ang Nilantakan:
- White Chicken (parang Hainanese na may garlic + ginger timpla)
- Lechon Kawali (not the dry one that we're used to)
- Ginisang Atay (mapapakain ang mga hindi kumakain ng atay!)
- Pansit Kanton (jumbo serve... pang dalawang contruction worker!)
- Beef with Broccoli (parang chopsuey ang luto, hindi madamot sa broccoli)
- Fried Rice (punong puno ng abubot)
atay-yay-yay! |
- Buttered Chicken (one of my personal favorites)
- Chopsuey (so so ang lasa pero madaming gulay... galit sa gulay!)
- Garlic Chicken (fried chicken na mas sosi ang tawag)
Lahat yan big servings! Hindi pa yata kami kumain dito
nang walang “Miss, paki-balot ng tira.” Kaya mas patok kumain ng maraming
kasama para mas makarami ng masubukang ulam.
Iba pang Chechebureche:
Ang unang di
magugustuhan dito ng mga sosi ay yung lugar. Tingin ko mukang madumi
yung paligid para sa mga pihikan. Madami
ding tao. Part na ng ambiance nila na may limpak limpak na taong kumakain.
from the outside |
Maganda ang serbisyo at nakakagulat ang kanilang bilis rumesponde. At
least mabilis in ratio to the amount of food that they serve and how much
people they feed.
Hindi mahirap intindihin ang menu dahil common Pinoy food naman karamihan e. Kapag may hindi kilala, wag mag atubiling itanong sa mga waitresses.
Kaching:
Ang MURA sobra.
P80 to P120 average presyo per ulam at uulitin ko... galit sila sa ulam.
So kahit mag-isang ulam lang, gumagapang pa din sa kabusogan paglabas.
Update: Fast forward to 2015, P115 to P135 na ang average price ng ulam.
chicken with native onion |
Ang Hatol:
Kung may appetite na parang sa construction worker, patok ito.
Kung gusto ng bang-for-the-bucks na resto, patok ito.
Kung mahilig sa masarap na pagkain, patok ito.
Kung gusto ng adventure sa Baguio, hanapin ito ng hindi magtatanong kahit kanino o ng hindi titingin sa Google Maps!
Kung nadudumihan kumain sa karinderya, sa McDo na lang mag tiyaga kumain.
Update: Eventually, I introduced K on this restaurant and since then, hindi pwedeng hindi kami kumain dito kada punta namin ng Baguio. May bago na din silang branch sa Otek Street at dito kami huling nakabisita.
Rating:
7 out of 7
* * * * *
Ikalawang Tagpo: 50’s Diner
Pasakalye:
What’s nostalgic for our lolo is
spunky for us. This American diner in General Luna Street packs the
features a typical Baguio grub place has to offer: homey, mura ang
pagkain, at syempre malamig kahit walang aircon! Ang espesyal dito ay
patok ang ambiance. It's really representative of its namesake. May jukebox, neon
lights, black and white posters ng mga matagal nang yumaong artista, may lumang
convertible sa garahe, waitresses na part-time
sailor, at parang hindi pa nagaganap ang World War 2 kapag nasa loob kami!
50's Diner interiors |
Ang Nilamon:
- She (mixes ng kung ano-ano na supposedly pambabae pero panlalake sa dami)
- 50’s Club Sandwich (sa sobrang laki neto, ang tawag na namin sa kanya ay "cake")
- 50’s Burger (galaking burger na may giant fries)
- Grandma’s Fried Chicken (higanteng manok)
- Shakes
giant burger with giant fries |
Yung “She” ay sampler platter composed of a hotdog, slab of beef,
porkchop, fries, fish fillet, at steamed gulay. Yung 50’s Club ay
three-decker na clubhouse. Sobrang kapal na loafbread ang gamit sa
tinapay, para nang cake. Yung 50’s Burger ay malaking burger. Nothing
particularly different sa lasa. Just your typical burger, only BIG.
Yung fried chicken ay tipikal na fried chicken.
There’s nothing really signature sa lasa ng mga pagkain. Masarap pero tipikal. Hindi namin natikman yung mga rice meals eh so I
can’t be general about it. Yung shrimp rice nga nila mukang masarap.
galaki ng Tasty |
Iba pang Chechebureche:
Sakto lang yung
pag-serbisyo nila. Sabi ni Peter (na taga Baguio) dati daw naka roller
skates yung mga waitress. Buti hindi na namin inabot. Ayoko maligo sa
honeymustard sauce kung may maaksidenteng madulas. Have to specially
mention their tartar sauce, though. Masarap.
makalumang menu |
Kaching:
Para itong murang version ng Friday’s.
For a similarly-looking menu, 50’s Diner only averages at P100 to P130.
Sobrang mura na neto para sa relax at astig na ambiance nila. Parang
next time gusto ko magtagal at tumambay dito at sumubok ng iba pang
chicha.
Update: Fast forward to 2015, P130 to P180 na ang average dining price dito per tao.
libre boso! |
Ang Hatol:
Unti-unti na itong nagiging
tourist spot more than just a bistro. Kaya dapat isa ito sa mga
mandatory puntahan sa Baguio ng mga kapwa naming lakwatsero.
Babala: Magpa-gutom ng matindi bago bumisita.
Update: By this time (2015), me and K were able to chow on both of their branches in Baguio na. Nasa Military Cut Off yung isang mas hindi madalas puntahan.
Rating:
6 out of 7
* * * * *
Ikatlong Tagpo: Oh My Gulay! / Victor Oteyza Community Art Space (VOCAS)
OMG! |
Pasakalye:
Chill na tambayan.
Masarap na kainan. Sandamakmak na obra ng sining. Nakita namin ang
paraisong ito sa isang tagong lugar sa Session Road.
As a starter, Oh My Gulay! is a vegetarian resto at the penthouse of La
Azotea Building. Limang floors (at walang elevator) ang lalakarin bago
makarating dito. The place is a huge art gallery slash theme park slash
eatery slash cafe... with different paintings, sculpts, and other
visually artistic thingamajigs splashed all around (I read somewhere
they even held mini concerts and theater prods here).
hiningal ako sa pag-akyat |
VOCAS co-exists with OMG! (ran by the same guy) as a place for local
artists to exhibit their works so the entire place is a surreal
Wonderland experience (in a not-so-doobie way). Reminds me of the UP-Fine
Arts compound na may piyesa ng sining kung san san.
Food. Art. Chill. Whatta combo!
Ang Nilantakan:
- Dayap Iced Tea (tsaa na may kalamansi), P60
- Kape (brewed coffee... mountain beans), P50
- Super Sosy (crepe na sosi), P70
sosi crepe |
Sayang at hindi ako masyadong nakapag explore ng chicha nila. Mag
tatanghalian na kasi nung nakita namin ito (at 50’s Diner kami
manananghalian). Walang espesyal sa kape. Gusto ko lang yung itsura nung
lalagyan ng pulang asukal. Napaka ethnic. Yung “Dayap Tea” mukang
kalamansi juice na may tsaa.
Yung “Super Sosy” ay peach crepe. Masarap naman, pero baka
dahil may bias ako sa mga crepes. Patok yung peach para saken (hindi ako
kumakain ng peach pero nasarapan ako) kaso makapal yung breading.
Sigurado babalikan ko ito para maka-lantak pa ng mas madaming pagkain.
Iba pang Chechebureche:
Medyo mahirap
hanapin yung lugar lalo na kung mahiyain ka mag tanong sa ibang tao. Ang
ginawa kong palatandaan ay sa sahig ng katapat na pedestrian walk
(Session Road) ay may bilog na mosaic ng makikintab na bato. Tumayo ka
sa gitna nung bilog tapos kapag humarap ka sa kanan (pag galing ng
Burnham) or humarap ka sa kaliwa (pag galing ng SM), tutuklawin ka na ng
pintong papasok nung building.
may vegetarian seminar |
Marapat na libutin ng maige yung palapag para ma-appreciate yung
artistry ng lugar. Madami kasing pasikot sikot at kada sulok na mapuntahan shows a whole new perspective of the place. Sobrang random
ng mga designs at puno ng visual treat! Ang theme ng interior design ay
mostly ethnic.
Sa balkonahe nila may bird’s-eye-view ng isang section ng city (not
really an enticing sight pero mamwede mwede na... tingin ko mas maganda
ito makita kapag gabi). May entablado sila na nung pumunta kami ay may
gumagamit na banyagang nagse-seminar about going vegetarian (siyempre
hindi kami nakinig... ang tunay na lalake, ang kinakain ay laman!).
SM |
Kaching:
Medyo above average ang presyo ng
pagkain. Pero
kung iisipin na ang binabayaran ay yung pagkain AT yung pag-enjoy sa
ganda ng paligid, sobrang sulit na. Eto yung tinatawag kong “Free
Coffee” principle wherein kung gusto ko ng lugar na matatambayan, magbabayad ako ng entrance na P180 sa Starbucks...
may libre pang kape!
Price range is at P70 to P110. Mura yung mga gulay dishes kumpara sa
mga salad dito sa Manila. Pero kung iisipin kung gaano kamura ang gulay sa
Baguio, medyo mahal na ang benta ng gulay dishes nila. Kaso gaya ng
sinabi ko, yung ka-astigan ng lugar ang hindi natatawaran ng kabayaran.
Update: Currently (2015), P140 on average na ang mga orders dito.
Ang Hatol:
Ultimate tambayan-material.
Sobrang relaks at nakaka-aliw. Bonus na lang na may masustansyang
pagkaing nakahain. Kelangan ko bumalik dito para subukan ang iba pa
nilang handa.
menu |
Magdala ng camera para sa Instagram moments. Nakakapagod akyatin (sa mga overweight) at nakakalito hanapin.
Update: Fast forward to 2015, palagi naming pang impress ni K ito sa mga kaibigan namin kada pumupunta kami ng Baguio. Eto yung mga konting hidden gems ng Baguio na wala pang masyadong tao ang nakaka-alam kaya hindi pa congested masyado at masarap pang tambayan. Habang tumatagal nagiging hindi. Umiingay na din, parang Starbucks.
Rating:
6 out of 7
Back to the Project 12x2-1 Page
0
comments