0
comments

[2011 Throwback] Yakimix

Posted by Obi Macapuno on 2/18/2015
[updated]

The Project 12x2-1 Page


Etong sunod na pinuntahan namin ang pinaka-impromptu pick so far sa aming mga food hunting. May naka set na kaming bisitahin na ibang resto days before our date pero last minute (as in the day itself) naging... voila... Yakimix na lang!

Ang Paunang Hirit:

We knew we were going to try Yakimix for our Project 12x2-1 but we never thought it was going to be this soon.

O + K in Yakimix GB3

Malapit lang yung office sa Greenbelt 3 branch nila kaya very accessible. Nasa third level ito, kahilera ng Queen of Bollywood. Kung galing naman sa side ng Greenbelt 5 walkway, it's about 4 establishments past the cinemas.

no left over, no take out

Eat-all-you-can ang Yakimix. Sabi sa placemat nilang papel, they serve Korean, Chinese, at Japanese food.

Ang Chicha:

  • Sandamakmak na lutong pagkain
  • Sandamakmak na on-the-spot grilled chicha
  • Konting hilaw na pagkain
  • Konting appetizer
  • Sandamakmak na panghimagas

Nahahati sa limang sections yung mga selections ng pagkain nila:

(Babala: Ang mga pangalan ng bawat sections ay kathang-isip ko lamang. Hindi eto ang eksaktong tawag ng Yakimix dito... unless napalakas ang tyamba ko.)

1. Cooked Food Section

lots!

Andito makukuha yung mga lutong pagkain nila (doh!). The night na pumunta kami, I remember seeing at least around 14 to 16 dishes. Madami ito para sa isang buffet resto. Kaso para sa amin parang pare-pareho yung klase ng luto.

Ang mga tinikman namin ay:

(Babala: Ang mga pangalan ng bawat ulam ay kathang-isip ko lamang. Hindi eto ang eksaktong tawag ng Yakimix dito... unless kagila-gilalas ang tyamba ko.)

  • Minatamis na Pork (Baboy na ang sauce ay parang matamis na sauce.)
  • Yangchow Fried Rice (Kanin na madaming abubot.)
  • White Chicken (Pinakuluang manok.)
  • Lechon Macau (Lechong baboy.)
  • Pancit Sotanghon (Sotanghon na may fish fillet.)
  • Steamed Weird Gulay (Mukang talbos ng munggo yung gulay.)
  • Meat or Potato Balls (Parang meatballs na parang potato balls na nilagyan ng breading at pinirito.)
  • Minatamis na Chorizo (Chorizo na parang binabad sa caramelized breading.)
  • Beef with Brocolli (Parang sa North Park. Pero mas masarap yung sa North Park.)

We tried not to eat dishes that we usually see or eat on other oriental restos. Kaso, gaya ng sinabi ko kanina, halos iisa yung tipo ng luto ng mga ulam nila kaya napakain na din kami ng mga tipikal na putahe. Hindi na lang kami kumuha ng pagkain na tingin namin halos redundant ang lasa sa ibang nakahanda dun. Para hindi mabusog agad.

Walang espesyal sa mga kinain namin sa section na ito. Sobrang tipikal. Walang kagila-gilalas ang sarap pero wala rin namang panget ang lasa. Mediocre lang talaga.

2. Sushi Counter

si K lang ang nag-enjoy dito

Andito yung mga pagkaing kinakain ng hilaw. Eto yung pinangingilagan kong parte.

Time to shine dito si Misis. Siya lang ang tumira ng lahat ng mga kinain namin dito. Yumari lang ako ng kapirasong crab stick, isang kagat ng salmon sashimi, at isang strip ng tamago (egg) maki.

The rest ng maki at kung ano ano pang sushi ay si K na ang sumampol. Masarap naman daw (as in) at piyesta sa dami ng mapagpipilian. I wouldn't know.

3. "For Grilling" Section

wag kainin ng hilaw

Andito yung mga hilaw na pagkain na iihawin pa sa lamesa ng mga kustomer.

May smokeless grill sa bawat lamesa na pwedeng gamiting pang-ihaw sa mga pagkaing manggagaling sa section na ito. Para sa amin, ito yung best feature ng Yakimix na babalik-balikan. Instant ihaw-ihaw in your face. Parang shabu-shabu. Take note, kustomers mismo ang mag-iihaw so kanya kanyang diskarte eto.

Ang mga sinubukan namin:

(Babala: Ang mga pangalan ng bawat ulam ay kathang-isip ko lamang. Hindi eto ang eksaktong tawag ng Yakimix dito... unless ako na ang papalit kay Madam Auring.)

  • Hipon (Andami naming nakain neto. Dito namin nabawi yung binayad.)
  • Beef in Red Wine (Karne ng baka na marinated sa red wine. Sosi! Nakarami din kami neto.)
  • Bacon-Wrapped Asparagus (Bacon na nakabalot sa asparagus... doh!)
  • Pork-wrapped Mushroom (Mushroom stalks na nakabalot sa karne ng baboy.)
  • Hotdog (Bumalik sa pagka-bata.)
  • Filleted Fish (Hindi ko alam kung anong isda ang ginamit dito. Parang salmon.)
  • Pork Kebab (Pork served kebab-style.)
  • Pork with Spices (Karne ng baboy na marinated sa iba't ibang spices na maanghang at sesame seeds.)

Marami pang iba't ibang pork, chicken, shrimp, squid, at beef na marinated in oh so many different ways. Around 12 to 13 yung mga nakita ko at may mga cold cuts pa. May primed American beef na hindi na namin nasubukan dahil sobrang bilis mawala. Pagka-lapag pa lang ng refill, nawawala na kaagad parang bula sa dami ng kumukuha.

first batch

Ang pinaka patok sa amin ay yung Beef in Red Wine. Sa lahat ng kinuha namin, eto lang yung sure kami na yan talaga ang tawag sa kanya. Naaaapaka sarap ng marinade. Mas okay ito kung medium-well ang pag grill para mas malasa ang katas ng red wine.

Marami pa kaming hindi nasubukan sa section na ito na dapat balikan. Para sa akin, mas magandang dito magbabad at wag nang pag-aksayahan ng panahon ang Cooked Food Section. Makulit yung experience, grilling your own food right in front of you in a resto. Eto yung masaya balikan dito.

Kung medyo may alam sa kusina, pwede pa mag experiment ng mga combinations para magpasikat sa ka-date or plainly just to feel like a mad chef. Basta ba kakainin niyo kung anong mad concoction ang magawa nyo after eh.

4. Salad Bar

halamanan

Nandito yung gawaan ng salad. Hindi na din kami masyadong nag-babad dito dahil tipikal naman ang makakain sa gento.

Sumubok lang kami ng konting salad sa Caesar at honey mustard, para lang masabi na "at least, I tried". As expected, nothing spectacular. Tipikal na Caesar at honey mustard dressings.

5. Dessert Section

akala ko matamis

Ang minatamis. Bow.

Madaming minatamis. Pero hindi na din namin sinubukan sampolan yung ibang mga tipikal na dessert tulad ng ice cream at fruit salad.

Eto na lang:

  • Tiramisu (Masarap daw sabi ni K.)
  • Coffee Jelly (Mapakla. Pero ganun talaga dapat eh.)
  • Mango Gulaman (Manggang giniling na pino at nilagay sa kulay violet na sabaw na lasang ginataan na binudbudan ng madaming sago.)
  • Leche Flan
  • Brownies
  • Caramel Bar (Parang sa Max's pero hindi kasing tamis at pinipig ang nasa taas.)

Yung Mango Gulaman ang pumatok kay K ng sobra pero sa akin hindi naman. Wala akong nagustuhan sa dessert. Kahit yung Leche Flan nakukulangan ako sa tamis. Siguro kung tinikman ko yung fruit salad mati-trippan ko but at that point of our dinner, I have too much inside my poor belly. Hanggang leeg na yung pagkain.

Kumo-comment Pa:
First class yung ambiance. Maganda ang interiors at pang-hotel ang mga muwebles. Malawak ang lugar at hindi mukang pinagsiksikan yung bawat lamesa. May harang na mataas na wooden dividers ang bawat tables so okay sa privacy.

privacy

Maingay yung lugar (mostly attributed sa dami ng kumakain) at kada pasok ng kustomer, sigaw ng sigaw lahat ng staff ng "MEH HUSSAH MAZEEEH!!!" na mas tunog Jewish Freedom Fighter battlecry kesa Japanese greetings. Ang siste, sa dami ng kumakain, ganun din sila kadami sumigaw. Siguro mga once every 3 minutes. Siguro salabat ang opisyal na inumin ng mga staff and crew dahil walang napapaos sa kanila.

Moving on, sobrang dami talaga ng kustomers nila lalo na kung meal time. Naka-tyamba lang kami na pag-dating namin, pang-walo lang kami sa listahan. After siguro mga 10 minutes lang, binisita ni K yung listahan ng reservation at nasa 15 groups na agad yung naka-waiting list. Astig. Kaya mas mainam na tumawag agad ahead of time for reservations. May tropa ako na naghintay na ng two hours bago nakakain. Hindi imposible ito sa kasikatan ng Yakimix.

I have to mention as well that they have a comfortable waiting lounge. May libre pang complimentary drinks. Kaso madali din itong mapuno so pag ganun, sorry na lang... sa labas ka mag-iintay.

Wala akong problema sa staff. Umaapaw sila sa dami ng waiters kaya hindi mahirap humagilap ng mapag-uutusan ng pangangailangan. Napaka-pleasant din nila at hindi nakakalimot ng iniutos. Sila ang usual na nagbubukas ng smokeless grill sa bawat lamesa, pero pwede kang magpaturo kung paano i-operate ito para pwede mong buksan at patayin kung hindi kailangan.

smokeless grill

Tongs ang gamit na pang luto sa smokeless grill. Medyo may kabigatan at stubborn yung ito dahil mahirap sipitin yung pagkain. Kami, yung kubyertos na lang namin ang ginamit namin na pang-ihaw.

Medyo matagal mag-refill nung mga in-demand na pagkain. Matagal kami nag hintay sa US prime beef at tempura in vain. Medyo mahirap din basahin yung captions ng bawat food kasi nag-tatago sa ilalim ng ledges kaya madilim at kailangan pang yumuko ng bahagya para mabasa. Pano na yung mas malalabo pa ang mata.

masaya kahit walang tempura

Andun si Heart Evangelista at yung BF niyang Hapon ang pelyedo nung araw na pumunta kami doon. Sobrang payat niya kaya hindi ko na siya kras.

Kaching!:
P580 per ulo kapag hapunan at P480 naman kung tanghalian.

Mura ito para sa isang buffet na katulad ng quality nila ang pagkain at pati sa ambiance. Parang pang hotel na.

Ang alam ko mas mahal or kasing presyo ito ng sa Dad's/Kamayan na mas inferior ang ambiance at pagkain (mas madami lang ang putahe). Haven't been there for quite some time. But from what I remember, I'd pick Yakimix over it anytime of the day.

Update: 2015 price is now P700 for weekends and P660 for weekdays. Very competitive pa din ang presyo na ito compared to the buffet restos that sprouted like mushrooms around the metro.

happy diner

Ang Hatol:
Mura dito for what it offers pero I have to admit na masakit pa din ito sa bulsa. So pumunta lang dito kung may masusunog na pera at kung seryoso sa ka-date.

Kung walang ipon at katawan lang ang habol sa ka-date, mag Jollibee na lang.

Update: Fast forward to 2015, naka-ilang balik na kami dito ni Misis at isa pa din sila sa mga preferred buffet restaurants namin, if just for the grill experience. Eto na din ang nag set apart sa kanila from the other famous buffet places.

Rating:
5.5 out of 7



Back to the Project 12x2-1 Page


0 Comments

Post a Comment

Copyright © 2009 Ang Blog na OK All rights reserved. Theme by Laptop Geek. | Bloggerized by FalconHive.