0
comments

[OK na Food Trip] Tokyo Tonteki Philippines

Posted by Obi Macapuno on 2/05/2015
Pasakalye:
Araw araw naming nadadaanan ito ni K sa Greenbelt pauwi. Minsan nakaluwag-luwag, kakain sana kami sa katabing John and Yoko pero since nakakain na kami dun, we decided to try out this new food place. Besides, tempting yung kanilang P499 set meal for two.

promo meal

Chow Time:
  • Large Tonteki Set (with unli-rice, unli-cabbage, iced tea and miso soup)
  • Stir-fried Bean Sprouts
  • Creme Brulee

meat of the story

Yung mga etcetera muna. Unli-rice and unli-cabbage is very similar with the usual set deals on famous katsu places locally. Kahit sa condiments halos pareho din. Dun kami sa sesame dressing. Yung miso soup ang masarap. Hindi ako mahilig sa miso soup dahil usually sa iba lasang "dagat", pero nagustuhan ko yung miso nila since it's not that saline. Meron pang pork bits! Naka take-two kami neto.

pork loin steak

Side dish yung stir-fried bean sprouts. Sobrang dami ng servings! Hindi siya binastang stir-fry lang. Parang ginulay at sinabawan na ulam ito na kung may sahog na karne lang, it can stand by itself as a main entree. 

bean sprouts

Now their tonteki or simply pork loin steak is a huge slab of meat slowly-cooked in low temperature para makuha daw niya yung flavor ng special soy sauce, garlic bits, at ginger. For a meat cut to about an inch thick, their premium grade pork is really tender at sobrang daling hiwain. Maliit lang din yung piyesa ng taba kaya sulit kami sa laman. Now turn-off yung lasa ng karne dahil matabang. Kaya ang ginawa namin ay pinapaliguan ng sabaw, which is really flavorful with its sweet-salty taste, bago kainin.

I should have gone with their tonburg steak (ground pork steak na parang burger patty) but it can wait for next time (kung meron pa). By the way, yung tonteki ang specialty nila kaya yun ang pinili naming kainin.

tonburg steak

We love the creme brulee! Sobrang sarap pangontra sa alat ng tonteki sauce. Ang tamis at ang lambot ng loob. Natutunaw sa bibig. Dinamihan ko ng kain neto habang medyo bawal pa kay Misis dahil buntis. LOL.

yub yub!

Damage:
Regular sets (e.g. tonteki, tonburg) go for about P380. 

Halos kapresyo na ito ng mga main offerings sa mga nagsulputang katsu places and for now, we'll stick with the katsu places kung sulit sa binayad ang pag-uusapan. That's mainly because meron pang room for improvement yung lasa ng tonteki.

Siguro yung tonburg naman not as bad but we are yet to know. Still, mura yung P499 set gimik nila for two persons. Nabusog na kami.

ngiting busog

Etcetera:
The place is strategically located along a row of restaurants at the end of Greenbelt 5 and compared to the others, isa na sila sa kakaunting bilang ng restaurants doon na reasonable ang presyo ng pagkain. The rest are overpriced but understandably so (we can only imagine how much Greenbelt 5 rent costs).

Service is really good. The place is well kept and the interior design has this interesting lot of geometric shapes. Gusto namin yung dim yellow lights.

the dining area

Simple lang ang menu. Kaunti pa lang ang food offerings nila. Based sa isa sa mga questions sa feedback form nila, they might still be looking for other dishes to add to their choices.

Meron din sila nung usual Japanese resto spiel na sumisigaw lahat ng staff kapag lumalabas at umaalis ang mga customers. It's a traditional Japanese thing.

Yung mga branches dito sa Pilipinas ang first nila outside Japan.

comments are welcome


Rating:
4 out of 7




[obi.Jan]



0 Comments

Post a Comment

Copyright © 2009 Ang Blog na OK All rights reserved. Theme by Laptop Geek. | Bloggerized by FalconHive.