0
comments

[2011 Throwback] Cafe Mediterranean

Posted by Obi Macapuno on 2/17/2015
[updated]

The Project 12x2-1 Page

I didn't fight my way to the top of the food chain to be a vegetarian.  
- Anonymous

For the lack of a winding intro, I present...

The Cafe Mediterranean!

ihanda ang lamesa

Ang Panimula:
Hindi kami fan netong resto na ito but the rare chances that we've visited it, it's on their Greenbelt branch.

Sadly, it's this same branch that I find I can't justify taking a chow on. Lugi sa lugar. In any point within the area, pakinig yung yabangan sa kabilang lamesa AT yung ingay ng mga taong dumadaan (the place is located on a major pathway of the mall). Lalo na kung lunch time... sooobrang ingay (katabi din siya ng isang mas "masa" na resto na mas napupuno ng tao kapag tanghali). Kung namalasan pa na wala nang upuan kundi sa labas, parang aquarium ang dining experience... lahat ng taong dumadaan papanoorin kang kumain! LOL!

we watch you eat

Don't get us wrong. WALA kaming pakelam kung may mga strangers na pasulyap-sulyap sa pagkain namin. Pero sa gastos na inaabot namin sa resto na ito, hindi makatarungan na i-disregard ang aming privacy. Ang dating ay parang hindi pa pala kasama sa binabayad namin ang matinong ambiance. Buti sana kung nasa Jollijeep or nasa Karinderya, carry lang kahit amoy putok pa ang katabi kasi sa mura ng ibabayad, walang karapatan mag-reklamo.

The Mediterranean-inspired interiors is not that shabby, mind you. The mostly wooden designs should have been pefect for a high-priced restaurant but the branch's floor area limited it to look like a casual hole-in-the-wall bistro. If we'll just pay for an expensive resto, we'd rather be "IN" an expensive resto. Gets?

colored bote, stylized plates, wooden partitions

It's not hard to find if you know Greenbelt 1. From the main entrance, follow the trail to Greenbelt 5 but take a left pag lagpas ng Jollibee. Sunod sunod nang kainan yan after the turn, and Cafe Med is right in front of Sarabia Optical.

Ang Nilantakan:

  • Grilled Beef Gyro
  • Harissa Pork Tenderloin
  • Grilled Beef Kebab
  • Basmati Rice

jee-ro o gay-ro??

Beef gyro yung kilala nateng shawarma, although mas less massacre yung hiwa since they slice it in bigger pieces. Pero yung way kung pano siya lutuin (yung may malaking slab ng karne na umiikot na parang trumpo sa mainit na higanteng bakal na katol) ay pareho. They serve it with baba ghanoush (boiled eggplant pulp), tzatziki (Greek sawsawan na yari sa yogurt), tabbouleh (salad na mainly yari sa parsley at kamatis), and chillies (sili... doh!).

Masarap etong beef gyro. Naihaw ng tama yung beef at yung lasa ay sakto lang ang pagka smokey at mamula-mula pa yung loob. Mas masarap siya nung pinaliguan ko ng garlic sauce. Kudos din to the garlic sauce. Masarap. Pati yung mga dips na na-mention ko, maganda ang complement sa grilled beef.

grilled pork + jargon = kaching!

Yung harissa pork tenderloin ay pina-sosi at pina-Armenian na tawag sa maanghang na inihaw na pork tenderloin. Nothing special really, except that it looked like it was splashed with green and red pepper post-grilling. Tapos yun na yun.

grilled food comes with pita or rice

Ang beef kebab nila ay parang yung beef gyro lang din. Iniba lang yung spelling. Pero pareho ang lasa at parehong mahal.

Yung basmati rice ay long grain rice na tipikal sa India. Kung bakit may Indian chicha sa isang Mediterranean resto ay hindi ko alam.

they got balls

Nakita din namin yung servings nila ng kofta (meatballs) at Mediterranean-style Grilled Chicken. Interesting yung marinade ng chicken pero yung kofta ay sobrang tipikal na inihaw na meatballs.

Iba pang Anik-anik:
Limited yung ritrato nung menu nila. Hindi pang baguhang katulad namin. Tingin ko hindi maiintindihan ng masang Pilipino ang mga nakasulat na pagkain at equally translingual descriptions maliban siguro sa "kebab". In any case, we don't think yung masang Pinoy naman ang target market so wala lang. Moving on.

menu

Mahirap mag-tawag ng atensyon ng waiter kung madaming kumakain. At doble ng tagal nito yung pag hintay sa pagkain. Halos mahigit 35 minutes kaming nag-iintay sa order namin and late na kami nakabalik sa opisina dahil dito.

Ongapala, willing naman i-describe nung mga waiter yung mga pagkain sa menu so huwag mahiyang mag-tanong. Hindi ito kawalan ng dangal at pagka-tao.

Ka-ching!!
Price range is P250 - P300.

May malikot na idea sa isip ko na nag-sasabing pwede na yung presyo sa quality ng food. But it's just a minute thought that is easily overshadowed by the fact na kapag tinignan yung dining experience as a whole, talo talaga sa mahal.

totoong maanghang

And it doesn't help na madami nang Mediterranean offerings around the Metro na equally masarap (kung hindi man MAS masarap) BUT di hamak na mas mura.

Ang Hatol:
Hindi na ko kakain dito KUNG hindi ako ililibre.

Rating:
3 out of 7

tissue mosaic



Back to the Project 12x2-1 Page


0 Comments

Post a Comment

Copyright © 2009 Ang Blog na OK All rights reserved. Theme by Laptop Geek. | Bloggerized by FalconHive.