0
comments

[2011 Throwback] Dong Bei Dumpling, Wai Ying Fastfood

Posted by Obi Macapuno on 2/17/2015
[updated]

The Project 12x2-1 Page
 

Ang destinasyon... Binondo!


china town

Can't go wrong kapag sinabing Binondo. Naglipana ang kainan dito na siguradong patok. It's just a matter of finding where and knowing what to eat. At sa sobrang daming pwedeng kainan, kulang ang isang round ng bisita. Sigurado ako magkakaron kami ng Round 2 waiting to happen this year.

For now, tara... Round 1!!!

First Stop: Dong Bei Dumpling

Ang Pasakalye:
Natutuwa kami ni K kapag nakaka-diskubre kami ng mga ganitong masasarap na hole-in-the-wall. It's a breather from the typical commercialized eateries.

nandyan ang Dong Bei somewhere

Research ni K etong Dong Bei. Hindi ito mahirap hanapin kung pamilyar sa Binondo Church. Kung nakaharap sa simbahan, sundan lang yung kalsada sa kanang side. Yun ay Ongpin. First kanto na makikita, turn left. Yun ay Yuchengco. Across nung unang kanto na makikita (Oriente ang bagong pangalan nung street... nakalimutan ko kung ano yung old name nito pero pointless tandaan dahil...), Dong Bei na! So basically, it's right across the butt of the San Lorenzo Ruiz school which is just behind Binondo Church. Gets? Kung hindi, mag Hen Lin na lang sa Glorietta. Mas madali.

Ang Nilantakan:
  • Mixed Dumplings (Pork Dumplings + Kuchay Dumplings)
  • Xiao Long Pao
  • House Tea

Nakaka-asar na kelangan namin mag-control ng kakainin dahil may pupuntahan pa kaming susunod na resto. Kaya best seller nila agad yung inupakan namin.

ang dinayo

Ang nagustuhan namin sa dumplings nila ay manipis yung pabalat. So hindi sa pabalat mabubusog yung kakain dito kundi sa laman nung dumplings mismo. Kumbaga, more "food" than extenders. Makes good sense to me. Malasa yung pork at kuchay (chives) nila. Nasa dighay namin yung lasa nito until the rest of the afternoon.

Mas gusto ko personally yung pork dumplings. Si Misis naman mas trip yung kuchay dumplings. Ang sawsawan nga pala nila para dito ay home brewed na suka concoction. Bawat lamesa ay may chili oil din na available.

Next dish, xiao long pao. Kailangan ko ng tulong ni Wikipedia para i-explain kung ano ito. Basa!

http://en.wikipedia.org/wiki/Xiaolongbao

soup dumplings

Originally xiao long bao, tinatawag din itong soup dumpling dahil literally may soup ito sa loob. Maluwa-luwa ko pa sana ito sa init dahil paglapag pa lang, inupakan ko na agad. Mainit pala yung sabaw sa loob! Kaya pala yung pagkakagawa ng wrappings niya ay may mga creases sa gilid, it acts like a sac to hold the "soup" inside the dumpling! Angas.

Gusto namin yung house tea nila. Parang sa North Park at Leching Too lang din.

Andami pang interesting kainin dito, lalo na sa mga rice meals. Kaya I'm sure hihirit kami ng "I shall return" para bumalik dito in the future at matikman yung iba pang putahe.

Ibang Chechebureche:
Walang litrato sa menu at wala ding descriptions ng mga pagkain kaya medyo use-your-braincells sa pag figure-out ng order. Hindi rin naman ganun ka-impressive yung menu nila in the first place. Nakakalito lang dahil bukod sa naka-laminate na menu, may menu din sa dingding na nakasulat sa kartolinang blue.

retro

Ang makulit, hindi consistent yung nakalistang putahe sa dalawang menu. Parang mas madaming naka-sulat dun sa may kartolina sa dingding. Sa may kabilang side naman nung dingding, may mga ritrato ng mga pagkain na walang nakalagay na mga pangalan. So mag matching game na lang.

Mabait at willing naman mag-describe yung mga waiters nila. Parati pa naka-ngiti at alisto. Swerte sa negosyo... good vibes!

basa muna

May maikling write-up sa likod ng menu na naka-laminate. Review ito ng isang laos na society magazine para sa Dong Bei.

Mabilis lang ang preparation nung pagkain namin. Sabagay steamed lang naman lahat.

Sila mismo ang gumagawa ng mga dumpling wrappers nila at tingin ko pati yung noodles. Pag-pasok pa lang sa lugar, makikita na sa isang sulok yung pinag-gagawaan nila ng mga ito. Madalas, actual na merong gumagawa kaya pwede pang mapanood.

dimsum-wrapping corner

Napaka-simple nung lugar. Sobrang wala silang pakelam sa ambiance. We can go as far as say na madumi yung lugar nila. Pero sa totoo lang wala akong pakelam. Kasi ansarap naman ng pagkain at mura pa.

Kaching!
Price range is from P100 to P150.

Sa sarap ng pagkain, para saken sulit na yung binayad ko.

Ang Hatol:

Dong Bei Dumpling

May rason kung bakit dinadayo ito kahit nakatago sa isang liblib at indistinctive na lugar sa Binondo.

Definitely hindi para sa mga taong may issue sa germs at dumi. Pero sa mga adventurous na naghahanap ng bagong makakainan, try it!

Babalik kami dito para mas madami pang ma-try na pagkain.


Rating:

5 out of 7


* * * *


Next Stop: Wai Ying Fastfood

sa ikatlong pinto

Ang Intro:
Isa sa mga mas popular na kainan ito sa Binondo pero equally worth dayuhin like Dong Bei... AT talagang mas dinadayo ito.

Sa sobrang dayuhin, may separate stall sila para lang sa mga take out orders. Three blocks away lang ito sa mismong resto.

Eto yung direksyon kung galing Binondo church:
1. Diretsuhin ang Ongpin hanggang makita ang President's sa left side. Kanto na ito ng Salazar.
2. Kumaliwa sa kantong ito.
3. Dumiretso hanggang makita ang Benavidez sa right side. Kumanan dito.
4. Dumiretso habang naka-tingin sa right side.
5. Tumigil kapag nakita ang signboard ng Wai Ying. Pumasok sa loob ng establishment at mag-tanong sa masungit na tindera.
6. Walang siyang alam isagot kundi "sa ikatlong pinto". Try it to believe it!
7. Kaya lumabas ng establishment at bumalik sa pinanggalingan pero magbibilang ka ng pinto. Sa ikalawang pinto, andun yung kainan ng Wai Ying.

Yung unang pintong napasukan na may masungit na tindera, yun yung Take Out stall nila. Gets?

PS: Oo, mali ang bilang nung masungit na tindera.

Ang Nilapang:
  • Roast duck with Soy Chicken Rice
  • Chicken Feet (Adidas)
  • Hakao (Shrimp Dumplings)
  • Beef Chang Fan
  • House Tea

Yung mga rice meals nila ay combo ang ulam. Meaning, there's an option to pick two from these viands: roast duck, asado, white chicken, at soy chicken.

saklolo! may nalulunod!

Sooobrang sarap nung roast duck at soy chicken! Naliligo ito sa manamis-namis na asado sauce at kuchay. Sa dalawa, mas trip ni K yung soy chicken. Ako, mas trip ko yung roast duck.

the claaaaw!!

Nag order si Misis ng steamed adidas. Pero siya lang lahat yumari nito. Never ako kumain neto kahit since nung fetus pa lang ako.

ang hakaw... bow

Masarap yung hakao nila. Hindi kasing nipis ng sa Dong Bei yung pabalat. Pero sa presyo neto, not bad na. Usually kasi mahal eto sa mga mas commercial at established na Chinese resto (e.g. Hap Chan, North Park, David's Tea House).

sige, sisid!

Next ay yung Chang Fan. Originally cheung fan or rice noodle roll, eto ay isang tipak ng rice noodle (doh!) na nilagyan ng sahog sa loob (choices of veggie, shrimp, pork, at beef) sabay nirolyo na parang lumpia. It's steamed then lathered with this special soy sauce concoction na trip namin kasi matamis.

Masarap eto dun lang sa parte na may laman (beef ang pinili namin). Ang problema lang, kakarampot yung laman at ang kapal ng rice noodle wrap kaya walang lasa dun sa mga parte na kokonti na ang sahog. Parang kumakain ng lumpiang sariwa na walang sahog sa loob. Usually, nasa bandang gitna yung masarap na parte, kasi andun yung concentration nung palaman.

House Tea. Kakaiba yung kanilang tsaa kasi minty. Parang nilalagyan nila ng toothpaste kaya may hints ng menthol. Pero digs namin. Aprub.

ngiting gutom

Iba pang Chechebureche:
Nakaka-aliw yung menu kasi may chinoy-tagalog conversion. Pero tulad ng sa Dong Bei, may mga items pa din na clueless kami kung anong klaseng pagkain. Medyo mas nakaka-intimidate lang mag tanong sa waiters dito kasi andami daming tao kaya ang feeling namin eh kinakain namin ang precious na oras nila kung tatanungin namin isa isa yung nasa menu.

parang Chinese - Tagalog dictionary

We were warned about the place's sanitary issues. Medyo hindi nga kalinisan yung paligid, but then it was the same case with Dong Bei. Pag hindi yata madumi yung lugar, hindi authentic na Chinese hole-in-the-wall! Haha! Kasama yung dumi sa ambiance. So just wipe off your plates and utensils before digging in.

Isa pang nakaka-aliw yung coffee-maker nila sa may counter. Parang weird science laboratory thing na may burners and flasks and what-nots. Ang astig panoorin habang nagbu-brew ng kape yung kanilang ersatz barista.

chemistry class

May second floor yung lugar, pero sa ground floor lang kami napa-pwesto. Puno yung lugar nung dumating kami at nag-intay pa kami ng ilang minuto. Pero take note na ala-una na ng hapon noon. Puno pa din at sunod sunod pa din ang dating ng tao!

Ka-ching!
Price range is at P120 to P150.

Sobrang mura para sa sarap ng pagkain. Gumagapang kami palabas sa kabusugan!

Mas okay dito kung grupo ang kakain kasi pwedeng mag-order ng mga dishes na for sharing and still end up with a cheaper bill than kung mag kakanya-kanyang order.

mag-a-apply akong lucky charm

Ang Hatol:
May rason kung bakit hindi nawawalan ng kustomer ang resto na ito.

Again, not for people who have sanitary issues. Pero definitely para sa mayoryang masa na ang habol ay experience na maka-chicha ng authentic Chinese food at budget prices!

Update: Fast forward to 2015, may ilang beses na kaming kumain dito at mas madami pa kaming nasubukang ibang putahe. Parte na ito ng aming itinerary kapag may rare chance na kailangan naming pumunta ng Binondo. It still delivers the same experience of having cheap but yummy Chinese food. Kaso padami ng padami ang nakaka-alam nito at pahirap ng pahirap ang mag-intay na may malibreng lamesa.

Rating:
7 out of 7



Back to the Project 12x2-1 Page


0 Comments

Post a Comment

Copyright © 2009 Ang Blog na OK All rights reserved. Theme by Laptop Geek. | Bloggerized by FalconHive.