0
comments

[OK na Food Trip] Lady Christine's Baby Back Ribs

Posted by Obi Macapuno on 2/10/2015
Begin
Matagal nang nagyayaya ang kapatid ni O dito kaya minsang umuwi kami ng Lipa, dito na lang kami nag tanghalian. The main marketing catch is their cheap baby back ribs which only costs 99 pesos. Nakaka-curious ang presyo.

The branch we went to is the one inside SM City Lipa.

their's rock

Eat

  • Baby Back Ribs Meal (mini and regular)
  • Hungarian Sausage Meal
  • Mushroom Soup
  • Iced Tea

mini

Yung baby back ribs comes in mini or regular orders. Yung mini ang P99 lang at kaya pala mura ay maliit talaga ang serving. Bagay sa gusto lang tumikim ng grilled ribs pero on a diet. Yung P160 na regular order ang malaki-laki ang slab. Malambot at smokey ang lasa ng ribs pero kelangan pa din ng tulong ng barbecue sauce para ma-appreciate ng husto. Dry yung pork at may kalakihan ang taba or litid sa ibang piraso nung malalaking order.

regular

Mas patok pa sa amin yung hungarian sausage kaso napa-gastos kami ng konti at P175 per meal. Mas disente ang lasa neto kesa sa ribs at mas busog sa serving. Hindi outright maanghang. Nagbi-build up yung anghang habang tumatagal sa pag-kain.

hungarian

Ang "meal" orders ay may kasama nang rice, konting atchara, at iced tea pero plus P15 ito. Tipirin ang barbecue sauce dahil may additional P10 pag gusto ng extra. Personally, kulang sa amin yung sauce na kasama sa unang order kaya halos guaranteed na mapapabili kami ng extra. Olats.

Okay yung mushroom soup. Binibili din ito at hindi free gaya ng nakagawian pero sulit naman. Ma-garlic yung lasa at thick ang soup base.

soup

Pay
Marketing trick lang yung "99 peso ribs". Kung gusto mabusog o kung gusto ng quality sa kakainin, kelangan magbayad ng hanggang P200 per tao. It's still fairly cheap but they've gone to some lengths to make it so (e.g. may bayad ang extra soup, may bayad ang extra sauce, konti ng serving).

Talk
Ranch ang theme ng interiors. May mga wooden frames na may retro films sa dingding tapos panay wooden planks ang design ng sahig at iba pang fixtures.  

Madami pa din ang kumakain kahit way past lunch time na so patok siya sa mga taga-Lipa. Tingin ko gumagana na ang class C consumers ang target market nila (thus keeping the price low) habang pinapanatiling mukang high-end yung ambiance.

menu

Limited ang space sa loob pero may al fresco dining at may lamesa din sa labas, along the mall's corridor (libre nood sa mga taong dumadaan).

Parang undermanned sila kasi kapag madami na ang customers mahirap na tawagin yung mga staff para humingi ng kung ano mang serbisyo.

ribsters

Rating:
4 out of 7




[obi.Dec.26.14]




0 Comments

Post a Comment

Copyright © 2009 Ang Blog na OK All rights reserved. Theme by Laptop Geek. | Bloggerized by FalconHive.