[2011 Throwback] Toast Box
Posted by Obi Macapuno
on
2/16/2015
[updated]
The Project 12x2-1 Page
At kumain pa ulet nung sumunod na araw...
Yung peanut butter toast ang sobrang patok sa amin ni Misis K. Ang nagustuhan niya ay yung sobrang generous na palaman (at talagang mahilig lang siya sa peanut butter). Ako, ang na-trippan ko ay yung lambot nung tinapay kahit toasted.
Hindi namin ma-figure out kung anong jam yung hinalo sa butter na palaman nung Kaya Toast nila pero bagay yung lasa. Weird para sa amin ang jam plus butter mix, pero pumatok naman sa panlasa namin. Yung tamang "eto na lang ulit ang oorderin ko next time". Ganun! Sa sobrang sarap, nakalimutan namin kuhaan ng ritrato. Haha!
Seryoso yung soft boiled eggs. As in it's liquid soft. Ang pag-luto sa kanya ay ilulublob lang sa mainit na tubig yung itlog ng mabilisan (blanch kumbaga). The instruction was to mix the soft contents with soy sauce and pepper. Masarap naman. Sinubukan din namin itong ipahid sa toast. Masarap pa din naman.
Update: Currently (2015), plated meals are now around P250 while the toast sets are about P160.
Masarap yung mga toast set. Ito lang din yung marerekomenda namin na sulit sa binayad.
Rating:
3.5 out of 7
Back to the Project 12x2-1 Page
The Project 12x2-1 Page
If toast always lands butter-side down, and cats always land on their feet, what happens if you strap toast on the back of a cat and drop it?
- Steven Wright
Nadiskubre ni K ang next grub
place namin habang nag-hahanap ng regalo sa akin sa Greenbelt para sa
birthday ko. After visiting a Singaporean hawker-type resto on our last
food trip, another Singaporean franchise na naman ang susunod.
Greenbelt 5 |
Pasakalye:
Subsidiary ng Bread Talk ang
Toast Box so they have this similar minimalistic feel sa lugar nila. Pay
as you order ang style ng pagbenta.
the counter |
Open for viewing yung area kung saan sila nag-aayos ng pagkain. Kaya nakakamanghang pagmasdan yung mga abubot nila sa
kusina. Specifically, dun kami
namangha sa long-nosed takore para sa kape at tsaa. Ang kulet ng itsura. Tsaka yung bundok ng
butter. Mga tatlong ruler at kalahati ang taas. Naumay na kami sa tingin
pa lang.
Ang Nilantakan:
- Nonya Laksa
- Peanut Thick Toast Set (Toast in Peanut Butter, 2 Soft Boiled Eggs, Kopi C)
- Hainanese Quarter Chicken
At kumain pa ulet nung sumunod na araw...
- Kaya Toast Set (Kaya Toast, 2 Soft Boiled Eggs, Kopi C)
- Nasi Goreng
Sa aming pananaliksik ang Nonya Laksa ay kilala din sa tawag na
Laksa Lemak. Lemak, referring to coconut milk in Malay. Gawa ito sa
maanghang na coconut gravy na kulay orange ang sabaw at may lahok lahok
na rice noodles, toge, tofu, fish cake, itlog, at hipon. Ang consistency
ng sabaw ay parang gatas na kondensada tapos yung pagka-orange niya ay
may batik batik na pula dahil sa chili oil. Basta ang psychedelic
tignan. Groovy!
laksa |
Ang nagustuhan namin sa laksa nila ay yung pagka-light ng flavor kumpara
dun sa kanyang flavorful distant cousin na si Tom Yam na unang higop pa
lang ay humahagod na sa ilong yung spices. Eto, nasa dulo pa ng lunok
yung sipa ng anghang kaya medyo nagustuhan ko. Si K ay medyo natatabangan. Para lang daw pancit malabon na sinabawan. LOL.
Ang hindi gumana sa laksa nila ay yung mga sahog. Masyadong bland. Hindi namin inaasahang magkalasa yung tofu by itself, pero sana may hints ng flavor yung ibang sahog kahit papaano. Lalo na kapag nababad sa sabaw.

peanut butter toast |
Yung peanut butter toast ang sobrang patok sa amin ni Misis K. Ang nagustuhan niya ay yung sobrang generous na palaman (at talagang mahilig lang siya sa peanut butter). Ako, ang na-trippan ko ay yung lambot nung tinapay kahit toasted.
Hindi namin ma-figure out kung anong jam yung hinalo sa butter na palaman nung Kaya Toast nila pero bagay yung lasa. Weird para sa amin ang jam plus butter mix, pero pumatok naman sa panlasa namin. Yung tamang "eto na lang ulit ang oorderin ko next time". Ganun! Sa sobrang sarap, nakalimutan namin kuhaan ng ritrato. Haha!
how to eat soft boiled eggs |
Seryoso yung soft boiled eggs. As in it's liquid soft. Ang pag-luto sa kanya ay ilulublob lang sa mainit na tubig yung itlog ng mabilisan (blanch kumbaga). The instruction was to mix the soft contents with soy sauce and pepper. Masarap naman. Sinubukan din namin itong ipahid sa toast. Masarap pa din naman.
dips her chin in Kopi C |
Next ay yung Kopi C. Kape lang din ito na lasang saturated ng tsokolate
(yung tableya). Ayoko nito kasi gatapang ng pagka-kape niya. Si K sobrang trip.
pinakuluang manok |
Hainanese Chicken naman ay yung pinakuluang manok sa luya. It's white chicken,
served with chili, oyster sauce, and ground ginger as condiments. May
konting abubot na gulay as garnish. Hindi namin masyadong trip yung Hainanese
chicken nila dahil napasobra sa tabang. Dapat sana may hints pa din ng luya-taste kahit papano.
thumbs up for Nasi Goreng |
Nasi Goreng ay Malay counterpart ng ating "sinangag". May itlog na sunny-side
up, slices ng pipino, bagoong, at dilis on the side habang may manok at
repolyo strips na nakahalo sa kanin. Yung kanin ay kulay toyo,
maanghang, at salty.
Trivia: Parehong "nasi" ang tawag ng mga Indones at ng mga
Kapampangan sa Tagalog word na "kanin". Patunay na hango sa salitang
Bahasa ang ating wika.
Iba pang Anik-Anik:
Homey yung feel ng
lugar dahil minimalist yung design. Puti ang nangingibabaw na kulay with
ersatz antique stuffs conservatively placed here and there.
bakit ang mga commercial models dapat nakanganga ngumiti? |
Nakaka-aliw yung pag-sigaw nila ng order sa kitchen kasi parang
tina-translate muna nila into Malay.
Self service ang kubyertos, table napkin, at tubig.
Nasa taas ng counter yung menu, parang sa McDo. Yung mga mahahalagang kainin ay may ritrato na pang-gabay sa mga kustomer.
Self service ang kubyertos, table napkin, at tubig.
Nasa taas ng counter yung menu, parang sa McDo. Yung mga mahahalagang kainin ay may ritrato na pang-gabay sa mga kustomer.
toast sets |
Kaching:
Nasa P180 to P220 ang average price range.
Mahal eto para sa kalidad ng pagkain nila. Most of the "meal" food kasi ay nothing spectacular sa lasa. Yung toast set lang talaga yung "bulaga, ang sarap sarap ko!" na makakain.
Ang usual na mabibili dito ay yung toast sets na P120 to P160 yung price range at kumpleto rekado na at makaka-tambay pa.
Mahal eto para sa kalidad ng pagkain nila. Most of the "meal" food kasi ay nothing spectacular sa lasa. Yung toast set lang talaga yung "bulaga, ang sarap sarap ko!" na makakain.
Ang usual na mabibili dito ay yung toast sets na P120 to P160 yung price range at kumpleto rekado na at makaka-tambay pa.
Update: Currently (2015), plated meals are now around P250 while the toast sets are about P160.
aftermath |
Ang Hatol:
Tingin namin, hindi ito lugar para kainan madalas. Masarap yung mga toast set. Ito lang din yung marerekomenda namin na sulit sa binayad.
Update: Fast forward to 2015, madaming beses na kaming nakakakain dito at madalas dahil nagke-crave kami sa toast box. Nasubukan namin yung Luncheon Meat sandwich set. Masarap yung Maling! Pero madali lang gumawa ng ganun sa bahay so hindi na yun naulit.
Rating:
3.5 out of 7
Back to the Project 12x2-1 Page
0
comments