0
comments

[2011 Throwback] My Thai Kitchen

Posted by Obi Macapuno on 2/16/2015
[updated]

The Project 12x2-1 Page


What is food to one man is bitter poison to others.
- Lucretius

The Asian run of our Project 12x2-1 continues as our next grub spree brought us on a Javanese experience - My Thai Kitchen in Greenbelt 3.

Si K ulit ang may pasimuno na dito kami kumain para sa katapusan ng Marso. Our other choices was a Korean resto at yung suking carinderia niya sa Intramuros. My Thai yung pinaka-accessible sa amin sa tatlong choices.

Update: Wala na itong restaurant na ito sa Greenbelt. Hindi namin alam kung saan lumipat sa Makati. Pero may branch sila sa Festival Mall sa Alabang.

Ang Pasakalye:
Nasa gitna ng tabi-tabing kainan sa Greenbelt 3 ang My Thai Kitchen. Medyo mahirap hanapin pero pwede naman mag-tanong sa sekyu.

outside My Thai

Intimidating yung itsura nila sa labas kasi kapag sinilip yung loob hindi outright makikita yung dining area. May maliit na receiving area muna. Parang ang pakiramdam tuloy ay mga top secret society lang ang may access makapasok sa loob. Walang sumalubong sa amin when we got in but I think it's just an isolated case kasi usually may naka-station naman na tao sa may pintuhan na nang-aakit ng mga kustomer.

Ang GANDA at astig ng interior design. Typical high end resto yung arrangement ng mga bagay bagay pero takaw pansin yung mga modern accents. May higanteng brass buddha sa taas ng counter. May mga wall dividers na may geometric patterns. Ang design ng isa sa mga dingding nila ay sandamakmak na pekeng office drawers (queer but we like it). Majority ng colors na ginamit ay bagay sa soft tones ng mga ilaw nila. Just right to generate a feel of serenity... parang ang dating ay "steady ka lang dyan, enjoy the food".

Gautama watches over you

Ang Niyari:

  • Shrimp Pad Thai Noodles
  • Chicken Red Curry (Gai Curry)
  • Pork Sate (Satay Moo)
  • Coconut Pandan Pudding (Tago Haew)

count the prawns

Yung pad thai ay may choices between shrimp, chicken, or vegetables na sahog. Shrimp ang pinili namin. Kaso pag dating ng pad thai, dalawang hipon lang ang laman. Disappointed kami dun. Unlike most pad thai that we tried, mas leaning sa asim yung lasa ng pad thai nila than sa tamis. That's supposed to be ideal. HOWEVER, I still find the flavor lacking para sa isang Thai dish. Medyo natabangan kami. Ang nagustuhan ko lang ay sakto yung lagkit ng rice noodles.

creamy-licious!

Sa red curry kami nasarapan. Hindi siya yung expected namin na sobrang anghang pero andun yung minty curry flavor. Lutang na lutang yung spices. Sakto para sa amin yung pagkagawa ng paste at masarap ang luto nung mga sahog na gulay.

satay

Yung satay ang nagustuhan ng sobra ni K. It's skewered meat, grilled, and served on top of a leafy garnish with peanut sauce. Sa pitong piraso sa isang order, ito ay isa sa mga pinaka murang pwedeng orderin. Masarap yung marinade nila at malambot yung luto sa karne.

pudding

Now yung coco-pandan pudding ang pinaka-malupit sa lahat ng kinain namin. It's your typical "malagkit na kakanin" dessert made from coconut and pandan mix with bits of corn. Pero swabe yung lasa ng flavor. Hindi namin alam kung anong drugs ang hinalo nila dito pero nakaka-adik sobra. Kung may babalikan kami sa My Thai, eto na yun. Apat na piraso per servings.

Iba pang Chechebureche:
Okay yung menu nila, madaming ritrato at may translation sa English yung mga Thai words. Napaka tanga-friendly.

main course

Helpful yung mga serbidor at madaling tawagin. Konti lang din naman yung kumakain nung pumunta kami kaya madaling kumuha ng atensyon. Isa din sa kanila yung kumuha ng ritrato namin ni K under the big buddha statue. In fairness, ampanget kumuha. Haha! Madaming nagpapakuha sa may buddha. Kung ako sa My Thai, pagkakitaan na nila ito... sampumpiso isang shot. LOL!

nice try, koya

Mabilis ang serbisyo ng pagkain at halos sabay sabay isinilbi. Kaso hindi na ganun kainit yung mga ulam nung nakarating sa lamesa namin.

Kaching!
Prices ranged from P230 to P280.

Mahal para sa kaledad ng pagkain pero pambawi yung magandang ambiance. Okay na siyang date place para sa may budget o kaya para sa naghahanap maka-experience ng Thai cooking.

wall of drawers

Ang Hatol:
Babalik kami dito para sa coco-pandan pudding!

Pero yun na lang yun.

Rating: 
3.5 out of 14



Back to the Project 12x2-1 Page


0 Comments

Post a Comment

Copyright © 2009 Ang Blog na OK All rights reserved. Theme by Laptop Geek. | Bloggerized by FalconHive.