0
comments

[2011 Throwback] Nanbantei of Tokyo

Posted by Obi Macapuno on 2/22/2015
[updated]

The Project 12x2-1 Page



Unang Hirit:
Nanbantei of Tokyo is a yakitori (grilled meat in stick) resto in Greenbelt 3.

yakitori

Matagal na din na naka line-up ito sa mga listahan ng mga bibisitahin naming kainan. Pero ang original plan that night ay kumain sa Kashmir at mapatunayan (possibly with blind prejudice) na mas masarap sa New Bombay. Ang kaso, looking around the net, andami kong nakitang hindi magandang reviews. And seeing the price tag did not help either. So winning via a majority vote (two has a majority, you know) we settled for Nanbantei instead.

Kahilera ito ng Greenbelt 3 cinema, sa pagitan ng isang Indian resto (Update: Queen of Bollywood) at isang bar na may otomatik spray ng ambon sa entrance (Update: wala na yun ngayon - 2015).

tokyo, singapore, manila shanghai, hongkong

The price attracted us dati nung una kaming dumaan dito at sumilip sa nakabalandra nilang menu along the pathway. Parang "wow mura pala dito ah" (in verbatim and with utter surprise) kaya binalaan naming susubukan ito balang araw.

At eto nga, dumating na ang balang araw.

Nung binigyan na kami ng menu, medyo nakakagulat (after maka-ilang pabalik-balik na buklat ng ilang pahina). Na-realize namin na kaya pala mukang mura dati ay in-assume namin na typical na ulam ang hinahanda nila. Yun pala lahat ng food offerings ay served skewered on a stick at barbecue-style (grilled).

Dun lang namin nalaman na ang ibig sabihin ng yakitori ay roughly "roasting of small slices of food"! Lekat. It pays to know.

yakitori

So mahal din yung presyo, kasi ang isang order ay mostly dalawang stick lang ng napiling putahe. That's about P60 to P70 per stick.

Ang Nilantakan:
  • Enoki Maki
  • California Maki
  • Yaki Niku
  • Pork Garlic Yaki

enoki maki (left) at yaki niku (right)

May complimentary slices of veggies habang nag-iintay ng order. May kasama itong parang bagoong na sawsawan. Nothing special about it pero it's a bonus sa pogi points nila.

Ang Enoki Maki ay enoki mushrooms na binalot sa bacon strips. I mean, come on... bacon! Sure, hindi ito pinirito pero kahit baligtarin pa ang mundo ng ilang ikot... bacon is LOVE! Masarap ito. At dahil grilled, chewy siya at juicy. Yung enoki mushroom pala ay yung variant ng kabute na mukang toge.

maki

California Maki. Good luck sa akin! Auto reject sa tiyan ko ito. Kaya as usual si Misis lang ang yumari lahat. Six piece per order. By the looks of it, mukang nasarapan naman siya. Haven't heard that there's anything special in it from her though so expect na parang maki lang din ng Tokyo Tokyo ito.

Beef strips naman ang Yaki Niku. Sooobrang lasa ng marinade neto. Ito ang patok sa amin among what we ordered. Pwede nang pang ulam. Rice please!

pork garlic yaki

As obvious with the name, ang Pork Garlic Yaki ay pinaarteng tawag lang sa grilled baboy na garlic flavor. This comes second after Yaki Niku sa mga nagustuhan namin. Grilled just right. Smokey yung lasa neto at hindi ganun katapang yung garlic flavor. May hints lang. Works for us.

Iba pang Satsat:
Maganda yung lugar. Worth the price tag. Sa medyo gitna nung floor area makikita yung grill kung saan pwede panoorin yung mga cook mag-ihaw. Gusto ko yung design ng interior. Not overly oriental as befits the theme of their food pero andun yung essence ng modern Japanese look.

trip namin yung Jap writings sa likod

Informative yung menu with ample pictures para sa mga boplaks magbasang katulad namin.

Maganda ang serbisyo. Sobrang maasikaso ang mga serbidor. Snappy. At syempre ang isa sa mga mahahalagang ritual para kay K... dapat sinasabi kung magkano ang natanggap nilang pera pagkakuha sa bayad namin... "I received XXXX pesos, Mam/Sir". Aprub!

eto yung ihawan

Suggestion din ni K na huwag nang pag-aksayahan ng panahon umiskor sa kanilang "chicken" selections kasi halos lahat ng andun mabibili na lang sa ihaw-ihaw sa kanto: chicken wings, chicken heart, chicken skin, chicken liver, chicken pwet, at chicken gizzard. Nag resto pa kung ganun lang din.

beef and pork

May hot towel na sinisilbi bago kumain. Ang sarap ikiskis sa muka at katawan. Tignan pagkatapos... ga-libag!

Kaching!:
Nasa P100 to P230 ang range ng isang order. Mostly two sticks of whatever you ordered, unless specified sa menu entry.

Mahal ito. Pero masasabi naming competitive sa lasa at serbisyo. Plus dapat tamang items ang orderin para masulit.

There are some items that are just too lame to get (e.g. mais on stick... whaaat??).

O + K + yakitori

Update: Fast forward to 2015, tumaas lang ng konti ang presyuhan ng mga yakitori items nila.

Ang Hatol:
Definitely not something we'll go back to in a regular basis.

Tama nang masubukan siya twice or thrice in a lifetime. Para masabi lang na nasubukang kumain na dito or at the least, ma-sampolan na makapag yakitori trip.

Rating:

4 out of 7



Back to the Project 12x2-1 Page


0 Comments

Post a Comment

Copyright © 2009 Ang Blog na OK All rights reserved. Theme by Laptop Geek. | Bloggerized by FalconHive.