0
comments

[OK na Food Trip] LZM Restaurant (Silang)

Posted by Obi Macapuno on 9/15/2014
Ang Pasakalye:
Galing kami sa fiesta ng Mendez at pauwi na ng Manila ng maisipan namin mag-dinner na lang along the way. It's when we were looking for where to eat that made us remember LZM's bulalo and that they have a branch in Silang, along Aguinaldo Highway (nakakain na kami dati ni K dun sa kanilang restaurant sa Tagaytay). Time to know kung consistent ang luto ng bulalo between branches!

With help from Google (and Daddy Ben), natunton naman namin agad kung nasaan yung resto nila sa Silang (which I heard is the original branch).

lutong bahay specialties

Ang Chicha:

  • Boneless Bangus
  • Bulalo
  • Iced Tea

Walang kupas ang bulalo! Mainit. Madaming gulay at sahog. Madaming laman yung beef kahit malalaki ang parts ng buto-buto! Higit sa lahat, madami pa din ang servings. Pwede pa humirit ng sabaw refill. Same experience as the Tagaytay branch's version. Consistent!

bulalomnomnom!

Malaki pa din yung boneless bangus. Around anim na tao ata kaming nag hati-hati dito pero may natira pa din. Ganun kalaki! Sobrang malasa. No need isawsaw sa toyo. Truly, ito ang kabalik-balik dito.

bangus asus!

Ang Damage sa Wallet:
P380 yung bangus at P400 yung bulalo. Pero sa dalawang yan, anim kaming nabusog at may natira pang konti sa ulam. Ganun kadami, kaya sulit na sulit.

The other dishes goes for P200 to P300, pero wala kaming nasubukan sa mga ito. We stick with their specialty. For sure though, madami ang servings to justify the cost. Nasilip ko kasi sa kabilang lamesa yung servings ng kare-kare.

menu

Ang Hirit:
Lumang bahay ang datingan ng itsura ng branch na ito kaya kami nahirapan maghanap (kahit dapat madali lang dahil nasa tabi mismo ng main road). Parang hindi kasi ito resto sa kalumaan, kapag tinignan from sa labas. May malaking puno na nakaharang sa tabi ng entrance at ang pinaka-palatandaan lang ay ang old school na aluminum signboard na nakalagay sa labas na may nakasulat na LZM Restaurant.

Itsurang bahay din ang loob, na nilagyan ng madaming lamesang kahoy. Medyo malinis naman kumpara sa relative age ng istraktura. May mga pictures sa dingding ng mga personalidad na nakakain na dito. Yung iba yata ay family pictures ng may-ari kasi either hindi ko kilala yung mga nasa litrato or parang 80's yung panahon ng kuha.

old photos on the wall

Madami-dami ang kumakain nung nandun kami, given na masyado pang maaga for dinner (maga-alas sais pa lang ng hapon). Sikat ang LZM sa area na ito at ilang beses na din silang na-feature sa mga TV shows na tumutukoy sa mga good spots to eat around the Tagaytay area kaya hindi na din nakakapagtaka.

Mabilis magsilbi yung mga staff at mababait. Hindi kami nag hintay ng matagal sa order namin.

sa loob

Ang Buod:
Kelangan naman masubukan yung ibang putahe. Definitely, may next time ulit!

Mas okay kumain dito kung madami dahil pang maramihan ang servings.

panoramic

Ang Hatol:
6.5 out of 7




[obi.January]


0 Comments

Post a Comment

Copyright © 2009 Ang Blog na OK All rights reserved. Theme by Laptop Geek. | Bloggerized by FalconHive.