0
comments

[OK na Food Trip] Empanada Nation

Posted by Obi Macapuno on 9/10/2014
Panangrugi (Intro):
The family went out of our way para dayuhin ito. Nasa bandang gitna ito ng Makati Med at Buendia, malapit dun sa estero na may iskwater's area na nasunog recently lang. Si Sponklong (bunso namin) ang may suggestion na dito kumain. Mukang interesting naman.

aprub

Makan (Food):

  • Igado
  • Ilocos Dinuguan
  • Bagnet
  • Pinakbet
  • Special Empanada

may bawas na igado

Paborito ko ang igado at sandamakmak na variants na nito ang natikman ko here in the Metro and in Ilocos mismo. At masasabi ko na competitive ang version ng Empanda Nation among the good ones. Andun yung hints ng tamis at anghang ng medyo malapot na sauce. Madaming sahog na pork pero kulang lang ng lamang-loob. Konti lang ang atay at halos wala kaming makaing isaw. Dun lang medyo alanganin.

crispy dinuguan

Coagulated blood over isaw at bagnet. This summed up their Ilokano version of dinuguan. Ang sarap! First time namin masubukan ito. Bagay na bagay yung tamis-pait ng tuyong dugo sa crispiness ng deep-fried isaw at bagnet. Madami yung servings ng isaw at bagnet. Parang naging toppings na nga lang yung tuyong dugo.

insta-kill bagnet

Nothing extraordinary sa bagnet nila. Typical deep-fried crunchy and heart-stopping bagnet. Underwhelming lang yung servings. Mga tatlo hanggang apat na normal-sized na hiwa lang sa halagang halos P100.

pinakbet

Di ako mahilig sa pinakbet pero muka namang nag-enjoy si K and the rest of the family with our order. Tinikman ko lang yung ibang gulay (kalabasa at sitaw) at tama naman ang luto. Wala ding aftertaste ng pakla ng ampalaya yung sabaw. So good na ito para sa akin. 

ilokos empanada

Nasarapan kami sa empanada nila. Manipis yung crust at crispy. Authentic Ilocos longganisa ang gamit na sahog at hindi madamot ang servings. Ang sarap na combo nito sa Ilocos suka nila. Frankly though, meron kaming alam na mabibilhan ng Ilokano empanada sa QC na mas masarap at mas mura. Ang point namin, hindi empanada ang kahabol-habol sa resto na ito despite what their name seems to claim.

Special mention yung sabaw nila dahil may lasa kahit papano. Hindi katulad ng most fastfood free soup na parang pinakuluang tubig lang na nilagyan ng broth cubes. In short, matabang.

Kantidad (Price):
The dishes cost about P130 at yung empanada ay around P90.

Sobrang mura na ito para sa quality ng pagkain nila pati na din sa passable dining experience, in general.

the place

Masarita (Comment):
Di maganda yung environment sa labas. May mga iskwater na nakatambay kaya panay ang silip ko sa oto namin. Mahirap na. Sana may security guard sila.

Sa loob, walang problema. Malinis at maayos ang paligid. May konting effort para magka-rural ambiance to depict the Ilocos region environs. Special mention ang toilet nila dahil umi-interior design ang datingan. May pagpapahalaga sa kubeta.

Fastfood dito. Pay as you order. Magaling yung nasa kahera dahil nakuha niya ng tama lahat ng order namin kahit madami kaming binili (pang siyam na tao).

O + K + Ilokano Food

Dadduma (Others):
Pwedeng araw-arawin kumain dito, if you have the blood pressure for it. LOL.

Tungpalna (Verdict):
6 out of 7




[obi.July.11]


0 Comments

Post a Comment

Copyright © 2009 Ang Blog na OK All rights reserved. Theme by Laptop Geek. | Bloggerized by FalconHive.