0
comments

[Lego Love Team] Reese's Second Month

Posted by Obi Macapuno on 5/07/2015
"Reese's Second Month"

Location: Reese's HQ
Camera: Sony RX100 MK2
Date Taken: May 3, 2015


0
comments

[OK na Food Trip] Ean's Grilled Burger

Posted by Obi Macapuno on 5/06/2015
Pasakalye:
Bagong sulpot ito sa BF Homes. Isang garahe na converted lang into a humble eatery na may ihawan sa tabi. Madaming kumakain dito nung una silang magbukas a couple of months ago. Medyo madalas na pala kasi sila sumama sa mga food bazaar katulad ng Mercato Centrale kaya may mga ilang nakakakilala na agad sa kanila. Besides, what's not to notice on their big-sized burgers na nagkakahalaga lang ng as low as fifty pesos!

tabing kalsada

Nadadaanan namin yun araw araw kaya minsang naka tyempo na walang masyadong tao, nag take out kami ng ilang burger para pang pasalubong. Recently, kapag may craving kami sa burger, madalas na kaming napapabili dito.

Chicha:
Burger ang binebenta nila (although meron din silang nachos pero parang hindi worth subukan). For P50, meron nang quarter pounder burger na (sabi nila) 100% pure beef ang patty. Ang dressing nito ay simpleng kamatis, sibuyas, ketchup, at mustard na standard sa lahat ng burgers nila.

Magdagdag lamang ng P50 ulit at magiging doble ang big-sized patty sa burger. Add another P50 at triple na ito... and so on (pero sa totoo lang, O.A. na masyado ang lumampas pa sa tatlong malalaking patty). Dry ang pagkaka ihaw sa patty at medyo kulang sa beefy taste pero sa murang halaga na nakalakip dito, masasabi nang sobrang sulit.

medium well

May half pounder patty din sila which starts at P100. Half pound! For a minimal cost, pwede pa magpadagdag ng extra keso (P15), mushroom, or (my personal favorite add-on) bacon (P20)!

Meron din silang hotdog, nachos, at fries sa menu pero hindi pa namin ito nasusubukan. We're not sure if it's even worth it.

Chechebureche:
Don't expect ambiance. Food cart type lang sila. Sakto lang ito para sa mga napapadaan at gusto ng sulit at mabilisan na meryenda.

Sobrang kapal ng usok sa ihawan nila na posibleng mapunta sa kanilang dine-in area. If you mind, take out na lang. Parang hindi din naman relax kumain doon mismo anyway dahil nasa tabing kalsada.

menu

It can get really crowded. Lalo na sa mga kalagitnaan ng 5PM to 6PM. Meryenda moments eh. Okay naman ang sistema nung kumukuha ng order at mabilis ang turn around time ng pagluto. Pero hindi nila na-mo-monitor ng maige kung tama ba ang sequence ng pila so self organization ang kelangan. Maging maagap sa mga maniningit.

Tip: Iuwi na lang ang burger para pwede pang lagyan ng ibang abubot tulad ng mas matinong sibuyas, mayo, egg, bacon o kung ano pang personalized add-on.

jampacked weeknight

Ratings:
5 out of 7




[obi.May]


0
comments

[OK sa Kusina] Tinolang Manok

Posted by Obi Macapuno on 5/04/2015
Backstory:

Ilang araw na kaming walang matinong ulam na may sabaw at kailangan ni K ng as much sabaw dish as she can para mas lumakas ang milk production para kay baby, kaya naisipan namin minsang mag tinola. First time lang namin ito niluto at Internet Chef kami sa pagkakataong ito. 

Maganda naman ang kinalabasan.

tinolang manok

* * * * *


ingredients

Ingredients:

  • assorted chicken parts, about 3/4 kilo (pinagayat na naming pang tinola sa palengke)
  • hugas bigas, ayon sa dami ng gustong sabaw (yung pinaghugasan ng sinaing)
  • sayote, 2 medium sized (cut into wedges)
  • malunggay leaves, ayon sa nais na dami
  • sibuyas, 1 medium sized (chopped)
  • bawang, 2 cloves (minced)
  • luya, 1 thumb (sliced into strips)
  • patis, mga dalawang kutsara
  • salt
  • pepper

Directions:

gisahin ang mga ito

1. Gisahin ang bawang, sibuyas, at luya.

2. Kapag medyo golden brown na ang mga ginasang components, ilagay ang manok at lutuin ito hanggang sa mag light brown ang kulay. Ibig sabihin unti-unti nang naluluto.

light brown color

3. Ibuhos ang patis at haluin para manuot sa manok ang lasa. Chill ka muna pagkatapos. Mga five minutes.

4. Ibuhos ang hugas bigas. Haluin. Takluban at hintaying kumulo. Mga nasa pagitan ng 15 to 20 minutes.

gusto namin ng madaming sabaw

5. Kapag kumukulo na, ilagay ang malunggay at sayote. Simmer again for a few minutes.

6. Add a pinch of salt and pepper to taste. Then, tapos na!

ihulog ang mga gulay

Hopefully Helpful Tips:
* Pitpitin ang luya pagka hiwa into strips. Nilalabas daw nito ang katas para maging mas malasa.

* Pagka hiwa ng sayote into two parts, bago ito gayatin into wedges, ipagkiskis ang exposed parts. Circular motion. Makikita na may maliliit na puting bula na naiipon sa mga gilid nito. Yun ang kanyang dagta. Pangit ang lasa niyan kapag humalo sa pagkain. Hugasan ang sayote matapos maipon ang dagta, bago ituloy ang pag hiwa into wedges.

ang dagta... bow

* Optional ang malunggay. Ito lang ang napili namin dahil mainam ito sa nagpapa-gatas na ina. Sa mga tipikal na nilalang, mas ginagamit ang dahon ng sili. Same application sa Step Number 5.

* Maaari ding green na papaya ang gamitin instead of sayote.

alternative veggies

Enjoy!


Copyright © 2009 Ang Blog na OK All rights reserved. Theme by Laptop Geek. | Bloggerized by FalconHive.