[OK sa Kusina] Tinolang Manok
Posted by Obi Macapuno
on
5/04/2015
Backstory:
Directions:
Hopefully Helpful Tips:
Ilang araw na kaming walang matinong ulam na may sabaw at kailangan ni K ng as much sabaw dish as she can para mas lumakas ang milk production para kay baby, kaya naisipan namin minsang mag tinola. First time lang namin ito niluto at Internet Chef kami sa pagkakataong ito.
Maganda naman ang kinalabasan.
* * * * *
Ingredients:
- assorted chicken parts, about 3/4 kilo (pinagayat na naming pang tinola sa palengke)
- hugas bigas, ayon sa dami ng gustong sabaw (yung pinaghugasan ng sinaing)
- sayote, 2 medium sized (cut into wedges)
- malunggay leaves, ayon sa nais na dami
- sibuyas, 1 medium sized (chopped)
- bawang, 2 cloves (minced)
- luya, 1 thumb (sliced into strips)
- patis, mga dalawang kutsara
- salt
- pepper
Directions:
1. Gisahin ang bawang, sibuyas, at luya.
2. Kapag medyo golden brown na ang mga ginasang components, ilagay ang manok at lutuin ito hanggang sa mag light brown ang kulay. Ibig sabihin unti-unti nang naluluto.
3. Ibuhos ang patis at haluin para manuot sa manok ang lasa. Chill ka muna pagkatapos. Mga five minutes.
4. Ibuhos ang hugas bigas. Haluin. Takluban at hintaying kumulo. Mga nasa pagitan ng 15 to 20 minutes.
5. Kapag kumukulo na, ilagay ang malunggay at sayote. Simmer again for a few minutes.
* Pitpitin ang luya pagka hiwa into strips. Nilalabas daw nito ang katas para maging mas malasa.
* Pagka hiwa ng sayote into two parts, bago ito gayatin into wedges, ipagkiskis ang exposed parts. Circular motion. Makikita na may maliliit na puting bula na naiipon sa mga gilid nito. Yun ang kanyang dagta. Pangit ang lasa niyan kapag humalo sa pagkain. Hugasan ang sayote matapos maipon ang dagta, bago ituloy ang pag hiwa into wedges.
* Optional ang malunggay. Ito lang ang napili namin dahil mainam ito sa nagpapa-gatas na ina. Sa mga tipikal na nilalang, mas ginagamit ang dahon ng sili. Same application sa Step Number 5.
* Maaari ding green na papaya ang gamitin instead of sayote.
Enjoy!
0
comments