[OK na Food Trip] Hacienda Inasal
Posted by Obi Macapuno
on
4/26/2015
Pasakalye:
Chicha:
Panapos:
Rating:
3.5 out of 7
[obi.February]
Nakakalungkot para sa amin ang daanan ang Glorietta branch ng resto na ito araw araw pauwi galing trabaho. Lagi kasing walang kumakain at hindi nakakatulong na sa mga panahon na walang customers, mukang bored na bored at matamlay pa ang mga staff sa loob.
Noong mga first few weeks na nadadaanan namin ito, nagkakatawanan pa kami dahil tipong "pustahan, wala na namang laman". Pero nung tumatagal na ganun pa din ang sitwasyon, habang may mga customers yung mga katabing restaurant, medyo nararamdaman na namin ang simpatya para sa may-ari. Nakaka-depress.
So minsan na pauwi akong mag-isa dahil may checkup si K at napadaan ulit ako doon (as expected, walang patrons), naisip ko na mag "random act of kindness" at mag takeout ng kahit anong pagkain from them. Take note, kahit hindi ko alam kung ano ba ang makakain sa kanila in the first place. Pasalubong ko na lang din kay K.
By the way, I didn't even bother to take much photos so I've stolen all over the web (there's not much).
By the way, I didn't even bother to take much photos so I've stolen all over the web (there's not much).
from their FB page |
Chicha:
- Special Batchoy
- Chopsuey
- Hot and Spicy Calamares
- Pecho (Grilled Chicken Breast)
The batchoy is surprisingly good. Tama ang luto ng noodle, hindi al dente pero hindi din naman labsak. Generous ang sahog na laman (chicharon, egg, atay, at pork) at malasa ang sabaw. Yung isang serving nito ay malaki na para sa presyo at pwede na pag hatian ng dalawang tao.
from their FB page |
Nothing special sa chopsuey but it's not bad. Tama lang ang lasa. Typical. Maraming lahok na gulay at okay para samin ang lapot nung sabaw. Can serve up to two persons as well.
Hindi crunchy yung calamares and nowhere near hot or spicy. Regardless, nasarapan pa din kami dito dahil malasa yung breading. Parang may halong suka. Malambot yung luto ng pusit sa loob. Sakto. May halo itong breaded onion as extenders. Panalo din yun sa amin dahil crunchy yung luto nung sibuyas. Nasa "grilled" section ng menu ang ulam na ito pero para namang pinirito.
Addendum (4/30/2015): Dropped by today to try their inasal chicken and it's not bad really. It's on the dry side but the flavor is passable. Nandun yung grilled taste in addition to their marinade na nagbibigay ng yellowish na kulay sa manok.
Gastos:
from a customer |
Addendum (4/30/2015): Dropped by today to try their inasal chicken and it's not bad really. It's on the dry side but the flavor is passable. Nandun yung grilled taste in addition to their marinade na nagbibigay ng yellowish na kulay sa manok.
Gastos:
Ranged at P120 to P150 per food item, sobrang mura dito. Considering nasa area sila ng mga restaurants like Max's, New Bombay, at A Venetto na nasa P200++ na ang price range. Wala pa silang service charge.
Isa ito sa mga rason kung bakit kami nagtataka na walang kumakain dito. Mura naman.
Chechebureche:
fancy menu |
Chechebureche:
Unang mapapansin sa loob ng resto ay ang kanilang chic interiors. Parang ranch ang vibe na medyo girly. Malinis at pinag isipan ang disenyo ng paligid. Cute din ang table setup. It has the making of a laid back tambayan. So ambiance is definitely not the issue.
Konti lang ang laman ng menu, mostly Bacolod specialty. But straightforward is good. Hindi kailangang mag imbento ng kung ano anong putahe kung ang bentahe ay Negrense inasal lang. Cute pa ang menu nila.
my 1st of 2 photos |
At the most, ang negative thing lang na napansin ko ay matagal sila mag prepare ng pagkain. In both of my visits (yup, bumalik ulit ako a couple of days ago para mag takeout ng batchoy for K), almost 20 to 30 minutes ang inintay ko para mailabas ang order.
Meron din nangyari sa unang punta ko na after ko mag place ng order, imbes na idiretso sa kitchen nung waiter yung mga order ko para mailuto na, sumagot ito ng cellphone at nakipag kwentuhan ng mga hindi lalampas ng sampung minuto din siguro yun. So tengga ng matagal yung order ko.
Aside from that, generally okay ang service. At dapat lang, ako lang ang kustomer on both of my visits. Pag hindi pa naman ako mapagsilbihan ng maayos, ewan ko na lang. LOL!
Panapos:
Overall, misteryo pa din para sa amin kung bakit walang kumakain dito. I have a feeling we should have tried the inasal chicken. Baka yun ang crap.
Suggestion ko, imbes na mukang bored at tambay-mode ang mga staff sa loob habang walang customer, dapat lumalabas sila para mag offer ng menu sa mga dumadaan at mag tawag ng mga potential customers verbally.
Rating:
3.5 out of 7
[obi.February]
0
comments