[OK na Food Trip] Toho Restaurant Antigua
Posted by Obi Macapuno
on
4/18/2015
Konting Intro:
Maikling Panapos:
It's a good place for celebrations kasi sa murang halaga, madami ang mapapakain and food's not that bad.
Rating:
4.5 out of 7
[obi.Mar.7]
K's scheduled to give birth anytime soon and she needs a place to walk around para mas bumaba pa yung pwesto ng baby before we head to the hospital, kasi wala pa din labor pains at that time. Sakto birthday ko. So we just decided to have lunch in Toho (the one inside SM BF) with our families para makapaglakad lakad kami around the mall right after.
Sandamakmak na Chicha:birthday cake |
- Ampalaya Beef
- White Chicken
- Sweet and Sour Pork
- Broccoli Flower with Beef
- Spicy Squid
- Nido Soup
- Yang Chow Fried Rice
- Mango Shake
- Red Iced Tea
ampalaya beef |
Di ako kumakain ng ampalaya but the guys looked that they enjoyed the dish, meaning hindi ramdam ang pait nung putahe dahil kung ramdam, for sure may magrereklamo.
We ordered half of the white chicken . Masyadong matabang. Well, medyo matatabang naman talaga ang mga ganitong parang Hainanese chicken variant pero a good one should taste ginger-y kesa katulad nung sa kanila na bland.
Crunchy yung karne ng sweet and sour pork. Medyo sobra lang ang tamis ng thick na sauce neto. Medyo kapos ang serving para sa dalawa. Nakukulangan kami. Buti na lang madami pa kaming ibang order.
Malambot yung beef ng broccoli dish at malasa ang oyster sauce. Sakto ang luto sa broccoli flower which is malutong pa din sa kagat pero hindi naman uncooked at raw ang leafy taste.
Gusto namin yung luto ng spicy squid. Hindi ito outright maanghang. Ang anghang niya ay something na nagbi-build up habang kumakain ng madami. Sakto din ang luto ng squid nito which is hindi masyadong goma ang pakiramdam kapag nginuya at hindi din naman saggy ang lambot.
Good for eight yung isang order ng nido soup bowl. Sobrang lapot ng sabaw. Sobra sa arina. Matabang. Pero hindi nag tipid sa itlog.
Masarap yung yang chow fried rice pero nakokontian ako sa laman. Sabi ay pang 3-4 servings ito pero andami masyado. Mga pang 5-6 na tao.
Mango shake is meh. Red iced tea is meh (parang Cool Aid na strawberry flavor lang). Mag tubig na lang.
Saktong Bayad:
spicy squid |
Saktong Bayad:
Price range per dish is P180 to P220. Sobrang mura nito compared to similar Chinese places. Sa dami ng kinain namin walang masyadong impressive, yes. Everything's just mediocre, yes. Pero sa mura ng pagkain, mamwede-mwede na din.
Maraming Satsat:menu |
Madami laging tao na kumakain dito (pati na din sa nauna nilang branch sa loob ng BF Homes) kaya naisipan naming sumubok dito kumain. Pero hindi namin gets kung bakit. Food's not too impressive as mentioned, so possible na dahil ito sa murang presyo for a restaurant with a decent service and ambiance.
Service is good and fast. Sobrang bilis lumabas ng mga pagkain namin at very attentive ang mga crew. Given na madami pang kumakain nung time na pumunta kami dahil lunch time.
Ambiance is okay, very oriental ang theme. Malinis yung lugar.
Mainit naman na-serve yung karamihan ng pagkain so good.
Since 1888 pa daw sila at nasa Binondo ang orihinal na restaurant. Wow. Ilang gera na ang dinaanan nun! It makes the place the oldest restaurant in the country. Yun ang gusto naming bisitahin someday.
Maikling Panapos:
It's a good place for celebrations kasi sa murang halaga, madami ang mapapakain and food's not that bad.
attack! |
Rating:
4.5 out of 7
[obi.Mar.7]
0
comments