[OK sa Kusina] Pininyahang Manok
Posted by Obi Macapuno
on
4/20/2015
Backstory:
Recipe ito ni K at hindi pa kami kumo-couple, peborit ko na ito among sa mga niluluto niya. Hanggang ngayon, isa ito sa aming mga go-to dishes kapag gusto namin ng mabilis lutuin pero proper food pa din.
* * * * *
Ingredients:
Directions:
pininyahang manok |
Recipe ito ni K at hindi pa kami kumo-couple, peborit ko na ito among sa mga niluluto niya. Hanggang ngayon, isa ito sa aming mga go-to dishes kapag gusto namin ng mabilis lutuin pero proper food pa din.
* * * * *
Ingredients:
ingredients |
- chicken breast (filleted, mga dalwang piraso)
- evaporated milk (kalhati lang nung maliit na lata)
- pineapple tidbits (yung maliit na lata)
- medium-sized na sibuyas (diced)
- bawang (about 3 cloves, diced)
- kurot ng asin at paminta
Directions:
gisa muna |
1. Gisahin ang bawang at sibuyas.
2. Pagkatapos, isama dito ang manok. Add a pinch of pepper and salt for flavor.
3. Stir from time to time in medium heat hanggang sa maluto ng konti ang manok. Yung kapag namumula-mula na ang flesh.
4. Ilagay ang sabaw nung pineapple tidbits. Yung sabaw lang ha. Takluban and let it simmer hanggang kumatas ang manok.
5. Kapag luto na ang manok, ilagay ang pineapple tidbits. Ibuhos na din ang konting gatas.
6. Haluin ng konti. Yung hanggang sa maghalo lang ang sabaw ng pinya at gatas, at uminit ang mixture na ito. Huwag tagalan at baka mamuo ang gatas. Then, tapos na!
Hopefully Helpful Tips:
* Silipin ang niluluto from time to time kapag nasa bandang Step Number 4 na. Ayaw natin na mag-caramelize ang sabaw ng pinya. Lalo na kung hindi masyadong makatas yung manok. Kapag nangingitim ngitim na yung sabaw, haluin lang. O kaya dagdagan ng konting konting tubig.
* Mas epektib ang lasa ng pinya ng Del Monte. Ito ang bilhin. Wag Dole. Peksman.
* Huwag sobrahan ang gatas (Step Number 5). Mapasobra nito at magiging matabang na ang sabaw. Hindi na malalasahan ang pinya juice. Kapag nangyari ito, pwedeng dagdagan ang sabaw ng pineapple juice na de lata para maremedyohan.
Enjoy!
0
comments