0
comments

[OK sa Kusina] Chicken Curry

Posted by Obi Macapuno on 4/12/2015
Konting Kwento:
Salamat sa komersyalismo at meron nang instant curry powder mix available right away sa aming suking grocery store. Kaya one time na walang laman ang ref namin kundi manok at patatas, sinubukan namin gawin ang instant chicken curry dish na ito.

chicken curry

* * * * *

Ingredients:

  • patatas (mga dalawang maliit na piraso, chopped into bite-sized cubes)
  • medium-sized na sibuyas (diced)
  • bawang (about 3 cloves, diced)
  • manok (pang tinola ang putol, mga apat na piraso)
  • curry powder mix
  • evaporated milk (pero mas maganda kung coconut milk)
  • mantika
  • salt
  • pepper

ingredients
 
Directions:

1. Prituhin ang patatas hanggang sa maging mapusyaw na brown ang kulay neto. Think french fries. Ilagay muna sa isang tabi pagkatapos.

fry the potato

2. Sa ibang kalan, gisahin ang bawang at sibuyas. 

3. Pagkatapos, isama dito ang manok. Add a pinch of pepper and salt for flavor.

4. Stir from time to time in medium heat hanggang sa maluto ng konti ang manok. Yung kapag namumula-mula na ang flesh.


sautee the chicken

5. Ilagay ang gatas (or coconut milk) at curry powder mix. Haluin hanggang maging thick yung sauce. Takluban at hayaang mag simmer for about 5 minutes.

6. Isama ang itinabing patatas at lutuin pa ulit ng konti. Mga 55 seconds. Then, tapos na!


mix the milk and curry powder

Hopefully Helpful Tips:
* Pwedeng maglagay ng isang carrot. Wala lang kasi kaming carrot nung panahon na yun. Chop into bite-sized cubes tapos isama sa niluluto sa bandang Step Number 4 sa taas.

* Pwede ding lagyang ng isang pirasong red bell pepper. Cut into strips at ihalo sa bandang Step Number 4 din.

* Kung natatabangan sa lasa, maaaring timplahan ito ng patis.

* Kung nakukulangan sa anghang, maaari itong samahan ng siling Tagalog (yung mahabang kulay green). Just drop it in the mix at the final step.

consistency should look like this

Enjoy!


0 Comments

Post a Comment

Copyright © 2009 Ang Blog na OK All rights reserved. Theme by Laptop Geek. | Bloggerized by FalconHive.