0
comments

[OK na Food Trip] Tim Ho Wan

Posted by Obi Macapuno on 4/07/2015
Pasakalye:
Much as it is very much hyped up and with tons of customers eagerly lining up, we reserved the itch to try it out immediately and patiently waited for the Glorietta branch kung saan mas malapit sa work namin. Hinintay muna namin pagsawaan ng mga tao, kumbaga. So one time na natyempuhan namin na walang pila, we finally got to dine in.

tim ho wan
 
Chicha:

  • Rice with Beef and Fried Egg
  • Vermicelli Roll with Pig's Liver
  • Dumpling Teochew Style
  • Baked Bun with BBQ Pork

Yung beef rice toppings ay disappointing. Ang lambot nung karne tapos ang tabang. Kailangan pa isawsaw sa condiments para magkalasa. Partida, sinasabawan pa nila yun ng parang special soy sauce on top of the egg pero bland pa din. Kaya nakakatawa kapag nakakabasa kami ng sambang samba sa putahe na ito. Nothing special here, moving on.

beef toppings

The vermicelli roll is so so. Tama lang yung nipis nung pambalot at yung texture nito. Hindi namin malasahan yung atay at hindi namin matukoy kung dahil sa konti ang laman o dahil wala lang talagang lasa ang pagkaka luto. In any case, masarap yung sauce na kasama. Gingery at manamis-namis ang lasa. Kaya pinaliguan namin ng maigi ng sauce yung mismong roll para sumarap. To sum up, mas masarap pa yung most vermicelli rolls na natikman namin sa Binondo.

vermicelli roll

Malasa yung teochew dumpling. Hindi kasing rich ng lasa ng paborito naming kuchay dumplings pero passable na ang sarap. May mani ito kaya nakakadagdag ng texture (malutong ang loob). Pero personally I hate nuts on it. Malambot yung pabalat at tama lang ang nipis. 

teochew dimsum

Yung baked pork bun ang star ng restaurant na ito and rightfully so. Manamis namis at napaka savory nung pork filling. Habang yung bun naman ay crumbly (with a bit of crunch) ang crust pero tender and fluffy sa loob. Perfect kainin habang mainit. Kung may hindi O.A. pilahan sa Tim Ho Wan, ito yun. Kakaiba ito sa mga bread roll at siopao na natikman namin (that is if it's even related to these type of food).

pork buns

Kaching:
Cost ranges for as low as P140 and tops at about P180 per food item. Sobrang mura na ito considering you are eating at a restaurant that has a star in the Michelin guide. 

Heck, mura na ito considering you are eating at a Glorietta restaurant. LOL. Parang kahit sa McDo lang aabot ng P140 ang isang meal eh.

O
Satsat:
Unang tanong palagi ng mga usisero ay kung sulit pumila ng mahaba at matagal para makakain dito. Kung kami ang tatanungin, hindi. Masarap ang pork buns and that's it. Yun lang ang babalikan namin dito (actually I just came back last week for a take away pork bun). At kahit sabihin namin na competitive ang presyo compared to less popular restaurants around the area, hindi kaya i-justify nun ang magutom at magsunog ng oras sa pila para lang sa kanilang pork bun.

K

Tulad namin, abangan na lang kung kelan walang pila. No rush. Hindi naman yan pabilisan ng pag check-in sa Facebook.

In fairness to them, mabilis naman ang turn around time ng customers at mabilis silang nakakapagpa-upo ng waiting patrons. Ayaw namin na pinagliligpitan agad kami ng kinainan namin na parang pinapaalis ka na. Pero ganun ata talaga sila magpaalis ng tapos nang kumain na kustomer.

pork filling

Magaling ang serbisyo dahil parang andaming staff. Napaghandaan nila ng husto ang dadagsang tao.

There's nothing much in the way of interior design and wisely so. Hole in the wall lang naman ito sa Hong Kong (kung saan ito sumikat) so veering too much from it and making this local franchise uber commercialized (if not yet) is, in our opinion, taking too much character out of the original place.

menu

Buod:
Okay kumain dito dahil mura pero sikat.

Rating:
4.5 out of 7




[obi.Jan.12]


0 Comments

Post a Comment

Copyright © 2009 Ang Blog na OK All rights reserved. Theme by Laptop Geek. | Bloggerized by FalconHive.