[OK na Food Trip] Little Quiapo
Posted by Obi Macapuno
on
7/23/2015
Unang Hirit:
Chicha:
Chechebureche:
In Short:
Recommendable ang resto na ito kapag may mga munting gathering o kaya naman kapag tinamad magluto sa bahay pero gusto pa din kumain ng lutong-bahay. Patok dito kumain.
Rating:
5 out of 7
[obi.June.21]
Last Father's Day is Pipay's second major lakwatsa since our last trip to Anvaya Cove. Our itinerary is to eat lunch somewhere in BF, attend mass, then visit the grandfolks in Pasay. Madalian lang kaming nag-isip kung anong restaurant ang susubukan dahil originally ang plano ni K ay mag Korean grill pero last minute ay hindi kami tumuloy. Baka kasi mag-topak si baby sa amoy ng usok, tapos yung Korean resto na iniisip namin puntahan ay hindi maganda ang reviews online.
Eventually, dito kami napadpad sa Little Quiapo (BF Homes). Araw araw kaming dumadaan dito at frankly, hindi interesting yung itsura nito sa labas. The entrace is nondescript and the facade looks more like an 80's residence. May mga naririnig naman na kaming ilang good things about this place (lalo na yung halo-halo na masarap daw) so we rather find out for ourselves.
Chicha:
- Tanigue Steak
- Chopsuey
- Sinigang na Baboy
- Tokwa't Baboy
- Pork Sisig
- Sorbetes
- Special Halo-Halo
tanigue steak |
Masarap yung gravy ng tanigue steak. Manamis-namis at nanunuot ang lasa sa isda. It's served on a sizzling plate (na hindi sizzling hot) at may hiwa ng isang malaking tipak ng puting sibuyas at konting steamed veggies on the side. Malaki ang serving ng isda. Pwede umabot hanggang sa pang tatlong tao.
chopsuey |
Typical ang lasa ng chopsuey (which is not bad) at tama lang ang dami ng servings. Nothing special about their rendition of this dish so moving on.
Hindi above average yung asim ng sinigang na baboy, which is what we prefer. This is not to say it's bad. Mas gusto lang namin yung medyo napapa-ngiwi kami sa asim. Mainit pa ang sabaw nung sinilbi sa amin. Andaming karne na sahog pero ang lalaki din ng parte na taba.
sinigang na baboy |
Seryoso yung tokwa't baboy na tokwa at karne ng baboy. Sa ibang resto kasi kapag sinabing tokwa't baboy, ang isisilbi nila ay "tokwa at taba ng baboy" o yung mas malupit na variant, yung "tokwa at kapiranggot na tapyas ng baboy". Dito sa Little Quiapo, talagang tokwa at malalaking hiwa ng karne ng baboy. Coupled with their special timpla ng manamis-namis na soy sauce, patok!
tokwa't baboy |
Masarap yung timpla ng pork sisig. Hindi nga lang crunchy yung mga sangkap. Pero at least hindi panay taba. Most sisig kasi ngayon ay ginagawang excuse ng mga restaurant para magamit nila yung mga excess na taba ng baboy.
pork sisig |
May libreng sorbetes (dirty ice cream) nung pumunta kami. Treat siguro nila dahil Father's Day. Naka-ilang balik kami dito.
Okay naman nga yung halo-halo nila. May isang malaking scoop ng ice cream at hindi nagtipid sa sangkap. Saktong pang tanggal umay sa mga kinain namin. Dalawa lang ang in-order namin dahil halos pang dalawang tao ang isang serving.
special halo-halo |
Damage:
Lahat ng order namin na yan ay P1500 lang. Mga nasa P250 to P280 ang average price per dish. Mura ito dahil halos lahat ng ulam nila ay maaaring pagsaluhan ng dalawa. Kahit yung halo-halo na P120 lang.
menu |
Chechebureche:
Ambilis nila mag refill ng unli iced tea at mabilis na nakaka-address sa pangangailangan ng mga kumakain. Partida sandamakmak ang customers nila ng araw na yun. Napaka coordinated ng mga galaw nila. Walang petiks kumilos.
Upon entrance, may abiso na agad sila na mag tatagal maisilbi ang mga pagkain dahil puno ang orders sa kitchen dahil madaming tao. Pero ambilis pa din dumating ng pagkain namin. Halos 15 minutes lang.
sorbetes |
Nag-order kami ng pancit palabok, isa sa mga specialty nila. Pero hindi dumating. Olats. Hindi na kami nag insist dahil andami din kasing tao at sa totoo lang, busog na busog na kami. Andami ng order namin para sa limang tao. Obvious naman sa amin na masarap nga siguro ang pancit nila dahil tuloy tuloy ang mga nagte-takeout at mga lumalabas na pancit for delivery.
Nostalgic ang lugar. Parang setup ng isang tipikal na 80's na bahay ang loob. Madilim nga lang. Sa totoo lang, 1950's pa daw sikat ang resto na ito. Ang unang branch na tinangkilik ng mga lolo naten ay nasa Espanya, Manila. Malapit sa UST.
father's day gift |
Madaming items sa menu. Kahit umulit siguro kami ng punta dito, madami pa din kaming ma-oorder nang hindi uulit sa mga nakain na namin dati.
May mga binebenta din silang pika-pika food items for take home. Consigned siguro. Nakabili nga kami ng guyabano extract para kay lolo at lola.
In Short:
Recommendable ang resto na ito kapag may mga munting gathering o kaya naman kapag tinamad magluto sa bahay pero gusto pa din kumain ng lutong-bahay. Patok dito kumain.
chow time |
Rating:
5 out of 7
[obi.June.21]
0
comments