0
comments

[OK na Food Trip] Big Daddy Jay's All-American BBQ

Posted by Obi Macapuno on 8/06/2015
Pasakalye:
Isang Linggo sa BF, pagkatapos ng pang-hapon na misa, naghanap kami ng makakainan along Aguirre Avenue. Ang naisip ko, diretsuhin namin yung kalsada hanggang makarating sa kanto ng President's Avenue. Kapag wala kaming nakitang interesting na makakainan along the way, doon kami kakain sa Tropical Hut sa dulo ng President's.

Ang una naming nadaanan na promising ay yung Balai Ilocos. Kaso nadala na kami sa restaurant na medyo madilim ang ambiance dahil last time na kumain kami sa Little Quiapo, nag topak si Pipay at iyak ng iyak. So dumiretso pa kami ulit hanggang sa makita na namin itong Big Daddy Jay's.

Let's go!

picnic

Foods:

  • Original Smoked Ribs (Full Rack)
  • Honey Mustard Chicken Wings (12 piece)
  • Chicken Pineapple Macaroni Salad
  • Buttered Rice
  • Rootbeer Float

No holds barred. Full rack please! At hindi kami nagkamali. They got the smokiest, most tender, and juiciest ribs na natikman namin so far (upscale restaurants included). Sa unang tingin, mukang sunog at tutong yung balat nung karne. Pero kung babasahin yung isa sa mga naka paskil na instructionals sa dingding nung lugar, hindi ito "sunog" per se. Ito ay nangitim dahil sa secret ingredient na pinahid sa karne at binabad ng isang araw bago inihaw. Ito yung nagkukulong ng flavor para manuot hanggang sa loob ng laman. Texan or American Southern style ng pag barbecue daw ang tawag dito.

full rack

Regardless of the technicalities, it took our attention pretty good at siguradong mauulit pa kami dito. Under the charred skin is a thin layer of fat. Marapatin na lang na tanggalin ito kung kelangan. Pero sobrang lasa nito isabay sa laman. The meat falls off easily at sobrang lambot nito nguyain. . The barbecue sauce is served separately. Tama lang ang pitik ng tamis nito, hindi katulad sa iba na natatabunan na yung lasa ng karne.

The chicken wings means business as well. It's crunchy fried outside and chewy soft inside. The sweet tang of honey mustard is just right. The wing pieces are average in size at kapag sinabi nilang 12 pieces, totoong labingdalawang pakpak ng manok. Hindi katulad sa iba na 6 na pirasong pakpak lang na hinati sa gitna para maging labingdalawa. LOL.

twelve piece

The macaroni salad is so so. Not the best we've had but serves its purpose as a side dish. We can pass on this next time. 

Sticky yung butter rice at may pagka oily. Medyo tenbits yung servings nito para sa isa. Sana yung isang order ng ribs or wings may kasama nang rice.

Panalo yung rootbeer float. Vanilla ice cream topped rootbeer. Matagal na din kaming hindi nakapag ganito kaya nakaka good vibes makatikim ulit!

rootbeer float

Damage:
Price is actually fair. The full slab is about P800 at kaya na ito pag saluhan ng limang gutom na customer o anim hanggang pito na casual diners. A solo plate of ribs is about P200 only. Sa kaledad ng ribs nila, sobrang mura neto.

Mura din yung chicken wings kumpara sa mga nag sulputang chicken wing restaurants ngayon. Ang anim na piraso ay P180. Pwede na!

smoked ribs

Hirit:
The place is small. I can imagine yung ingay at siksikan doon sa mga araw na puno sila. Buti na lang at halos walang customer nung pumunta kami (5PM in the afternoon). The place is well-lit which is number one requirement namin kapag kasama si baby.

Malinis at sapat lang ang disenyo ng lugar. Parang fastfood diner type. May mga words sa walls about barbecue. Gusto namin yung picnic tables na parang kumakain lang sa bakuran ang datingan. Retro ang mga kitchen utensils tulad nung plato at Mason jars. Yung slab ng ribs ay sa kahoy na chopping board nakalagay.

counter

Sobrang accommodating ng mga staff (siguro dahil konti pa ang customers?). Mabilis naisilbi ang mga pagkain at mainit pa ang mga ito. Sobrang konti ng items sa menu dahil prinarily ang mabibili lang sa kanila ay pork ribs o chicken wings. The rest looks negligible and not their specialty. 

Bonus na 70's yung pinapatugtog nilang music. Naaliw si Mami.

Bonus na may gelato place sa tabi nila so pwedeng dun mag dessert after ng isang masarap na meal.

wall prints
 
Hirit Pa More:
Easily the best ribs we've had kaya makakasama ito sa mga future cravings namin.

MUST TRY!

solb ako

Rating:
7 out of 7




[obi.Jul.26]


0 Comments

Post a Comment

Copyright © 2009 Ang Blog na OK All rights reserved. Theme by Laptop Geek. | Bloggerized by FalconHive.