0
comments

[OK na Food Trip] Point and Grill

Posted by Obi Macapuno on 6/11/2014
Pasakalye:
Huling araw na namin sa Baguio. Nakainan na namin ang mga dapat makainan pero gutom pa din kami. Sa kakahanap ng makakainan, napadpad kami sa restaurant na ito sa Session Road para mairaos lang ang hapunan. Di namin inaasahang panalo ang mga ulam.

Lakas tyamba!

with Team Core Unite

Pagkain:

  • Angus Burger Steak
  • Pork Liempo Meal
  • Pork BBQ Sticks
  • Chicken BBQ
  • Pinapaitan
  • Sinigang Pork
  • Chicken BBQ
  • Mango Float

mainit na sabaw

Masarap yung mga sabaw meals dahil mainit na mainit na isinisilbi kaya patok sa klima. Kainin ng mabilis bago lumamig! 

May mga kambing meals sila tulad ng pinapaitan. Hindi ko nalasahan yung distinctive "panghi" ng lasa ng kambing. Sabi ng lolo ko, kapag ganun daw ay maganda ang pagkaka-luto.

meee-eeeh! meee-eeeh!

Tama ang ihaw sa liempo at chicken barbecue. Walang mapula-pulang partes na ang ibig sabihin ay hilaw pa. Tatlong piraso ang pork barbecue na malalaki ang hiwa. Lahat may side dish pang mini-patatas.

liempo
pork barbecue

Yung Angus beef burger ang panalo! Lasang lasa ang pagka-beef, well-done grilled on a sizzling plate with side gulay. Sa ibang ulam na sinubukan namin, sakto lang ang size ng servings ng mga karne pero itong Angus beef, isang malaking tipak ng ground na karne. Hirap na hirap ako sa pag-ubos. Sulit! Ang olats lang, yun pa ang hindi ko nalitratuhan.

Special mention na hindi sila madamot sa kanin, hindi katulad ng karamihan ng carinderia dito sa Manila.

Walang masyadong special sa inorder nila Owel na panghimagas (mango float). Graham crackers na may mangga. Matamis naman. Okay nang pang tanggal umay.

chicken barbecue

Presyo:
Sobrang mura! I think price is not even an issue when it comes to similar eateries around Baguio.

Combo meals are only P99 at malaki na ang servings nito. Kung gustong gumapang sa kabusugan, you can go for the more premium meals which starts at P150 to P180. Pang sharing na ang size ng mga ganun.

ituro mo... iihaw ko

Pa-eklat:
Mabilis ang labas ng pagkain kahit madaming kustomer. Palangiti ang mga staff at madaling tawagin ang pansin. Hindi sila nalito sa order namin kahit madami kami at makukulit.

Sandamakmak ang pagpipiliang putahe sa menu. Kaya namin kumain dito once a day at makaka-isang buwan kami na hindi umuulit ng ulam.

eto lahat ng ulam *

Na-elibs kami dahil may sikretong lagusan sila (makalampas ng kusina) na pag tagos ay may isa pa ulit na dining area na overlooking at mas hindi maingay (dahil yung harapan nila ay nasa tabing kalsada ng Session Road). Yung itsura nung kainan sa harapan ay napaka simple. Typical na middle class na resto. Plain tables and plastic chairs. May neon light signage pa na patay-sindi. Kaya hindi aakalain na may mas matinong makakainan sa looban, with wooden fixtures and a sense of ambiance.

Pahabol:
Kasama na ito sa "must-eat-here when in Baguio" list namin. Besides, matagal tagal pa ang bubunuin namin para matikman lahat ng putahe sa menu nila.

Rating:
7 out of 7



 

[obi.May.10]

* photo stolen from the page of this guy


0 Comments

Post a Comment

Copyright © 2009 Ang Blog na OK All rights reserved. Theme by Laptop Geek. | Bloggerized by FalconHive.