[OK na Food Trip] Kagura
Posted by Obi Macapuno
on
8/05/2014
Pasakalye:
Kat and her college friends tried the archery range at the Makati Cinema Square and come dinner, we opted to eat in this okonomiyaki place on the neighboring Little Tokyo.
Okonomiyaki is a Japanese pancake. Its content varies pero dito malamang galing yung ating "okoy". Hula ko lang. Wag masyadong magpapaniwala saken. Magaling akong mag-imbento.
Chicha:
- Okonomiyaki with Noodles (Modern Mix)
- Ika Butter-yaki (Squid with Butter)
- Takoyaki (from "Hana")
Yung binili namin na okonomiyaki (modern mix) ay gawa sa layer ng pancake batter na may layer ng halo-halong grilled pork, squid, fried egg, at shrimp. Sa taas ng layer na ito ay may layer pa ng yakisoba noodles, at sa taas ng layer nun ay may layer pa ng toppings na gawa sa halo-halong special okonomiyaki sauce, Japanese mayo, at chopped seaweeds.
Layers upon layers ng halo-halong ingredients. Ang end result, attack of the palate. Contrasting yung lasa sa bibig, in a good way. Nagustuhan namin ni Kat. Ang hirap lang ubusin dahil ang laki ng isang serving. Ang bigat sa tiyan! Tingin ko up to 4 conservative kumain na tao ang kaya nito busugin. Yung okonomiyaki sauce ang nangunguna-nguna sa mga lasa. Manamis-namis. Hindi ko alam kung saan gawa yun.
Ika butter-yaki is squid stir-fried in butter. Ambango nito nung bagong luto. A bit on the chewy side. Nalalasahan naman yung butter.
The takoyaki is from a neighbor resto. Pero pwede magpa-order through them. Hindi ako mahilig sa takoyaki but I liked this one, so it says a lot. Ayaw ko kasi ng malansa na after-taste. Itong takoyaki na ito, wala nun. Swabe hits.
takoyaki |

mmm mmm mmm! |
Kaching:
Okonomiyaki goes for P230 to P380. Mura ito dahil kaya nga magpakain ng hanggang apat na tao.
Other ala carte orders goes for about P200 on average. Pwede pwede na. Pero para sa amin, stick with okonomiyaki.
Also, watch out for the tax. Exclusive pa yung tax sa menu.
May bayad din yung take out box na sampung piso.
kagura |
Etcetera:
Maliit lang yung loob ng lugar, na nahahati sa dalawang sections:
Meron din ata silang al fresco dining pero at the most dalawang lamesa lang siguro yun.
Nakakalito yung menu dahil parang pare-pareho lang yung okonomiyaki offerings nila. May mga subtle differences pala yun sa laman (e.g. merong may noodles, merong halo-halo ang lahok, merong isa lang ang sahog). Nagkagulo kami ng konti sa mga orders namin dahil dito. So mas mainam magtanong about it bago mag-order.
Ang daming dekorasyon about the Hanshin Tigers (baseball team ng Japan). Nakakatuwa yung iba. Pinaglaruan ko yung isang clapper na may tatak ng Tigers (dalawang plastik na kamay na pumapalakpak kapag inaalog).
Buod:
Stick with their specialty.
Madaming pang pwedeng mabili na iba but frankly, nothing looks interesting enough to try.
Thanks Beni for the other photos!
Rating:
5 out of 7
[obi.May]
- Yung teppan area... ito yung "bar" ng resto, kung saan nandun na din yung teppan na pinaglulutuan ng mga cook. Mapapanood sila magluto. Mangangamoy ka dito.
- Tsaka yung tatami area. Andito yung mga tatami tables (traditional Japanese dining fixtures). Tatlong set lang. Pero may privacy naman kasi may mga divisions in-between.
teppan area |
Meron din ata silang al fresco dining pero at the most dalawang lamesa lang siguro yun.
Nakakalito yung menu dahil parang pare-pareho lang yung okonomiyaki offerings nila. May mga subtle differences pala yun sa laman (e.g. merong may noodles, merong halo-halo ang lahok, merong isa lang ang sahog). Nagkagulo kami ng konti sa mga orders namin dahil dito. So mas mainam magtanong about it bago mag-order.
a tatami table |
Ang daming dekorasyon about the Hanshin Tigers (baseball team ng Japan). Nakakatuwa yung iba. Pinaglaruan ko yung isang clapper na may tatak ng Tigers (dalawang plastik na kamay na pumapalakpak kapag inaalog).
ambiance |
Buod:
Stick with their specialty.
Madaming pang pwedeng mabili na iba but frankly, nothing looks interesting enough to try.
Thanks Beni for the other photos!
Rating:
5 out of 7
[obi.May]
0
comments