0
comments

[OK na Food Trip] Swiss Deli Restaurant

Posted by Obi Macapuno on 7/31/2014
Swiss Deli at night

Initial Blurbs:
We've been hearing a lot about this place in BF. Malapit lang siya sa binababaan namin ng shuttle from Makati. So one night na kaya naming magtiis ng gutom from Makati to Sucat, we tried to have dinner there.

On the Plate:

  • Mediterranean Pasta Salad
  • Mixed Grill with Spatzle
  • Hot Chocolate

The pasta salad have tuna chunks, olives, cucumbers, tomatoes, onions, and radish on Italian dressing. Ang sarap ng timpla sa asim nung vinaigrette. Bagay sa halo-halong lasa nung mga sahog. Naglalaban laban yung mga lasa sa bibig. Hindi pa tipid sa sauce. Lumulutang. Tingin ko may olive oil pa ito pero hindi ako sure. Tuna quality is good. Hindi galing lata (I guess). Pasta is al dente and gives a good additional texture to the flavorful mix.

pasta salad

Mixed grill naman ang tawag nila sa platter ng various grilled meat: BACON, bratwurst, pork fillet, chicken fillet, and beef fillet. Naliligo ito sa gravy at served with a choice of either rice, mashed potato, fries, or spatzle. Spatzle ang pinili namin. Swiss egg noodle ito na madalas cut into small pieces. May konti ding gulay na palamuti sa gilid.

grilled meat!

Crunchy yung bacon! Then everything else is cooked ala medium-well. Gravy is so so. Frankly, we rather ordered the sausage platter na lang sana. Okay na complement yung spatzle but don't expect flavor. Parang kanin lang ito na supporting cast ng mga karne.

The chocolate drink is reminiscent of Sustagen na mas matamis ng kaunti. 

slurp

Out of the Pocket:
Ala carte food items range from P180 to P300. Prime meat goes for around P700.

In short, may kamahalan. Medyo justified naman dahil quality yung mga karne dito at bihira ang ganitong offerings around the area. Okay din naman yung pagkain.

menu

What About:
Sa sausage or meat trip, patok ang Swiss Deli. Based sa mga kinain namin, dapat pa kaming bumalik some other time to try the other offerings. Ang dami pang nasa menu na interesting!

Pwede din bumili ng sausage (packed and uncooked ones) and cheese for take-home. Ang daming pagpipilian.

lotsa cheese

Place is generally good. I think fail yung attempt na magkaron ng Swiss-feel sa lugar. It did not help na merong isang staff na naka German maid attire. It's really a bit disturbing. That aside, they are very attentive to customer needs and very accommodating. The place looks well-kept and relaxed ang atmosphere.

Ang dami ko din nakikitang artista sa Instagram na kumakain dito.

ambiance

Last Bits:
We should dine here again sometime.

Rating:
5 out of 7



[obi.June.4]


0 Comments

Post a Comment

Copyright © 2009 Ang Blog na OK All rights reserved. Theme by Laptop Geek. | Bloggerized by FalconHive.