0
comments

[OK na Food Trip] Outbox

Posted by Obi Macapuno on 7/11/2014
Pasakalye:
Kapag gusto namin ng quick affordable chow, bukod sa Sinangag Express, dito kami kumakain (o nagpapa-deliver). It's along Aguirre Ave near El Grande Street sa BF Homes. Instant food para sa gutom na kelangan ng immediate attention!

Outbox - Takeout in a Box

Chow Time:

  • Crispy Garlic Chicken
  • Beefy Nachos
  • Cheesy Beef
  • Beef with Mushroom
  • Bimbi Rice
  • Pan Fried Liempo
 
Beef with Mushroom

Crispy Garlic Chicken

Bimbi Rice

Beefy Nacho

Personal favorite ko yung Bimbi Rice. Ayoko lang ng pangalan. Para siyang Korean bibimbap. Beef strips with teriyaki sauce na may fried egg on top at sesame seeds.

Crispy Garlic Chicken naman ang paborito ni Kat. Chicken fried and breaded in garlic with gravy.

Fan din kami ng Beefy Nacho dahil hindi sila nagisinungaling when they say "beefy". Sobrang dami ng ground beef. Hindi sila madamot sa toppings.

Presyuhan Time:
Price range is at P70 to P80.

Para sa cheap price na ito sobrang sulit ng pagkain nila in terms of amount of servings at quality ng luto.

Ang delivery nila ay minimum of three orders at libre na para sa aming mga taga tabi-tabi lang.

ngiting gusto pa kumain

Iba Pang Satsat:
Disente ang itsura ng lugar nila. Umi-interior design kahit fastfood. Shabby chic pa ang disenyo.

Mabilis lumabas ang order (saglit lang ang waiting time).

Mabait yung nasa counter na mukang owner or manager. Mabait ang mga staff.

Nakakalito lang yung ibang pangalan ng food (e.g. Cao Cao, Bimbi, Sumo). Mahirap malaman kung ano ibig sabihin nun. Pero madami namang pictures sa dingding kung ano ano yung mga yun. Tapos pwede ding mag tanong sa mga staff. Willing naman sila sumagot.

Buod:
Patok na pamatid ng biglaang gutom.

view from Aguirre Ave

Rating:
6 out of 7




[obi.Feb.14]


0 Comments

Post a Comment

Copyright © 2009 Ang Blog na OK All rights reserved. Theme by Laptop Geek. | Bloggerized by FalconHive.