0
comments

[OK na Food Trip] Ya Kun Kaya Toast

Posted by Obi Macapuno on 1/20/2015
Paunang Hirit:
Binisita namin ni K yung unit sa SM Jazz at madami dami na din palang restaurant sa hallway sa baba (hindi pa bukas ang Vikings that time but I heard open na daw ngayon). Halos lahat nga lang medyo pricey at iilan lang ang medyo tolerable options for a quick passable meal.

uniquely Singapore
Ang Niyari:

  • Beef and Onion Toastwich
  • Braised Pork Belly Super Value Meal (w/ iced tea, soup, and coffee jelly)

toastwich

Jampacked sa toppings yung toastwich. May keso, sibuyas, lettuce, at roasted beef strips. Masarap yung combination ng roast beef at onion mix. May suspetya kami na may timpla yung onion na hindi lang namin ma-pinpoint kung ano pero malasa. Eksakto yung pagka toast ng tinapay. Matigas yung labas pero nagka-crumble sa lambot pag kinagat. Mabigat ito sa tiyan.

braised pork

Value meal set yung braised pork belly. Ang marketing nila ay pang dalawang tao yung set pero sa tingin namin pang isang tao lang siya na gutom na gutom. Mas lasa itong adobo kesa braised pork. Think adobo na medyo thick ang sauce at may boiled egg at carrots. Ganun na. Sobrang tender ng pork at although madami naman ang servings, malalaki din yung parts ng taba.

kape jelly

Yung soup ay parang Knorr na may mushroom bits. Still better than with most fast food fare na parang nilagang tubig na nilubluban lang ng bouillon cubes. Yung coffee jelly ay literally kape na sinama sa gelatin so forget it.

kopi maker

Ang Damage:
Sandwiches are around P140 while the rice meals cost about P170.

Mura at disente na ito kumpara sa mga ibang restaurant sa paligid na talagang mahal.

menu

Ibang Satsat:
Sa Singapore galing ang franchise na ito at unti unti nang dumadami dito sa Metro Manila. Yung mga items sa menu nila ay hindi nalalayo sa karamihan ng mga Kaya Toast places dito. Nothing that immediately stands out as unique to them. So expect kaya toast (duh), toast sandwiches, and rice toppings.

value meal

Maliit lang yung lugar pero cozy at malinis. May effort sa pag interior design. In fact, nakaka-aliw yung mga retro decorations sa dingding.

Sa ngayon, eto ang pinaka matinong makakainan ng mura sa SM Jazz, excluding the standup food kiosks inside the grocery. In the odd chance na tumira na kami sa unit, malamang mas mapapadalas pa ang kain namin dito.

they got the sock!

may take out pa!

Ratings:
5 out of 7




[obi.Nov.15]


0 Comments

Post a Comment

Copyright © 2009 Ang Blog na OK All rights reserved. Theme by Laptop Geek. | Bloggerized by FalconHive.