0
comments

[OK sa Kusina] Honey Mustard Seafood Antipasto

Posted by Obi Macapuno on 1/28/2015
Backstory
Nung healthy living pa ako XX years ago (hindi pa kami magkakilala ni Misis K), natikman ko ang salad na ito sa isang salad kiosk. Nagustuhan ko ng sobra kaya sinubukan kong gayahin and surprisingly swak naman ang pagkakagaya ko. 

honey mustard dressing with seafood bits

Fast forward to today. Madalas ko na etong ginagawa lalo na kapag may mga special na okayson. Simple kasi tsaka madali lang. The last time I prepared one was for my office mates a couple of weeks ago. This time, tinulungan na ako ni K kaya mas masaya gawin.

Let us share how we did it para na din sa mga ilang nagtatanong kung paano. Enjoy!

* * * * *

Ingredients

main ingredients
  • 2 1/2 tablespoon real mayonnaise
  • 2 tablespoon honey
  • 2 tablespoon prepared mustard
  • 1/2 tablespoon cane vinegar
  • 1 small can of mushrooms (stems and pieces)
  • quail eggs *
  • crab sticks *
  • fish cakes *
  • shrimp rolls *
  • salad greens

* The quantity of which is as how much you want the ingredient or how much the dressing can accommodate. Ayaw naman nating panay sahog na at naging supporting cast na lang ang dressing.

Directions

Honey Mustard Dressing

everything in!

  1. Mix the mayo, mustard, honey, and cane vinegar in a bowl. Haluin ng maigi hanggang maging malabnaw na creamy ang consistency ng dressing.
  2. Have a taste. Dapat tamis-asim ang lasa nito na medyo mas nangingibabaw ang tamis. Kung hindi, adjust as necessary.
      
          a. Kapag malabnaw - Dagdagan pa ng isang kutsarang mayonnaise.
          b. Kapag masyadong maasim - Dagdagan ng dalawang kutsarang honey.
          c. Kapag kulang ng kagat yung asim - Dagdagan ng kalahating kutsarang suka.
          
3. Kapag oks na yung lasa, set aside (pwede din i-refrigerate muna).

consistency looks like this

Seafood Toppings
  1. Chop the shrimp rolls and crab sticks. Slice the fish cakes into smaller cubes. 
  2. Boil everything together with the mushrooms.
  3. Tapos pakuluan yung quail eggs separately. Balatan pagkatapos (doh!).
  4. Once done, chuck everything on the honey mustard dressing. Tapos haluin ng konti. 
  5. Slather on top of salad greens then yun na. Kainan na!

seafood bits
chopped and ready
stems and pieces
boil everything
tada!

Hopefully Helpful Tips:
* Mas madalas mabili sa grocery yung prepared mustard. Ito yung mga regular mustards na nakikita nyong hindi pinapansin sa mga hotdog stands. Pero kung wala nito (which is mostly the case), pwede din yung mga dijon mustard na available lang sa mga konyo grocery. May kamahalan.

big help from the Misis!

* Ang cane vinegar ay yung tinatawag nilang sukang pula. Actually, hindi ito pula. Idiomatic expression lang yun. Ang kulay nito ay parang tubig na nilubloban ng kalawang. Ganun.

* You can opt not to limit yourself on the seafood ingredients that I listed above. In the past, madami na akong ginamit na ibang sahog. Madalas galing sa mga ingredients na pang shabu-shabu. Madami niyan sa grocery. Pwedeng squid balls, fish balls, kikiam, scallops, o tahong. Optional din maglagay ng pearl onions. Kung wala, kahit yung chopped onions pwede na din. Wag lang damihan para hindi Jabar ang hininga pagkatapos kumain.

whip it good!
 
Babala
Isulat sa kapirasong papel ang pangalan bago kumain nito. May tendency na makalimot ng pangalan ang mga kumakain nito dahil sa sobrang sarap!

our apprentice, Chef Eww




0 Comments

Post a Comment

Copyright © 2009 Ang Blog na OK All rights reserved. Theme by Laptop Geek. | Bloggerized by FalconHive.