0
comments

[OK na Food Trip] Ginza Bairin

Posted by Obi Macapuno on 5/02/2014
Unang Hirit:
Nakikita na namin ito dati, malapit sa CBTL (konyo-code ng Coffee Bean and Tea Leaf) ng G2 (jeje-code ng Glorietta 2), during the time we are doing DIY crafts for our wedding.

Akala ko it's just another ordinary Japanese resto. Yun pala, ganun nga. Kaya minsang nainggit kami sa ritrato ng isang kaibigang kumain dito, gumaya na din kami.

entrance is entrancing

Ang Nasa Plato:
  • Rosu Katsu Set
  • Katsudon Set

Lahat ng set meals ay may kasamang Japanese rice, shredded repolyo, pickled something (atchara), miso soup, at seasonal fruit. Unli rice at repolyo. 

Parang may halong local grain yung kanin kasi hindi lahat bansot (short-grain). Matamis naman yung pakwan kaso anliit ng hiwa. Di ko type yung miso soup (as expected from me) pero si Kat nasarapan (so it must be good). Nothing special sa repolyo at atchara, pero yun ang pinapak ko (less calorie na alternative sa kanin). Ang sarap kapag binudburan ng sesame sauce. Manamis-namis.

katsudon set

Nalalakihan ako sa granules ng breading ng rosu katsu (pork loin). Ang nagustuhan namin sa breading ay yung pagka-crunchy neto, pero sana hindi masyadong makapal yung budbod. Nalalakihan din ako sa layer ng taba nung slice na napunta sa amin. Maganda ang pagkaka-prito. Juicy. Gusto ko din na hindi gaanong masebo.

condiments

Ang nagustuhan namin sa katsudon ay yung luto sa itlog. Saktong sakto. Yung mala-uhog yung pula sa gitna. Perfect pang sabaw sa kanin. Which is tama lang dahil hindi ko naramdaman yung lasa ng katsudon sauce. Medyo matabang.

pork loin

Ang Lagay ng Pitaka:
Around P300 - P500 ang budget. Hindi nalalayo sa competitor *ubo* *yabu* *ubo*.

So again, burn moolah if you got spare. Pero hindi pwedeng dito regular na kumain kung wala ka sa larangan ng politika.

obi, kamikaze-ing his food

Ang Iba Pang Satsat:
Ambiance is awesome. Parang zen type ang interiors pero modern ang atake. It can get really noisy though kapag peak hours, with the way the tables are set up. Medyo magkaka-dikit na eh.

Laging mukang busy ang mga crew. Hindi sila nauubusan ng ginagawa. So medyo mahirap tumawag ng pansin. Walang may gusto makipag eye contact. LOL.

kat, digs in

The menu is straightforward. Aside from some Japanese jargons (na itanong na lang kasi sa waiter kung ano... oks lang yun, peksman!), madali na intindihin yung karamihan ng mga food items. Nakaka-aliw din basahin yung mga excerpts.

visual menu
useful instructions
entertaining excerpts

Huling Hirit:
Mas okay kami sa Yabu. Hihi.

Rating:
4 out of 7



[obi . March]


0 Comments

Post a Comment

Copyright © 2009 Ang Blog na OK All rights reserved. Theme by Laptop Geek. | Bloggerized by FalconHive.