0
comments

[2011 Throwback] New Bombay

Posted by Obi Macapuno on 3/31/2015
[updated]

The Project 12x2-1 Page


To my mind, the life of a lamb is no less precious than that of a human being.
- Mahatma Gandhi

To end our project, it is with great prejudice that we have to save the best for last.

Ang Intro:
Naging instant peborit namin ang New Bombay since naging couple kami. I introduced K to the place pagkatapos niyang sabihin na mahilig sya sa spicy foods and although there were some negative first impressions, the quality of food immediately changed everything of what she initially thought. Naging regular customer kami instantly... as in twice to thrice a month regular.

new menu

Our branch-of-choice is the one in Glorietta 3. It's facing the park right in front of the 6750 Building, a few steps to the left after going out of the Glorietta 3 exit. This is the same side where Subway, A Venetto, Max's, and Kamayan are.

Obviously, authentic Indian cuisine ang offering nila. Not necessarily spicy dahil may option namang lutuin ng either spicy, medium, or mild ang lahat ng ulam. Syempre, kami ay palaging spicy!

preview ng makakain

Ang Chicha:

appetizer..
  • chicken samosa
  • masala fry pappadum

sabaw (shorba)..
  • chicken
  • mutton

ihaw (tandoori)..
  • mutton sheek kebab
  • tandoor prawns
  • chicken garlic kebab
  • malai murg tikka

kofta (rolls)..
  • mutton
  • chicken
  • malai

mutton (lamb)..
  • mutton rogan josh
  • tawa keema mutton
  • mutton dupia

chicken..
  • chicken tikka masala
  • murg tikka resmi

seafood..
shrimp curry

naan (bread)..
  • cheese capsicum
  • peshwari
  • butter

biryani (kanin)..
  • hydrabhadi mutton
  • chicken
  • mutton
  • shrimp

dessert..
  • gulabjamun
  • kulfe ice cream

drinks..
lassi

papapadum with coriander and tamarind dip

** Appetizer
Chicken samosa ay empanada na Indian spices ang laman. Masarap itong sinasawsaw sa coriander at sampalok dip. Ang pappadum naman ay parang crackers na spicy ang lasa. Lentil wafer ito sa English. Isipin mo isang pabilog na taco-like bread na madaming spices at pinirito. Ganun. Same dip ang gamit dito with the chicken samosa and you will need the dip dahil medyo mapakla ito by itself.

** Sabaw
Shorba ang tawag nila sa soup, as chorva ang tawag ko kay K. Medyo pricey ito pag nakita mo gano kaliit yung servings PERO aaang sarap naman sobra! As in, aaaaaang sarap (ganyan kadaming 'a' sa sobrang sarap). It comes in mutton or chicken sahog but it doesn't matter really dahil yung sabaw lang nito ang hinahabol-habol namin.

mutton boti tikka

prawn tandoori

malai murg tikka

** Ihaw
A tandoor is a clay oven at ang tandoori ay kung ano mang lutuin gamit ang isang tandoor. New Bombay offers a lot of tandoor-roasted food or tandoori. Eto yung pinaka-safe orderin kung medyo hindi adventurous yung tiyan ng kakain with the more exotic recipes. Try the chicken variants, boneless at sakto ang pagkaka-ihaw. Consistently hindi nagkaka-sobrang sunog na part. Chicken garlic kebab tastes good in particular. Binudburan ng garlic powder.

mutton kofta

chicken kofta (not in menu)

** Kofta
Kofta ang Indian term for dishes of rolled meat of any kind. Yung mga kofta ng New Bombay ay naka-sahog sa curry sauce na kasing thick din ng sauce ng most dishes nila. Yung malai kofta ay veggies rolled in mashed potato and marinated in malai cream (research nyo na lang kung ano 'to). Hindi na namin inulit orderin ito after the first time dahil mas masarap pa din yung meat variants (mutton, shrimp, or chicken). Yung chicken kofta ay wala sa menu at depende sa pagkakataon kung meron o wala so tinatanong muna namin sa waiter.

tawa kheema mutton

mutton dupia

tawa gosht

** Mutton
Karne ito ng lamb. Sari-sari ang dishes nila made from this. Rogan josh yung isa sa mga specialty. Mutton in a really thick red curry sauce na napaka flavorful ng spices. Can't go wrong sa order na ito. Tawa kheema mutton naman yung ground mutton na nasa curry sauce din pero medyo mas malabnaw at sadyang konti lang (semi dry effect). Mutton dupia ay mutton na parang niluto sa spaghetti meat sauce (only spicy) na lasang lasa yung garlic.

chicken tikka masala

murg tikka resmi

** Chicken
Chicken tikka masala yung safest orderin at specialty ito sa kanila. Boneless chicken cooked in tandoor ang gamit nilang sahog and cooked in masala cream sauce. May cheese melt pa sa taas ang presentation.

shrimp curry

** Seafood
Panay shrimp ang sinusubukan namin dito although may mga fish curry din sila. Ang panalo lang sa servings nila ay hindi sila nag titipid sa sahog na hipon. Andami.

peshwari naan

cheese capsicum naan

** Naan
Eto yung Indian version ng roti. Tandoor-baked ito at leavened (o may pampa-alsa). Peshwari yung mas sikat na variant. May iba't ibang mixture ng milk, nuts, cheese at spices. Masarap itong sinasawsaw sa curry (usually, pang-said ng mga tira-tirang sauce sa paligid ng plato).

mutton hydrabad rice

** Biryani
Paella is to Spain as biryani is to India as sinangag na kanin is to Pinas. Gets? Isa sa mga popular options ang hyderabadi biryani na basically biryani (na long-grain rice) topped with mutton. Eto usually yung nagpapa-anghang ng buong meal namin kapag "spicy" option ang pinipili namin (which is most of the time).

** Dessert
Gulabjamun is a must try! Bread balls ito made generally of milk tapos deep fried at pinapaliguan ng sugar syrup pagkatapos. Win! Kulfi is Indian ice cream. Sabi nila mas creamy ang ice cream na ito than our loca sorbetes. Para sa amin, mas milky nga ang lasa.

buko pandan lassi

** Lassi
Yogurt (can be flavored) and blended with water and sweetened ingredients. Di ko trip ito pero si K, sarap na sarap. Lalo na yung buko pandan flavor. Usual order niya ito.

Ang Chechebureche:
We can remember the first time na pinuntahan namin ito dahil mahilig siya sa maanghang na pagkain. Parang nasa loob daw si K ng Encyclopedia. LOL. The ambiance is as Indian as it can get lalo na kapag may random Indian customers at andun yung cheerful nilang Indian manager na ang galing mag Tagalog.

Side Note: He's got a name now - si Mehir (salamat kay Dave).

aum sweet aum!

Para sa amin, they caught the right spice we wanted on our food kaya kami naging regular. Pero syempre kapag may mga sinasama kaming tropa, medium to mild lang ang ipinapa-luto namin para ma-appreciate nila na usual spices lang.

Sa sobrang dami ng options sa pagkain, hindi nakakasawang bumalik and try out each of it.

Okay ang serbisyo ng crew, attentive at mga naka-ngiti palagi. Yung mga more senior staff ay napag-tatanungan ng kung ano-ano about the dishes sa menu. We recommend sticking with the house staples though: yung mutton rogan josh, chicken tikka masala, and the tandoori dishes. Patok na yung mga yun, subok na.

tantric dinner

Kung hindi mahilig sa maanghang, try it light lang. Kung medyo hindi matibay yung tiyan sa mga creamy at milky sauce, mag tandoori dishes na muna or yung mga naan variants.

Talk with the manager. He usually goes around and talk with the customers and is more than willing to entertain your comments about the place. Really nice guy and accomodating.

The Damage:
Price range is at P220 to P260.

Actually, inabutan pa namin na mas mura ito ng bahagya (grabe, tatlong taon na din pala kaming suki dito). In any case, it's a fair price given authentic Indian yung food at ang isang dish can serve up to two. Mas madami ang kakain mas sulit dahil mas bababa ang pag-hahatian at mas dadami ang masusubukang dishes.

part of the improved menu


Update: Fast forward to 2015, nasa P250 na ang starting price ng dishes nila. Mura pa din ito given the quality of food at dami ng servings.

Hindi na kami kasing dalas ng dati pumunta dito pero kapag nakakaluwag-luwag or biglang may cravings, dumadaan pa din kami for dinner. Madaming beses na din kaming bumalik dito para magdala ng barkada. Isa ito sa mga top options namin kapag may mga barkada dining.

Ang Hatol:
New Bombay (especially this branch) will always have a place in our hearts dahil ito ang takbuhan namin kapag stress kami sa trabaho or kung kelangan namin ng comfort food. Sounds weird to have spicy dishes for comfort but it works for us!

Food is mostly for sharing so sulit kapag may mga kasama.

Rating:
7 out of 7



Back to the Project 12x2-1 Page


0
comments

[2011 Throwback] A Veneto Napoli Pizzeria Ristorante

Posted by Obi Macapuno on 3/30/2015
[updated]

The Project 12x2-1 Page


You better cut the pizza in four pieces because I'm not hungry enough to eat six.
- Yogi Berra

Naging benchmark na namin ang lugar na ito when it comes to pasta and pizza that sadly majority ng ibang "pizza and pasta" places na nakainan namin either pales in comparison or not as cheap.

Ang Pambungad:
May mga araw na sadyang di namin trip kumain ng kanin for a meal. Times like this, chief option namin ang mag pasta.

Ang madalas namin puntahan (dahil malapit) na branch ay yung sa Glorietta 3. It's facing the park right in front of the 6750 building, a few steps to the left after going out of the Glorietta 3 exit. This is the same side where Subway, New Bombay, Max's, and Kamayan are.

Dahil along the way ng ruta namin pauwi, we usually go there sa gabi. Yun nga lang, they're pretty jam packed kapag payday weekday. Maliit pa naman yung waiting area nila (pero may couch) so minsan umaapaw hanggang labas yung mga nag hihintay.

Ang Chicha:
  • chicken wings
  • buffalo wings
  • Hungarian sausage parmigiana
  • meatball parmigiana
  • baked ziti with meatballs
  • lasagna
  • bacon burger pizza
  • all meat pizza
  • sausage and pepper calzone

buffalo wings with onion sauce

Kapag walang buffalo wings, yung isang sweeter variant ng chicken wings ang ino-order namin. They're basically the same deep-fried breaded chicken wings (served four pieces). Ang pinagkaiba lang ay manamis-namis ang sauce nung regular chicken wings while yung buffalo wings ay spicy barbecue ang sauce (the usual buffalo). Ang patok sa amin about it ay malaki yung wing part ng manok na ginagamit kaya sulit sa presyo.

Special props sa onion sauce na kasama ng mga wings. Ansaraaap!

meatball parmigiana

Yung mga parmigiana nila ay gawa sa spaghetti noodles with tomato sauce and topped with melt Parmesan cheese. It's served with three slices of bread. Sobrang kamatis yung lasa ng tomato sauce to the point na may katabangan na ito. Yung parmesan ang nagbibigay ng lasa kaya binubudbudan namin ito ng madami. Ang madalas naming kainin na variant ay yung may sahog na Hungarian sausage (2 pieces) or meatballs (2 big lumps sliced in half). It's served hot in ceramic plates kaya napapanatiling mainit yung pasta ng mas matagal. For two to three persons ang isang order.

hungarian sausage parmigiana

Yung baked ziti nila ay similar in preparation with their parmigiana, except na ziti ang gamit na pasta. Doh. A ziti is a hollow cylindrical pasta with cut edges.

We always prefer thin crust pizza over sa thick crust and A Veneto did their thin crust just right. Hindi tutong at hindi rin naman sobrang lambot. Tama lang para suportahan sturdily yung sandamakmak nilang toppings at hindi ganun ka-filling para mabubusog sa crust lang (the reason we hate it thick). Ang top two namin orderin ay ang bacon burger at all meat. Gadaming budbod ng grated bacon at small burger rolls in tomato sauce yung bacon burger pizza. Ang all meat pizza naman ay halo-halong sangkap na karne. Meron kaming nakitang pepperoni, ham, bacon, mushroom, bell pepper, at keso. Can't go wrong.

punong-puno

Malaki yung serving nila ng calzone. Purse-shaped ang dough ng calzone na may pizza ingredients sa loob. Ang paborito namin sa A Veneto ay sausage and pepper. Aside from these ingredients, meron itong mozarella cheese, bell pepper, ham slices, at iba pang gulay gulay.

Ang Iba pang Satsat:
On most weekday nights, mas madalas na puno sila kesa makahanap agad ng mauupuan kaya nakaka-gutom mag-intay. So usually, kumakain lang kami dito pag nakita namin na medyo konti lang ang kustomers since along the way lang naman ito pauwi. May sistema naman sila sa mga patrons na naka waiting list.

uma-ambiance kahit pano

Merong attempts at a decent ambiance kahit kapag tumingala ay medyo turn off ang kisame (or the lack of it). Gusto namin yung malaking painting sa isang dingding ng mga construction workers na may mukha ng mga ilang sikat na Hollywood personalities. Aliw kami ni K sa pang huhula kung sino sino ang mga ito.

A Veneto should be nothing new from frequenters of Glorietta. It's one of the more affordable place na konyo-konyohan ang dating (e.g. mag-post sa Facebook status ng "eating at A Veneto... sent via iPhone 4s"), knowing that pretty much everyone is aware of the place's reputation in terms of good food, ambiance, and service. Halos 65% ng white-collar working population ng Makati had at some point dined here. Syempre, like any other self-serving articles, gawa gawa ko lang ang 65% na figure.

kitchen

Okay ang service ng crew at personally may paborito ako. Yung waiter na parang laging lasing magsalita. Kasi aliw, para lang laging galing sa toma. In any case, attentive naman silang lahat lalo na kung walang masyadong kustomers. Wala akong maalala sa ilang taon na din na pabalik-balik kami dito na nagkaron kami ng problema sa serbisyo.

May ayaw pala ako. Walang condiments on each table. Kelangan pang hingiin lahat. Pinakamahalaga yung parmesan cheese. Minsan sa isang platito lang nila sinisilbi instead dun sa typical na container neto na parang pambudbod ng paminta. So kapag kulang, hihingi na naman ng paulet ulet kaya nakakatamad.

the "construction workers" art behind us

Hindi sila matagal mag prepare ng pagkain. Considering they serve it hot and prepare it fresh, hindi mamumuti ang mata ng diners sa kaka-intay maluto ng inorder.

Kaching:
Price range is at P250 to P320.

Mura ito dahil kaya ng up to tatlong tao ang isang serving at sadyang quality ang pagkain. Malalaki ang servings nila na usually may pa-balot pa kami pauwi.

If there's any regret, it's that we can't order a lot dahil sobrang busog na kami sa isang order ng pasta. So bring more friends para mas makaraming ma-sampolan.

Update: Fast forward to 2015, halos hindi nagbago ang price range nila. On average, for two, laging around P400+ lang ang nagagastos namin mainly of a pasta plate at chicken wings. Madalas pa din kaming dumaan dito kapag pasta and/or pizza ang trip naming kainin.

Ang Hatol:
Compared sa ibang sikat ngunit mamahalin na Italian pizza and pasta resto, the price-to-food quality ratio would lean heavily in favor of A Veneto.

Mura na, masarap pa. Must try!

Rating:

7 out of 7


Back to the Project 12x2-1 Page


0
comments

[2011 Throwback] Ye Dang Korean BBQ Restaurant

Posted by Obi Macapuno on 3/29/2015
[updated]

The Project 12x2-1 Page


The way you cut your meat reflects the way you live.
- Confucius

Hindi pwedeng matapos ang taon ng wala kaming napupuntahang Korean resto. So with much racking up of her Google-fu, nakita ni K ang raves about Ye Dang in Ortigas and from the looks of it, it's worth the try.

K-pop zone

Pasakalye:
Bago tuluyang maging probinsya ng South Korea ang Pilipinas sa dami ng mga Koreano dito, wise na pag-aralan nang kumain ng mga pagkain nila. Instead na makuntento sa mga rip-off bulgogi at kung ano ano pang kimchi dishes sa tabi tabi, naghanap kami ng authentic at bumagsak kami sa Ye Dang Korean BBQ Restaurant sa Ortigas.

Malapit ito sa Metrowalk. Kung galing Ortigas Avenue, kumanan sa Meralco Avenue. Ye Dang should be a few steps past Metrowalk (nasa ilalim ng flyover ang U-Turn). Medyo problematic ang parking dahil ilang sasakyan lang ang kasya sa harap ng resto. Pwede mag-park sa Metrowalk then lakarin na lang.

dining underneath a bulgogi

Kinaen:

  • assorted appetizers
  • seafood pajeon
  • kimchichigae or kimchi jjigae (kimchi pot stew)
  • kalbi or galbi (grilled sweet beef ribs)
  • dak-kui or dakgui (grill chicken)

sari-saring side dishes

Libre ang unang serving ng iba't ibang uri ng appetizers. Pag upo pa lang, pag sisilbihan na agad ng mga ito. At sa totoo lang, kanin na lang at pwedeng na ang mga ito gawing ulam! Pwede magpa-refill ng up to two platito of any of the served items.

Appetizers:

  • some pickled leafy plant (spinach?)
  • sweetened dilis
  • spicy fish cake
  • radish kimchi
  • sweetened potatoes
  • lettuce at iba pang salad greens
  • kimchijeon (kimchi cake)

L-R: pickled leafy thing and kimchijeon

Yung pickled veggie ay mukang spinach ang ginamit na gulay. Parang steamed na gulay lang ang lasa neto. Still, good enough for my veggie-fix. Masarap yung dilis, manamis-namis yung glaze. Isa ito sa mga pina-refill namin.

L-R: matamis na patatas at manamis-namis na dilis

May fish cake at radish strips na binabad sa kimchi sauce kaya naging spicy ang lasa.

Hindi ako kumain ng sweet potatoes pero maliliit na bilog ng patatas ito na may caramelized sugar na malabnaw. Mukang nagustuhan naman ni Misis at ng kapatid niya.

L-R: spicy radish, fish cake, more kimchi, salad greens

Yung mga salad greens ay ni-reserve namin para i-combo sa mga grilled meat order.

Interesting yung kimchijeon. Nagpa-refill din kami nito. Pancake sya na gawa from kimchi at ansarap in combination nung accompanying spicy na sawsawan or your own DIY toyo concoction.

* * * * *

Balik sa mga bidang ulam.

pancake ng Korea

Isang tradisyonal na Korean dish ang seafood pajeon. Pancake ito na malasa dahil sa generous amount ng spring onions at may sahog na iba't ibang seafoods. Eto ang pinaka sulit na kinain namin nung araw na yun. Sobrang dami ng sahog at ang lasa ng itlog na ginamit sa torta.

sinabawang kimchi

Yung kimchi jigae ay sinabawang kimchi na nilagyan ng pepper paste kaya kulay pula at maanghang. May small slabs ito ng malambot na tofu. Hindi ako fan ng tofu kaya hindi ko trip ito gaano. Pero okay sya magpa-init ng tiyan. Matabang ang lasa para sa amin. Panay anghang lang.

inihaw na beef ribs

Ang kalbi naman ay marinated beef ribs served raw then coal-grilled sa lamesa mismo. Bawat lamesa ay may dedicated ihawan at retractable exhaust vent galing kisame. Kaya kahit gadami ng nag-iihaw, hindi kami nangamoy usok at hindi amoy usok ang paligid. Sa totoo lang, lasang tipikal na inihaw na beef ribs lang yung kalbi. Nagta-transform lang ito ng lasa kapag binalot sa lettuce at iba pang appetizers na nauna nang inihain (pwede ding samahan ng kanin) sabay isasawsaw sa toyo. Mmm... mmmm! Turo ito sa amin nung waiter. Ang personal mix na peborit ko ay kalbi beef + lettuce + radish/fish cake + konting kanin + dip in toyo.

inihaw na manok

Dakgui should be similar to kalbi except it's grilled chicken. Marinated din ito but mas ramdam namin yung lasa ng marinade dito than the beef ribs. Matamis tamis.

May bayad yung hot tea. Hindi libre compared to most Oriental restos. Same lang din naman ng lasa. Lasang dahon ng tsaa.

dahon + manok + kimchi

Chechebureche:

si Jang Geum!

Pag-pasok pa lang sinalubong na kami ng mga ngiti. Attentive yung mga waiters at yung na-assign sa table namin ay malugod na sinagot yung mga tanong namin regarding the menu. There are ample pictures and English translations sa menu para maka-order ng hindi nalilito. For the heck of it, we still hounded the good waiter with questions. Nasagot nya naman lahat to satisfy us plus more... ang dami nyang kwento regarding sa mga common na ino-order sa kanila at sa mga ingredients nung bawat ulam na balak namin upakan. Good service!

exhaust vents

Maganda ang interiors nung lugar. Ramdam ang Korean ambiance. Everything is with wooden accents. As we said earlier, may sariling grill at exhaust vent ang bawat lamesa. Uling talaga ang gamit nila na pang-ihaw kaya smokey talaga ang lasa nung mga lulutuin dito. Hindi kelangang magpaka-bayani, yung waiter ang mag-iihaw ng mga bagay bagay para sa mga kustomers.

menu

Nakakatakot yung kubeta. Malamya ang ilaw at eerie ang design. Parang pwedeng gamiting scene sa next Sadako movie.

Kaching:
Walang service charge! Wow. Above all the great service, it's for free!

Price range is at P230 to P350.

Mahal ito pero magiging makatarungan kung madami kayong kakain. Besides, ang isang order ay pwede nang pagsaluhan ng hanggang tatlong katao. So if you think about it, a dish can be as low as around P80 each. So the more the barkada, the cheaper.

food everywhere

Sa dami (at sarap) ng libreng appetizer at wala pang service charge at sa ganda ng ambiance, sulid na din ang magagastos.

Update: Fast forward to 2015, P300 to P400 na ang price range ng kain dito. It's still one of the more competitively priced Korean resto (and they popped like mushrooms everywhere) that we've tried at sobrang gustong gusto na namin makabalik ulit dito.

Hatol:
Definitely a must-recommend place for those looking for alternative courses aside from the typical city resto options. O kaya naman dun sa mahilig sumubok ng mga foreign delicacies. Lalong matutuwa dito yung mga kume-Korean pop shit.

Super recommended namin yung pajeong.

Rating:
6 out of 7

anyong!

Back to the Project 12x2-1 Page


0
comments

[2011 Throwback] Izakaya Kikufuji

Posted by Obi Macapuno on 3/25/2015
[updated]

The Project 12x2-1 Page


I don't eat anything that a dog won't eat. Like sushi. Ever see a dog eat sushi? He just sniffs it and says, "I don't think so." And this is an animal that licks between its legs and sniffs fire hydrants.
- Bill Coronel

Matagal na namin gustong mag Little Tokyo. Natuloy din sa wakas!

gate to Japanese food nirvana

Ang Intro:
Little Tokyo is a reference to this small compound near Makati Cinema Square where several Japanese food establishments are located. It has been a main hub for foodies in the prowl for authentic Japanese chow.

Kami ang pinuntahan namin ay yung Izakaya Kikufuji.

menu

The place is actually outside the compound of Little Tokyo, along Pasong Tamo (Chino Roces Avenue). Kung galing Buendia, head straight towards Pasay Road and Little Tokyo/Kikufuji should be on the left bago mag Makati Cinema Square. May katabi itong Japanese convenient store.

This place was researched by K and based from a few online reads, this is the place-to-be pag dating sa mga sushi at maki.

Eww. Di ko talaga trip ang mga hilaw na pagkain. Kaya nga inimbento ang salitang "luto" eh at kaya biniyayaan tayo ng Panginoon ng apoy. Still, ika nga ni Sir Jamie Lannister, "The things I do for love."

Ang Chicha:

  • chawanmushi
  • tempura soba
  • chicken teriyaki don
  • sake (salmon) sushi

steamed egg custard

Tamo nga naman, may chawanmushi! Una naming nakita ang dish na ito sa Teriyaki Boy and we've been a fan ever since. Simpleng egg custard ito na steamed sa maliit na porcelain pot. Nilalagyan lang ng konting sahog para magkalasa. Yung sa Kikufuji ay rich yung lasa ng itlog kaya ansarap. May toppings itong shrimp bits, pork, fish cake, at kabute. Malaki yung servings than those we've tried elsewhere kaya shoot siya sa amin for the price.

It should be an appetizer pero based on our experience, sa apat na establishments na naka-try kaming mag chawanmushi (including dito sa Kikufuji), tatlo ang nag serve na during OR after we were served our main course. Sa tagal niyang i-prepare, hindi na nagiging appetizer.

taking notes

Tempura soba ay literally tempura in a noodle soup. In-order namin ito para two birds in a stone, may soup na kami, matitikman pa namin ang tempura nila. May tatlong klase ng tempura na kasama sa isang order: isang pirasong hipon, isang pirasong isda, at isang pirasong talong. Medyo tinipid ata sa sahog. Al dente ang luto ng soba kaya kumakapit ng maige sa chopstick. Flavorful yung lasa ng sabaw (parang sukiyaki... manamis-namis) kaya aprub. Ansarap ng breading ng tempura. Hindi binastang harina kasi may lasa ito by itself. We can imagine how their fried ebi tempura would taste. Sayangs, sana nag-order na lang kami ng separate tempura orders.

teriyaki chicken

The don meals are for those ignoramus na katulad ko na hindi kumakain ng hilaw. Among them, chicken teriyaki ang pinili ko at thanks the Maker, I did! Gasaraaaap ng teriyaki sauce! Sobrang match sa lambot at sakto sa pagka-ihaw ng juicy na manok. Malambot yung laman pero crispy ang balat. May combo itong sticky rice (no problem using chopstick with it) at miso soup (na ayoko ng lasa... not a fan of miso in general). May bed of seaweeds yung rice na hindi namin gaanong nalasahan yung effect niya sa lasa nung ulam in general.

hilaw na salmon

Sake or salmon sushi. Hindi talaga ako kumakain neto pero napilit ako ni K na sumubok ng isang kagat and it's not bad really. The fact that my palates did not auto-reject it by means of puking outright says a lot. Mayroong pickled ginger garnish na kasama ito na ako ang tumira.

Ang Iba pang Satsat:
When we first got ahold of the menu, my face did its best impression of the letter "S"... capital letter pa. LOL. Wala kaming ma-gets. It's in Niponggo. May katakana translations pero equally confusing still. Buti na lang there are ample pictures to help yung mga katulad naming mangmang. Out of context and stock knowledge na lang yung iba para ma-gets. On the other hand, you can just always ask a waitress, who we should add was not that helpful in how we can figure out what to order.

oooh-kay, now what are these??

Andaming laman ng menu. Again, kung alam lang sana namin kung ano ano yung mga nakasulat dun OR kung na-explain lang sana ng mas naiintindihan nung waitress, baka mas naging meaningful yung mga in-order namin.

May libreng hot towel. Pwedeng ipang-hilamos sa buong katawan... kung makapal ang muka.

Maganda yung lugar. Mukang hindi kagandahan sa labas pero sa loob, malaki ito, malinis at Hapon na Hapon ang kapaligiran. Nasa gitna ang primary kitchen nila kaya maaaring panuorin yung sandamakmak nilang cook at kitchen staff habang gumagawa ng mga chicha. Dagdag ambiance pa ang mga naka kimono na waitresses.

parang nasa Japan

Frankly, mukang scene ng typical Japanese sindikato hideout yung loob. Yun bang front lang ang restaurant pero sa mga kwarto sa likod o sa upper floors may headquarters ng mga goons na may matabang Hapon na big boss na maraming tattoo at magaling mag karate.

Okay. Bago kami lumabas, binigyan pa kami ng parang tarheta o discount coupon na tadtad ng Niponggo. Kanji pa yata ang sulat. Kelangan pa namin mag renta ng interpreter para magamit ito.

Update: Fast forward to 2015, naka-ilang balik na din kami ulit dito with the most recent just a few weeks ago. Wala na yung hot towel gimik pero everything else is the same. Hindi pa din maintindihan yung mga nakasulat sa menu nila (pero nakakapagtanong na ng matino sa mga waitress). Meron na din silang set meals or bento na madaming kasamang side dishes with two servings of rice at iced coffee.

katsudon

Ang mabenta sa kanila ngayon ay yung Wagyu Beef Sticks (hindi namin alam ang name neto sa menu pero itanong na lang sa kanila) na sobrang malasa at ang lambot. Nasarapan din kami sa libreng Tuna Sashimi na kasama sa bento box at partida, nagustuhan ko yun kahit hilaw. Nasubukan din namin ang kanilang katsudon at frankly, mas nagustuhan ko yun kesa sa katsudon ng Yabu. Ang laki ng piyesa ng pork at generously soaked sa kanilang special sauce. Hindi din nagtipid sa itlog. Dalwa o tatlong itlog ata ang sinama sa dish na ito (sa dami). Sobrang nakakabusog.

Kaching!:
Not really expecting the experience to be cheap. And "not cheap" it is.

Price range is at P160 to P320. A piece of sushi or maki costs around P50 on average.

Pwedeng mag go-tipid via the don meals at P220 to P250. Yan na ang pinaka-tipid na busog meal na pwedeng mabili.

problem?

Update: Yung mga rice meals ay sa P250 na nag-uumpisa ngayon (2015) at siguro sa isang solid busog na kain, aabot na ng P400+ per tao dito per dining. Mas maganda kung may mga kasama para masubukan ang ibat-ibang putahe.

Ang Hatol:
Kung hindi mahilig sa gentong pagkain, dine in just for the experience. Pero mas patok ito for those who swears by Japanese food dahil masarap naman talaga. Sa daming kumakain na Hapon sa kanila, the food must be authentic good. Besides, kung Pilipino ka sa ibang bansa, kakain ka ba sa resto na nag sisilbi ng peke o try-hard na Pilipino food?

Rating:

6 out of 7


 Back to the Project 12x2-1 Page


Copyright © 2009 Ang Blog na OK All rights reserved. Theme by Laptop Geek. | Bloggerized by FalconHive.