[2011 Throwback] Izakaya Kikufuji
Posted by Obi Macapuno
on
3/25/2015
[updated]
The Project 12x2-1 Page
Matagal na namin gustong mag Little Tokyo. Natuloy din sa wakas!
Ang Intro:
Ang Chicha:
Ang Iba pang Satsat:
Kaching!:
Update: Yung mga rice meals ay sa P250 na nag-uumpisa ngayon (2015) at siguro sa isang solid busog na kain, aabot na ng P400+ per tao dito per dining. Mas maganda kung may mga kasama para masubukan ang ibat-ibang putahe.
Ang Hatol:
Rating:
6 out of 7
Back to the Project 12x2-1 Page
The Project 12x2-1 Page
I don't eat anything that a dog won't eat. Like sushi. Ever see a dog eat sushi? He just sniffs it and says, "I don't think so." And this is an animal that licks between its legs and sniffs fire hydrants.
- Bill Coronel
Matagal na namin gustong mag Little Tokyo. Natuloy din sa wakas!
gate to Japanese food nirvana |
Ang Intro:
Little Tokyo is a reference to this small compound near Makati Cinema
Square where several Japanese food establishments are
located. It has been a main hub for foodies in the prowl for authentic
Japanese chow.
Kami ang pinuntahan namin ay yung Izakaya Kikufuji.
Kami ang pinuntahan namin ay yung Izakaya Kikufuji.
menu |
The place is actually outside the compound of Little Tokyo, along
Pasong Tamo (Chino Roces Avenue). Kung galing Buendia, head straight
towards Pasay Road and Little Tokyo/Kikufuji should be on the left bago
mag Makati Cinema Square. May katabi itong Japanese convenient store.
This place was researched by K and based from a few online reads, this is the place-to-be pag dating sa mga sushi at maki.
Eww. Di ko talaga trip ang mga hilaw na pagkain. Kaya nga inimbento ang salitang "luto" eh at kaya biniyayaan tayo ng Panginoon ng apoy. Still, ika nga ni Sir Jamie Lannister, "The things I do for love."

- chawanmushi
- tempura soba
- chicken teriyaki don
- sake (salmon) sushi
steamed egg custard |
Tamo nga naman, may chawanmushi! Una naming nakita ang dish na ito sa
Teriyaki Boy and we've been a fan ever since. Simpleng egg custard ito na
steamed sa maliit na porcelain pot. Nilalagyan lang ng konting sahog
para magkalasa. Yung sa Kikufuji ay rich yung lasa ng itlog kaya
ansarap. May toppings itong shrimp bits, pork, fish cake, at kabute.
Malaki yung servings than those we've tried elsewhere kaya shoot siya sa
amin for the price.
It should be an appetizer pero based on our experience, sa apat na
establishments na naka-try kaming mag chawanmushi (including dito sa
Kikufuji), tatlo ang nag serve na during OR after we were served our
main course. Sa tagal niyang i-prepare, hindi na nagiging
appetizer.
taking notes |
Tempura soba ay literally tempura in a noodle soup. In-order namin ito para
two birds in a stone, may soup na kami, matitikman pa namin ang tempura
nila. May tatlong klase ng tempura na kasama sa isang order: isang
pirasong hipon, isang pirasong isda, at isang pirasong talong. Medyo
tinipid ata sa sahog. Al dente ang luto ng soba kaya kumakapit ng maige
sa chopstick. Flavorful yung lasa ng sabaw (parang sukiyaki...
manamis-namis) kaya aprub. Ansarap ng breading ng tempura. Hindi
binastang harina kasi may lasa ito by itself. We can imagine how their
fried ebi tempura would taste. Sayangs, sana nag-order na lang kami ng separate tempura orders.
teriyaki chicken |
The don meals are for those ignoramus na katulad ko na hindi kumakain ng
hilaw. Among them, chicken teriyaki ang pinili ko at thanks the Maker, I
did! Gasaraaaap ng teriyaki sauce! Sobrang match sa lambot at sakto sa
pagka-ihaw ng juicy na manok. Malambot yung laman pero crispy ang balat.
May combo itong sticky rice (no problem using chopstick with it) at
miso soup (na ayoko ng lasa... not a fan of miso in general). May bed of
seaweeds yung rice na hindi namin gaanong nalasahan yung effect niya sa
lasa nung ulam in general.
hilaw na salmon |
Sake or salmon sushi. Hindi talaga ako kumakain neto pero napilit ako ni
K na sumubok ng isang kagat and it's not bad really. The fact
that my palates did not auto-reject it by means of puking outright says a
lot. Mayroong pickled ginger garnish na kasama ito na ako ang tumira.
Ang Iba pang Satsat:
When we first got ahold of the menu, my face did its best impression of
the letter "S"... capital letter pa. LOL. Wala kaming ma-gets. It's in
Niponggo. May katakana translations pero equally confusing still. Buti
na lang there are ample pictures to help yung mga katulad naming mangmang.
Out of context and stock knowledge na lang yung iba para ma-gets. On the other hand, you can just always ask a waitress, who we should add was not that helpful in how we can figure out what to order.
oooh-kay, now what are these?? |
Andaming laman ng menu. Again, kung alam lang sana namin kung ano ano
yung mga nakasulat dun OR kung na-explain lang sana ng mas naiintindihan
nung waitress, baka mas naging meaningful yung mga in-order namin.
May libreng hot towel. Pwedeng ipang-hilamos sa buong katawan... kung makapal ang muka.
Maganda yung lugar. Mukang hindi kagandahan sa labas pero sa loob, malaki ito, malinis at Hapon na Hapon ang kapaligiran. Nasa gitna ang primary kitchen nila kaya maaaring panuorin yung sandamakmak nilang cook at kitchen staff habang gumagawa ng mga chicha. Dagdag ambiance pa ang mga naka kimono na waitresses.

parang nasa Japan |
Frankly, mukang scene ng typical Japanese sindikato hideout yung loob.
Yun bang front lang ang restaurant pero sa mga kwarto sa likod o sa
upper floors may headquarters ng mga goons na may matabang Hapon na big
boss na maraming tattoo at magaling mag karate.
Okay. Bago kami lumabas, binigyan pa kami ng parang tarheta o discount coupon na tadtad ng Niponggo. Kanji pa yata ang sulat. Kelangan pa namin mag renta ng interpreter para magamit ito.
Okay. Bago kami lumabas, binigyan pa kami ng parang tarheta o discount coupon na tadtad ng Niponggo. Kanji pa yata ang sulat. Kelangan pa namin mag renta ng interpreter para magamit ito.
Update: Fast forward to 2015, naka-ilang balik na din kami ulit dito with the most recent just a few weeks ago. Wala na yung hot towel gimik pero everything else is the same. Hindi pa din maintindihan yung mga nakasulat sa menu nila (pero nakakapagtanong na ng matino sa mga waitress). Meron na din silang set meals or bento na madaming kasamang side dishes with two servings of rice at iced coffee.
Ang mabenta sa kanila ngayon ay yung Wagyu Beef Sticks (hindi namin alam ang name neto sa menu pero itanong na lang sa kanila) na sobrang malasa at ang lambot. Nasarapan din kami sa libreng Tuna Sashimi na kasama sa bento box at partida, nagustuhan ko yun kahit hilaw. Nasubukan din namin ang kanilang katsudon at frankly, mas nagustuhan ko yun kesa sa katsudon ng Yabu. Ang laki ng piyesa ng pork at generously soaked sa kanilang special sauce. Hindi din nagtipid sa itlog. Dalwa o tatlong itlog ata ang sinama sa dish na ito (sa dami). Sobrang nakakabusog.
Kaching!:
Not really expecting the experience to be cheap. And "not cheap" it is.
Price range is at P160 to P320. A piece of sushi or maki costs around P50 on average.
Pwedeng mag go-tipid via the don meals at P220 to P250. Yan na ang pinaka-tipid na busog meal na pwedeng mabili.
Price range is at P160 to P320. A piece of sushi or maki costs around P50 on average.
Pwedeng mag go-tipid via the don meals at P220 to P250. Yan na ang pinaka-tipid na busog meal na pwedeng mabili.
problem? |
Update: Yung mga rice meals ay sa P250 na nag-uumpisa ngayon (2015) at siguro sa isang solid busog na kain, aabot na ng P400+ per tao dito per dining. Mas maganda kung may mga kasama para masubukan ang ibat-ibang putahe.
Ang Hatol:
Kung hindi mahilig sa gentong pagkain, dine in just for the experience.
Pero mas patok ito for those who swears by Japanese food dahil masarap
naman talaga. Sa daming kumakain na Hapon sa kanila, the food must be authentic
good. Besides, kung Pilipino ka sa ibang bansa, kakain ka ba sa resto na nag sisilbi ng peke o try-hard na Pilipino food?
Rating:
6 out of 7
Back to the Project 12x2-1 Page
0
comments