[2011 Throwback] New Bombay
Posted by Obi Macapuno
on
3/31/2015
[updated]
The Project 12x2-1 Page
Ang Intro:
Ang Chicha:
appetizer..
sabaw (shorba)..
ihaw (tandoori)..
kofta (rolls)..
mutton (lamb)..
chicken..
seafood..
shrimp curry
naan (bread)..
biryani (kanin)..
dessert..
drinks..
lassi
** Appetizer
** Sabaw
** Ihaw
** Kofta
** Mutton
** Chicken
** Seafood
Panay shrimp ang sinusubukan namin dito although may mga fish curry din sila. Ang panalo lang sa servings nila ay hindi sila nag titipid sa sahog na hipon. Andami.
** Naan
** Biryani
** Dessert
** Lassi
Ang Chechebureche:
We can remember the first time na pinuntahan namin ito dahil mahilig siya sa maanghang na pagkain. Parang nasa loob daw si K ng Encyclopedia. LOL. The ambiance is as Indian as it can get lalo na kapag may random Indian customers at andun yung cheerful nilang Indian manager na ang galing mag Tagalog.
Side Note: He's got a name now - si Mehir (salamat kay Dave).
The Damage:
Ang Hatol:
New Bombay (especially this branch) will always have a place in our hearts dahil ito ang takbuhan namin kapag stress kami sa trabaho or kung kelangan namin ng comfort food. Sounds weird to have spicy dishes for comfort but it works for us!
Food is mostly for sharing so sulit kapag may mga kasama.
Rating:
7 out of 7
Back to the Project 12x2-1 Page
The Project 12x2-1 Page
To my mind, the life of a lamb is no less precious than that of a human being.
- Mahatma Gandhi
To end our project, it is with great prejudice that we have to save the best for last.
Ang Intro:
Naging instant peborit namin ang New Bombay since naging
couple kami. I introduced K to the place pagkatapos niyang sabihin na
mahilig sya sa spicy foods and although there were some negative first impressions,
the quality of food immediately changed everything of what she initially
thought. Naging regular customer kami instantly... as in twice to
thrice a month regular.
new menu |
Our branch-of-choice is the one in Glorietta 3. It's facing the park
right in front of the 6750 Building, a few steps to the left after going
out of the Glorietta 3 exit. This is the same side where Subway, A
Venetto, Max's, and Kamayan are.
Obviously, authentic Indian cuisine ang offering nila. Not necessarily
spicy dahil may option namang lutuin ng either spicy, medium, or mild ang
lahat ng ulam. Syempre, kami ay palaging spicy!
preview ng makakain |
Ang Chicha:
appetizer..
- chicken samosa
- masala fry pappadum
sabaw (shorba)..
- chicken
- mutton
ihaw (tandoori)..
- mutton sheek kebab
- tandoor prawns
- chicken garlic kebab
- malai murg tikka
kofta (rolls)..
- mutton
- chicken
- malai
mutton (lamb)..
- mutton rogan josh
- tawa keema mutton
- mutton dupia
chicken..
- chicken tikka masala
- murg tikka resmi
seafood..
shrimp curry
naan (bread)..
- cheese capsicum
- peshwari
- butter
biryani (kanin)..
- hydrabhadi mutton
- chicken
- mutton
- shrimp
dessert..
- gulabjamun
- kulfe ice cream
drinks..
lassi
papapadum with coriander and tamarind dip |
** Appetizer
Chicken samosa ay empanada na Indian spices ang laman. Masarap itong
sinasawsaw sa coriander at sampalok dip. Ang pappadum naman ay parang
crackers na spicy ang lasa. Lentil wafer ito sa English. Isipin mo isang
pabilog na taco-like bread na madaming spices at pinirito. Ganun. Same
dip ang gamit dito with the chicken samosa and you will need the dip dahil medyo
mapakla ito by itself.
** Sabaw
Shorba ang tawag nila sa soup, as chorva ang tawag ko kay K. Medyo
pricey ito pag nakita mo gano kaliit yung servings PERO aaang sarap
naman sobra! As in, aaaaaang sarap (ganyan kadaming 'a' sa sobrang
sarap). It comes in mutton or chicken sahog but it doesn't matter really
dahil yung sabaw lang nito ang hinahabol-habol namin.
mutton boti tikka |
prawn tandoori |
malai murg tikka |
** Ihaw
A tandoor is a clay oven at ang tandoori ay kung ano mang lutuin gamit
ang isang tandoor. New Bombay offers a lot of tandoor-roasted food or
tandoori. Eto yung pinaka-safe orderin kung medyo hindi adventurous yung
tiyan ng kakain with the more exotic recipes. Try the chicken variants,
boneless at sakto ang pagkaka-ihaw. Consistently hindi nagkaka-sobrang
sunog na part. Chicken garlic kebab tastes good in particular.
Binudburan ng garlic powder.
mutton kofta |
chicken kofta (not in menu) |
** Kofta
Kofta ang Indian term for dishes of rolled meat of any kind.
Yung mga kofta ng New Bombay ay naka-sahog sa curry sauce na kasing
thick din ng sauce ng most dishes nila. Yung malai kofta ay veggies
rolled in mashed potato and marinated in malai cream (research nyo na lang
kung ano 'to). Hindi na namin inulit orderin ito after the first
time dahil mas masarap pa din yung meat variants (mutton, shrimp, or
chicken). Yung chicken kofta ay wala sa menu at depende sa pagkakataon
kung meron o wala so tinatanong muna namin sa waiter.
tawa kheema mutton |
mutton dupia |
tawa gosht |
** Mutton
Karne ito ng lamb. Sari-sari ang dishes nila made from this. Rogan josh
yung isa sa mga specialty. Mutton in a really thick red curry sauce na
napaka flavorful ng spices. Can't go wrong sa order na ito. Tawa kheema
mutton naman yung ground mutton na nasa curry sauce din pero medyo mas
malabnaw at sadyang konti lang (semi dry effect). Mutton dupia ay mutton
na parang niluto sa spaghetti meat sauce (only spicy) na lasang lasa
yung garlic.
chicken tikka masala |
murg tikka resmi |
** Chicken
Chicken tikka masala yung safest orderin at specialty ito sa kanila.
Boneless chicken cooked in tandoor ang gamit nilang sahog and cooked in
masala cream sauce. May cheese melt pa sa taas ang presentation.
shrimp curry |
** Seafood
Panay shrimp ang sinusubukan namin dito although may mga fish curry din sila. Ang panalo lang sa servings nila ay hindi sila nag titipid sa sahog na hipon. Andami.
peshwari naan |
cheese capsicum naan |
** Naan
Eto yung Indian version ng roti. Tandoor-baked ito at leavened
(o may pampa-alsa). Peshwari yung mas sikat na variant. May iba't ibang
mixture ng milk, nuts, cheese at spices. Masarap itong sinasawsaw sa
curry (usually, pang-said ng mga tira-tirang sauce sa paligid ng
plato).
mutton hydrabad rice |
** Biryani
Paella is to Spain as biryani is to India as sinangag na kanin is to
Pinas. Gets? Isa sa mga popular options ang hyderabadi biryani na
basically biryani (na long-grain rice) topped with mutton. Eto usually
yung nagpapa-anghang ng buong meal namin kapag "spicy" option ang
pinipili namin (which is most of the time).
** Dessert
Gulabjamun is a must try! Bread balls ito made generally of milk tapos
deep fried at pinapaliguan ng sugar syrup pagkatapos. Win! Kulfi is
Indian ice cream. Sabi nila mas creamy ang ice cream na ito than our loca sorbetes. Para sa amin, mas milky nga ang lasa.
buko pandan lassi |
** Lassi
Yogurt (can be flavored) and blended with water and sweetened
ingredients. Di ko trip ito pero si K, sarap na sarap. Lalo na
yung buko pandan flavor. Usual order niya ito.
Ang Chechebureche:
We can remember the first time na pinuntahan namin ito dahil mahilig siya sa maanghang na pagkain. Parang nasa loob daw si K ng Encyclopedia. LOL. The ambiance is as Indian as it can get lalo na kapag may random Indian customers at andun yung cheerful nilang Indian manager na ang galing mag Tagalog.
Side Note: He's got a name now - si Mehir (salamat kay Dave).
aum sweet aum! |
Para sa amin, they caught the right spice we wanted on our food kaya kami
naging regular. Pero syempre kapag may mga sinasama kaming tropa, medium
to mild lang ang ipinapa-luto namin para ma-appreciate nila na usual spices lang.
Sa sobrang dami ng options sa pagkain, hindi nakakasawang bumalik and try out each of it.
Okay ang serbisyo ng crew, attentive at mga naka-ngiti palagi. Yung mga more senior staff ay
napag-tatanungan ng kung ano-ano about the
dishes sa menu. We recommend sticking with the house staples though: yung mutton rogan josh, chicken tikka masala,
and the tandoori dishes. Patok na yung mga yun, subok na.
tantric dinner |
Kung hindi mahilig sa maanghang, try it light lang. Kung medyo hindi
matibay yung tiyan sa mga creamy at milky sauce, mag tandoori dishes na
muna or yung mga naan variants.
Talk with the manager. He usually goes around and talk with the customers
and is more than willing to entertain your comments about the place.
Really nice guy and accomodating.
The Damage:
Price range is at P220 to P260.
Actually, inabutan pa namin na mas mura ito ng bahagya (grabe, tatlong
taon na din pala kaming suki dito). In any case, it's a fair price given
authentic Indian yung food at ang isang dish can serve up to two. Mas
madami ang kakain mas sulit dahil mas bababa ang pag-hahatian at mas
dadami ang masusubukang dishes.
part of the improved menu |
Update: Fast forward to 2015, nasa P250 na ang starting price ng dishes nila. Mura pa din ito given the quality of food at dami ng servings.
Hindi na kami kasing dalas ng dati pumunta dito pero kapag nakakaluwag-luwag or biglang may cravings, dumadaan pa din kami for dinner. Madaming beses na din kaming bumalik dito para magdala ng barkada. Isa ito sa mga top options namin kapag may mga barkada dining.
Ang Hatol:
New Bombay (especially this branch) will always have a place in our hearts dahil ito ang takbuhan namin kapag stress kami sa trabaho or kung kelangan namin ng comfort food. Sounds weird to have spicy dishes for comfort but it works for us!
Food is mostly for sharing so sulit kapag may mga kasama.
Rating:
7 out of 7
Back to the Project 12x2-1 Page
0
comments