0
comments

[2011 Throwback] Mister Kabab

Posted by Obi Macapuno on 3/18/2015
[updated]

The Project 12x2-1 Page


“Worthless people live only to eat and drink; people of worth eat and drink only to live.”
- Socrates

The next grub place we want to blabber about is not really something "new" and we've been frequenting this place since even before we became officially a couple. We even treated friends here for O's birthday about three years ago. But saving the best for last, the next few articles capping our Project 12x2-1 would be our own personal favorites.

Ang Pasakalye:
We pity the 'uncool' who never dined or, at the least, knew or heard about Mister Kabab.
From that humble shack along the West Ave. - Quezon Ave. intersection to its current and superficially better place further down the West Avenue stretch, the Persian resto has always been one of our lamon-place of choice. Walang panahon na hindi namin ikinekwento ito kapag kainan ang pinag-uusapan. Para sa amin, harboring info about the existence of this place from your friends is a crime punishable by eternal craving.

menu

As mentioned, Mister Kabab is along West Avenue in QC. Kung galing EDSA then turning right into the avenue, nasa kaliwa ang Mister Kabab, just past Col. Martinez street. May katabi itong talyer at eskinita.

Ang Inupakan:

  • ox brain
  • chelo kabab
  • chicken liver stick and dish
  • shawarma plate
  • pita bread
  • lamb korma
  • yoghurt shake

braiiiinzzz!!!

Palaging out of stock ang ox brain nila pero on our latest return-of-the-come-back doon, naka swerte kami't meron! Lasang yellow ng balut ang ox brain. Medyo mas rich lang ang lasa ng balut ng konti. Trip namin na nilalagyan ng malupit na garlic sauce ito. It also comes with calamansi, pampatanggal ng lansa.

sikret weapon

Chelo kabab ang secret weapon nila. Ang pinaka sikat sa menu. Dalawang skewered meat (may option for chicken or beef), grilled and topped with rice (topped with butter) at inihaw na kamatis (na hindi kumakain si O). Pwedeng papalitan ang rice ng pita bread.

Hindi namin alam kung anong meron sa kanilang kabab pero sobrang nakaka-adik in combo with their equally addictive garlic sauce. It tastes smokey at kung minsan ay makunat, pero patok pa din sa amin.

Yung liver stick ay inihaw na atay habang ang liver dish naman ay yung sinabawan na version neto. May sauce ito na parang sa korma (malabnaw na curry). Gusto namin yung luto ng atay, eksakto lang para hindi maging mapait at hindi din undercooked. Get the liver dish over the liver stick.

plato ng shawarma

Shawarma plate is as it is, shawarma beef na nakalagay sa platong may chopped kamatis, pipino, at sibuyas. Pita bread is served separately, with the aim of having you create your own shawarma wrap. Although, frankly, we think the ingredients can make TWO shawarmas... for the price of one!

extra pita

We have no idea how an authentic korma should taste or if we, in our several visits on grub places around the metro, have already tasted one, but their lamb korma is creamy enough, flavorful enough, and spicy enough for us to warrant a thumbs up. Malambot ang lamb at chewy. When Mister Kabab was featured on TV, they claimed their cook is Persian (no idea if he was cooking there regularly) so their korma might be authentic anyway. In any case, it's worth trying.

yoghurt shake

O's not a fan of yoghurt shakes. Si K ang nag-order nito at masarap naman daw.

garlic sauce of adik doom

On each table is a canister full of garlic sauce at hot sauce. Yung garlic sauce ang sobrang patok! Up-to-sawa pa. Parang nilalagyan nila ito ng drugs kasi nakaka-adik, LOL! Binabalik-balikan ito at personally, malaking factor yun kung bakit patok ang lugar. Sinasabaw namin ito sa kanin. So so lang yung hot sauce. Not really that hot, kaya medyo kelangan damihan.

Mga Chechebureche:
Maraming options sa menu pero ang kelangan lang na mandatory matikman ay ang mga kababs nila at shawarma. Most nung mga ibang ulam ay pa unti-unti naming sinusubukan habang bumabalik-balik kami sa kanila para kumain. So far ox brain at korma ang nasa top ng list.

hangin hangin

Open air yung lugar pero hindi naman mainit. Punong puno ng ceiling fan at tuloy tuloy ang daloy ng hangin. Never mind the interiors, it's not much in our opinion. Ang mahalaga kumportable naman ang pakiramdam kapag nasa loob. Wala silang individual na upuan but instead used long wooden stools. Parang sosi na karinderya ang experience. 

waitress galore

Gadami ng mga waitress! Napaghandaan nila ng husto ang sandamakmak na customers na pumipila sa kanila araw-araw (lalo na pag holidays at sa gabi). Speaking of, on most cases, may pila laging pagdadaanan bago makakain dito. Ganun kadami ang customers. At partida, their new location is almost twice the size of their old place already pero napupuno pa din. Ganun sila kasikat.

Kaching!:
Price range is at P80 to P140 lang.

Sobrang mura for the food they offer. We can rave all day about how people would go back for the food but it will always boils down to the relative cheapness of their prices as one of the main reasons.

At around 180 buckers, gagapang ka na palabas ng Mister Kabab sa kabusugan. Chelo kabab na yun at good serving ng inihaw na atay or shawarma plate. Nom nom!

hello. i am mister kabab!

Update: Nasa P130 to P180 na ngayon (2015) ang average fare ng isang kain sa Mister Kabab at mura pa din ito all things considered.

Ang Hatol:
A good majority of those who've tried this place will swear by it. At parang laos ang pakiramdam kung hindi masusubukang kumain dito while people around you are talking about it with gusto.

Until now, several years after we first tried eating here, bumabalik pa din kami regularly at laman pa din siya ng aming cravings.

Update: Fast forward to 2015. Same thing. Pabalik balik pa din kami dito whenever we can at from time to time, nagke-crave pa din kami sa kabab nila. Nagkaroon na din sila ng mga branches (kumikitang kabuhayan) at dayuhin pa din hanggang ngayon. 

Rating:

7 out of 7


Back to the Project 12x2-1 Page


0 Comments

Post a Comment

Copyright © 2009 Ang Blog na OK All rights reserved. Theme by Laptop Geek. | Bloggerized by FalconHive.