0
comments

[2011 Throwback] Jim's Retro Diner

Posted by Obi Macapuno on 3/04/2015
[updated]

The Project 12x2-1 Page
 
Sitting at the table doesn't make you a diner, unless you eat some of what's on that plate.
- Malcolm X

Sa pagpapatuloy ng aming ikalawang Baguio food trip ni Kumander K, matapos kaming mag Pizza Volante at Cora's Restaurant, isinunod ng tropa ang Jim's Retro Diner sa Session Road. Game!

Unang Tagpo:
Pizza Volante

Ikalawang Tagpo:
Cora's Restaurant

Ikatlo (at Huling) Tagpo:
Jim's Retro Diner.

neon lights

Dahil sarado ang Oh My Gulay!, dito kami bumagsak para kumain. It's on the same building as OMG - VOCAS (La Azotea Bulding sa Session Road). Bago pumasok sa entrance ng building, may stairs heading to the basement sa left side. Andun ang Jim's.

When we saw it, una naming naisip ay rip-off ito ng 50's Diner. When we went inside, tingin namin ay rip-off ito ng 50's Diner. When we checked the menu, sure na kami na rip-off ito ng 50's Diner! LOL.

sino si jim?

Di namin sure kung sinadya nilang gayahin yung genre ng 50's Diner (or in that case, kung sino ba ang unang gumaya) but they are doing well at it. The place is reminiscent of old American diners from its interiors up to the choices of food. Mas American fastfood lang yung mga pagkain dito than sa 50's Diner since sa 50's mas madami-dami pang options ng rice meals and other local stuff. Dito, wala masyado.

Ang Chicha:

Bonnie and Clyd Combo
  •     Cheeseburger
  •     Spaghetti
  •     Fried Chicken
  •     French Fries
  •     Iced Tea

bonnie and clyd

  • Buffalo Wings
  • Lemonade
  • Diner's Burger
  • Spaghetti and Meatballs
  • Banana Split

Kulang talaga ang spelling ng Bonnie and Clyd nila. Hindi namin alam kung may pag-asa pang itama nila ito o may kamag-anak talaga silang ang pangalan ay Clyd without an "e". In any case, yung combo ay binubuo ng cheeseburger (na walang special sa lasa, just your typical burger + cheese + greens), spaghetti (na trip namin kasi Pinoy style... matamis at madaming meat chunks), fried chicken (na hindi masarap ang breading), french fries (ilang piraso ng malalaking hiwa ng patatas), at iced tea.

buffalo wings

Umaanghang habang tumatagal yung sauce nung buffalo wings. Pero yung general lasa niya ay manamis-namis. It's served in pieces of four at may kasamang french fries + garnish.

Hindi maasim yung lemonade kaya disappointed si K. Matabang pa nga.

everything in it

Enticing yung Diner's Burger dahil bukod sa patty, meron din itong ham, bacon, at itlog. All in, kumbaga. Bagay na bagay sa gutom. It's also served with fries at garnish. Peng! Peng! Peng! Peng!

half a bread

Spaghetti and meatballs looked delicious at katulad ng spagh sa Bonnie and Clyd combo, Pinoy-style sauce din ang gamit. Maliliit yung meatballs. Apat na piraso yung isinilbi sa amin. It's served with half-a-slice of toasted bread. Eh?? Hindi pa talaga inisang buo.

banana split

Yung banana split ang panalo. Two bananas in three scoop of ice cream flavors of our choice. At syempre, may mandatory cherry topping + peanut bits (argh). Eto ang na-enjoy namin sa lahat ng kinain doon.

Ang Ibang Chechebureche:
Simple lang yung menu, and the items there are quite varied. Madaming pwedeng subukang kainin. Pero gaya ng nauna naming sinabi, most of them are fast food meals.

old ads

Ang cool ng loob ng resto dahil madaming 1950's-inspired portraits sa dingding at disenyo sa paligid.

compressed

May kasikipan yung lugar kaya medyo kelangan nilang magtipid ng konti sa floor area para maka-accomodate ng madaming kustomer. Maigsi yung estribo sa couch kaya walang room para mag-slouch (wow, rhyme). Kelangan nga medyo dikit ang likod sa sandalan kapag umupo or risk na dumulas ang pwet.

attentive waiters

They also share toilets with an adjacent bar and a Korean resto, kaya hindi magandang tanawin (at amuyin) ang kubeta nila.

Kaching!:
P70 to 130 ang price range ng mga pagkain.

Mura na ito kumpara sa mga leading fastfoods sa Manila that offers the same stuff nang mas mahal at walang masyadong options. At least dito, meron pang ambiance.

half of the menu

Haven't tried how "giant" are the giant burgers na nagkakahalaga ng P170 to P200. Pero we're sure this can at least serve two. Mura na yun. Parang tig isangdaan na lang yun papatak.

They have tipid meals na hindi lalampas ng isangdaan. At meron din silang combo meals na kaya magpakain ng tatlo na hindi din lalampas sa tig isangdaan each ang hatian.

Pwede na!

for the win

Update: Fast forward to 2015, nasa around P100 to P200 na ang price range ng most food items nila. Sobrang mura pa din para sa nagdaang 4 years since then.

Ang Hatol:
Nothing exciting about the food pero masarap tumambay dahil aliw ang itsura ng paligid. We think, a must-visit pa din siya when in Baguio. Although kung galing na sa 50's Diner, redundant nang puntahan pa ito ulit. And vice versa.

Rating: 
4 out of 7




Back to the Project 12x2-1 Page


0 Comments

Post a Comment

Copyright © 2009 Ang Blog na OK All rights reserved. Theme by Laptop Geek. | Bloggerized by FalconHive.