[OK na Road Trip] First of Many Trips to Come (Calamian Group of Islands - Part 2)
Posted by Obi Macapuno
on
2/04/2014
As continued from a previous POST...
Day 2 (Busuanga)
* 8:34AM - Breakfast at Coron Village Cafe
On our Plate:
* 9:02 to 9:24 - Kayangan Lake
(Mula sa pantalan ng Coron, tumungo na ulit kami sa next destination - ang Kayangan Lake sa Coron Island.)
Mga Trivia ni Kuya:
This time, sa bangka kami kumain. Luto pa din ni Kuya Eran. Panalo!)
Day 2 (Busuanga)
* 8:34AM - Breakfast at Coron Village Cafe
On our Plate:
- Longganisa
- Daing
- Egg
- libreng kape
* 9:02 to 9:24 - Kayangan Lake
(Mula sa pantalan ng Coron, tumungo na ulit kami sa next destination - ang Kayangan Lake sa Coron Island.)
parang postcard shot |
Mga Trivia ni Kuya:
- Kayangan Lake is actually a part of several lake systems which can trace their tributaries to the bigger (more than 10x bigger, in fact) Cabugao Lake which is right smack in the middle of Coron Island.
- "Kayangan" came from a local dialect term "Kayakag" which is a name of a native bird.
- Kayangan Lake can be reached by hiking over a small ridge. On top of this ridge is a view deck where the nearby limestone islets can be seen on its full beauty. Itong view na ito ang madalas na lumalabas sa mga print ads at postcards ng Coron.
(Kat has to climb all the way up despite her knee problems and she did it! The view above is just exquisite. I have to let the photos speak for it this time. Madami kaming kasabay na tourists along the way but we were able to get a good spot along the platform lining the lakeside.)
* 9:47 - Swimming in the Lake
(This just got to be our best swim of the trip. Unlike sa dagat, tubig-tabang ang Kayangan kaya hindi masyadong masakit sa ilong at mata. Yung ilalim ng tubig ay panay stalagmite formations at madaming maliliit na isda although not as colorful as those in the sea. Gubat ang nakapaligid kaya sobrang relaks. Bonus na lang yung mga naka "bettengswit" na foreigners. LOL.)
* 11:27 to 11:40 - Banol Beach
(Isa sa madalas na tigilan ng mga turista para mananghalian o magpahinga ang Banol Beach sa Isla ng Coron. May mga local Tagbanwa na nakatira dito pero hindi din sila nakaligtas sa Yolanda kaya itinatayo nila ulit ang mga bahay nila dito.)
* 11:44 - Malaroyroy Beach (?)
(May maliit na strip ng beach northwest ng Coron Island at ilang metro south ng Kayangan Lake kung saan kami tumigil para mananghalian. Malapit na dito yung Skeleton Shipwreck. As in sobrang lapit.
This time, sa bangka kami kumain. Luto pa din ni Kuya Eran. Panalo!)
lunch sa dagat |
On our Plate:
- Giant Squid (seryosong malaki, hindi katulad ng "giant squid" sa mga pub dito sa Manila na mas malaki pa ang palad ko)
- Pak-an (local fish na parang higanteng sapsap)
- Alimasag!! (means happy Kat)
- Pipino Salad (perfect na pang tanggal umay)
- warm Sprite
(Sarap talaga mag luto ni Kuya Eran. Gumagapang kami sa kabusugan para bumaba sa pampang para magpahinga at magtampisaw.)
* 1:05PM - Skeleton Shipwreck
(Isa na naman itong lumubog na WW2 Japanese gunboat, about 25 meters long. Tinawag itong "skeleton shipwreck" dahil halos ubos na ang karamihan ng bakal na balat nito. Dahilan para makita na ang mga rib-like structures na bumubuo sa kanyang pundasyon.
Sa sobrang linaw ng tubig, kitang kita ang kahabaan ng barko. Ibang set din ng mga fish species ang nandito compared sa mga nasa Coral Garden. As usual, naglabas kami ng tinapay para mas lapitan kami ng isda.)
* 1:33 - Coron Youth Club (CYC) Beach
(Next stop is a tiny island off the south coast of Uson Island. May maliit na strip ng white sand beach ang isla na ito na tinawag na Coron Youth Club dahil dito daw dinadala ang mga beginner na divers for training. May mga ilang couples na din daw ang nag-propose dito sabi ni Kuya Eran dahil sa romantic settings ng isla.)
* 2:36 - Aurora Lagoon
(Medyo nagparamdam na uulan at tumaas ang mga alon. Tumawid kami pabalik ng mainland Coron Island para puntahan ang lagoon na ito para mas mapayapa ang tubig. Dito din mararanasan ang phenomenon na thermocline. Kung saan may sudden change ng temperature habang lumalalim ang tubig. Sobrang weird ng pakiramdam habang lumalangoy. Sa hita pababa, painit ng painit yung tubig habang malamig naman hanggang dibdib.)
* 3:36 - Twin Lagoon
(Malapit na sa Aurora Lagoon yung mas sikat na Twin Lagoon. It's called as such because it is composed of two lagoons separated by a narrow limestone wall. Connected yung tubig nung dalawa so you can either swim under the limestone wall or climb a bamboo ladder to traverse it, para makarating sa kabilang lagoon.
Papasok ng inner lagoon, si Kat at Kuya Eran ang lumangoy sa ilalim ng limestone wall habang ako naman ang nag hagdan. Walang katao-tao nung time na yun kaya na-enjoy namin ng husto umikot ikot around the area. Matataas na limestone monoliths ang nakapaligid sa inner lagoon kaya sobrang payapa ng lugar kahit may kalakasan na ang hangin sa labas.
Again, nagsisi kami na wala kaming waterproof camera.)
* 3:58 - Coron Market
(Pag-daong ng Coron, nag meryenda na naman kami sa palengke... at nag-adik na naman si Kat sa mango shake. Dumiretso din kami agad sa Coron Village Lodge para magbanlaw tapos gala-time na din agad.)
* 6:09PM to 8:27PM - Coffee Kong
(Tinuro kami ni Kuya Eran dito after namin itanong sa kanya kung saan may coffee shop na pwedeng tambayan.
On our Plate:
- banana mango smoothy (the usual banana mango shake)
- cafe mocha (typical kape na chocolatey ang lasa)
- chocolate waffles (two waffle pancakes with chocolate drizzle, nasarapan ako dito)
- caramel macchiato (surprisingly good, mas gusto ko pa ang version nila kesa Starbucks)
* item in italics, ordered on a subsequent visit
The place is really homey, ansarap tumambay. Ang cute ng interiors, modern ang concept pero madaming cute decors like chic wall writings and drawings . Nakaka-relax after a very tiring day at the sea. May free WIFI yung place.
It is owned by a Korean couple na sobrang pleasant sa customers nila na mostly foreigners. Attentive ang mga nagsisilbi. Interesting ang mga pastries but frankly we didn't bother to taste it because I immediately liked the pancakes. So ito lang ang in-order namin kahit nung mga sumunod na balik namin.
Rating (Coffee Kong): 5/7
Day 3 (Busuanga)
* 9:29AM - Breakfast at Coron Village Cafe
(It's officially our free time in Coron. Wala kaming gagawin for the whole day but to look around the place for ourselves kaya late na din kami nagising para makapag pahinga.)
* 11:49 - Lunch at Kuya Eran's
(Nagpa-luto kami ng lunch kay Kuya Eran. Binigyan lang namin siya ng pambili the day before at sinabi kung ano ang gusto naming kainin tapos siya nang bahala. Dun kami kumain sa bahay ng kapatid niya.)
On our Plate:
All in all, okay naman ang mga agahan namin sa Coron Village Cafe. Nothing memorable in terms of food quality pero hindi naman pangit ang lasa. Sakto lang. We weren't able to try their more proper meals but at least it's something to look forward to, kapag bumalik kami ng Coron.
The vibe around the place is what's noteworthy. Medyo tribal ang motif ng lugar at madaming wooden decoration. May malaking display case sa isang dingding na punong puno ng koleksyon ng mga timbol, shot glasses, ceramic plates at Russian dolls. Reggae ang madalas nilang tugtugan at may isang maliit na corner na panay ritrato ni Bob Marley. May libreng WIFI, kape, at tsaa para sa mga tenants ng CVL kaya dito kami madalas tumambay during our 4-day stay.
Coffee Kong |
Day 3 (Busuanga)
* 9:29AM - Breakfast at Coron Village Cafe
(It's officially our free time in Coron. Wala kaming gagawin for the whole day but to look around the place for ourselves kaya late na din kami nagising para makapag pahinga.)
* 11:49 - Lunch at Kuya Eran's
(Nagpa-luto kami ng lunch kay Kuya Eran. Binigyan lang namin siya ng pambili the day before at sinabi kung ano ang gusto naming kainin tapos siya nang bahala. Dun kami kumain sa bahay ng kapatid niya.)
On our Plate:
- Chili Lobster! (For the Win!!!)
- Pulang Itlog
- Talong
- Pipino Salad
- Warm Royal Softdrinks
(Kung sakaling babarilin ako sa Luneta the next day at papapiliin ako ng last supper, ganito ang setup ng hihilingin ko. Sooobrang sarap magluto ni Kuya! Bagay na bagay yung itlog na maalat sa lasa ng pipino at lobster. Medyo nag invest kami sa lobster pero mura na ito kumpara sa kung dito sa Manila kakain ng gento. Sa figurative speech, natapos ang tanghalian namin ng nakangiti ang tiyan.
Napansin ko, sa tatlong araw na provided ni Kuya ang softdrinks, hindi kami umulit ng brand... Coke, Sprite, tapos Royal. LOL. Yan ang variety.)
* 12:11 - Souvenir Shop
(Sinamahan kami ni Kuya Eran sa karatig na bilihan ng souvenirs.)
* 1:05 - Tambay ulit sa Coffee Kong
(Dito na kami naghiwalay ni Kuya Eran dahil pauwi na kami next day. Well, supposedly.)
* 3:25 - Off to Coron Market
(Pasalubong time! Ang mura ng mga danggit at labahita kaya eto ang pinagbibili namin ng madami.)
* 5:25PM to 6:15PM
(Bumalik kami sa CVL para magbaba ng gamit sabay pumunta ng simbahan. Kaso wala naman palang misa. Nag intay pa kami ng matagal. Kain na lang muna kami ulit ng street food sa tabi tabi.)
* 6:30 - Dali Dali Restaurant
(It's a small Korean restaurant along the main avenue of Coron. Dito namin napili mag dinner.)
On our Plate:
- Seafood Ramen (glorified shin ramyun)
- Kimchi (hindi ako kumakain nito, pero surprisingly nung tinikman ko, it's not bad)
- Spicy Squid (it's really spicy, aside from that wala nang special about it)
We are disappointed with the ramen. Para kasing nagluto lang ng shin ramyun (instant Korean noodles) tapos nilahokan ng seafood. Kaya ko din gawin yun sa bahay sa mas murang halaga. Hindi fair yung presyo. May kamahalan ang mga meal. True to form though, maanghang talaga ang mga pagkain nila. Probably it's their bibimbap which is the safer order but we didn't try it.
Rating (Dali Dali Restaurant): 4/7
* 7:39 - Coron Village Cafe
(Tambay ulit.)
* 9:00 - Prepare baggage for tomorrow's flight back home.
Day 4 (Busuanga)
* around 9AM - Breakfast at Coron Village Cafe
(Pwede naman pala magpa-palit ng breakfast menu kahit naka packaged stay kami sa Coron Village Lodge. For the last three days, panay "silog" fare ang kinakain naming agahan... tapsilog, danggitsilog, longsilog, etc. So for our last breakfast in Coron, sa wakas, sumubok kami ng iba.)
On our Plate:
- Continental Breakfast (omelet, big pancake!)
- American Breakfast (sausage, toast, egg)
All in all, okay naman ang mga agahan namin sa Coron Village Cafe. Nothing memorable in terms of food quality pero hindi naman pangit ang lasa. Sakto lang. We weren't able to try their more proper meals but at least it's something to look forward to, kapag bumalik kami ng Coron.
The vibe around the place is what's noteworthy. Medyo tribal ang motif ng lugar at madaming wooden decoration. May malaking display case sa isang dingding na punong puno ng koleksyon ng mga timbol, shot glasses, ceramic plates at Russian dolls. Reggae ang madalas nilang tugtugan at may isang maliit na corner na panay ritrato ni Bob Marley. May libreng WIFI, kape, at tsaa para sa mga tenants ng CVL kaya dito kami madalas tumambay during our 4-day stay.
Rating (Coron Village Cafe): 5/7
* 11:41 - Lunch at Big Mama's Grill
[obi]
On our Plate:
- Special Bulalo
Matabang ang sabaw nung bulalo pero masarap naman yung karne. Malambot at kumakalas sa buto. Bulalo lang ang in-order namin dahil mukang ito ang specialty nila. Pero sana sumubok na lang din kami ng ibang putahe. Frankly, sana sumubok na lang kami ng ibang resto to spend our last food trip in Coron.
Rating (Big Mama's Grill): 4/7
* 1:27 - Tambay ulit sa Coffee Kong
* 2:22 - Off to Busuanga Airport with Kuya Boyet the Shuttle Driver
(Kinwento ni Kuya Boyet ang nangyari sa kanila during the Yolanda landfall. It's one thing to see or hear this from the media, pero iba yung andun ka at firsthand mapapakinig o makikita yung devastation from the survivors and the place itself. Mapapa-iling ka na lang at mapapa-dasal para sa mga naging biktima.
Anyway, ang lupet namin mag-impake. Saktong sakto lang sa limit ng hand-carry ang parehong bagahe namin ni Kat. Hanging by a couple of point-something kilos. Phew!)
* 3:14 - Cancelled Flight
(Coffee time habang kumakain ng hotdog from a nearby Cafe Bog while waiting for our flight. Nung una, ang sabi ay delayed daw ang flight from Manila. Tapos after a while, cancelled na dahil gagabihin ang dating ng eroplano sa Busuanga at wala pang runway lights ang airport dahil sa nakaraang bagyo.)
(Yipeee! Free accomodation and food courtesy of Cebu Pacific!)
* 5:22PM - Coron Westown Resort
(Si Kuya Boyet din ang naghatid sa amin pabalik ng Coron Westown. We settled in Room 318. Sooobrang upgrade ang kwarto na ito compared sa Coron Village Lodge. It's a three-star hotel after all. Nagtatalon sa kama si Kat sa tuwa.)
* 6:51 - Dinner by the Pool
(Eto na siguro ang wedding gift ng ng Cebu Pacific at Coron Westown Resort sa amin. LOL.)
On our Plate:
- Bird's Nest Soup
- Fried Chicken
- Steamed Veggies
- Fruit Salad
(After dinner, we lounged around the pool area. Enticing tumalon pero nanaig ang katamaran naming maglabas ulit ng damit, magpatuyo, at mag-impake ulet. So tambay na lang.)
Day 5 (Busuanga)
* around 6:00AM - Buffet Breakfast
(This is life!)
* 6:32 - Back to Busuanga Airport
* 7:49 - Boarded Cebu Pacific Flight 5J5408 back to Manila.
(Bye Calamianes!)
* * * * *
Summary:
The Calamian Group of Islands is for the sea junkie. Walang ibang gagawin dito kundi mag island hop, swim, snorkel, at dive. Food trip could be next on the list but really, walang masyadong sobrang impressive makainan. Pero madaming makakainan, mind you. Okay din dito yung tipong relax na pahinga ang habol. Detox away from the bustle of urban living. Yun, patok dito.
Tinanong ko kay Kuya Eran kung may bundok na pwedeng akyatan ng mountaineers (open trail). Meron daw. So malamang ito ang susunod na agenda ko para bumalik dito.
Huwag na huwag pumunta ng walang dalang underwater camera. Super regret kami dahil dyan.
* * * * *
Other Notes:
Coron Village Lodge is good for those looking for budget accommodations. However, expect your money's worth. Binibisita kami from time to time ng ipis sa toilet at sa kwarto namin (Room 14), parang naka-direkta yung sinks sa imburnal. Kasi may mga oras na amoy kanal ang toilet.
Aside from that, okay naman ang serbisyo. May room cleaning sila kung hihilingin ito sa staff. Passable din ang room amenities para sa halaga ng binayad. Tahimik ang paligid pero dahil weekdays kami pumunta. Weekend kami umalis at dumadami na ang tenants. I can imagine the nights to be noisy kapag may nag-inuman na. Rinig na rinig kasi yung mga tao sa labas from inside the room.
* * * * *
Acknowledgement:
- Kuya Eran - sulit ang pag pili namin sa inyo bilang aming tour guide
- Lucy - para sa pag refer sa amin kay Kuya Eran
- Kuya Boyet - para sa pag drive sa amin
- Sniper and Crew - panalo ang bangkang ito
- Drew Arellano - yung show niya about Coron ang nagpatibay ng loob namin na ituloy ang trip kahit na-Yolanda ang lugar
- Our Man, Above - para sa pagbigay sa amin ng pagkakataon na maging saksi sa ganda ng Kanyang mga likha
[obi]
0
comments