0
comments

[OK na Food Trip] Crazy Katsu

Posted by Obi Macapuno on 2/11/2014
Konting Entrada:
Madami nang taga BF (or malapit sa BF nakatira) ang nagsasabi sa amin na patok kumain dito. Kaya nang minsang naghanap kami ng makakainan at along the way naman ito pauwi, sinubukan na namin!

crazy katsu

Ang Kinain:
  • Katsu Curry
  • Katsudon
  • Sukiyaki
  • Tonkatsu
  • Iced Tea

crazy tonkatsu

Lahat ng breaded pork-based viand nila ay consistent ang luto. Hindi flaky ang breading kaya hindi makalat kainin. Tender enough kaya hindi kailangan ng malalaking biceps para hiwain. Hindi kalakihan at hindi din kaliitan ang servings ng pork. Tama lang para mabusog.

Lasang lasa ang curry flavor ng katsu curry. Hindi lang masyadong maanghang for our taste but nothing that their chili powder can't solve. The tonkatsu sauce is sweet and smoky. Hindi nagustuhan ni Kat pero nagustuhan ng utol ko. Yung sabaw ng katsudon ay tama lang ang tamis, bagay na bagay sa kanin. Sakto para sa akin ang pagka half-cook ng itlog na naka-balot dito.

crazy curry

Matamis masyado yung sabaw ng sukiyaki. Medyo lumalaban din yung tigas ng beef strips. Buti na lang malasa ito kaya may redeeming factor. Okay ang luto ng sotanghon. Hindi outright malambot. May resistance ng konti.

Food and rice are served steaming hot.

crazy katsudon

Kaching:
Rice bowls are priced at P120 to P150. Mura ito para sa size ng servings. Eto din ang dahilan kung bakit sila dinayo agad nung una silang nagbukas sa Maginhawa, Q.C.

Ibang Chechebureche:
No problem with the service. Their condiments worked wonder for us (Japanese mayo and chili powder). The menu is straightforward. Hindi kami pinahirapan pumili. Mabilis na-prepare ang pagkain namin. Hindi kami nag-hintay ng matagal.

crazy menu

Maybe aside from this wooden artwork-ish thing framed on their wall (which I later learned to be a device for acoustics), the place is modest and spartan. Walang gimik. Walang katulad sa ibang Japanese restaurants where the crew boisterously greet customers with poorly pronounced Nihongo phrases.

Mahirap ang parking on a weekend night. They share parking slots with an adjoining resto.

crazy wall menu

Wrap Up:
Maganda itong emergency food stop, say kunwari walang pagkain sa bahay or you need a quick food fix aside from the usual fast food fare.

Rating:
6 out of 7



[obi . February]


0 Comments

Post a Comment

Copyright © 2009 Ang Blog na OK All rights reserved. Theme by Laptop Geek. | Bloggerized by FalconHive.