0
comments

[OK na Food Trip] Ikkoryu Fukuoka Ramen

Posted by Obi Macapuno on 2/10/2014
Ang Segue Way:
Inasahan namin na matagal ang proseso ng pag update ng passport sa DFA ATC kaya sobrang aga namin pumunta dun. Wala pang 30 minutes, tapos na! Parang hindi ahensya ng gobyerno. Dahil madami pang oras, sa ATC na kami nagpalipas hanggang lunch.

"Saan kaya tayo kakain dito?" ang tanong ko. Eh saktong nakita namin itong ramen place na ni-rekomenda ng isang kaibigan.

Enter, Ikkoryu Fukuoka Ramen!

Yown, nice segue way!

K and O

Ang Nilantakan:
  • Ajitama Tonkotsu (best seller)
  • Gyoza

The soup base for tonkotsu ramen is made from boiling pork bones and fat which produces a very creamy soup na sobrang malasa yung pagka-pork. Ikkoryu's ajitama tonkotsu delivered just that. Expect na masebo ang sabaw. It's pork-based after all. Hindi ko lang nagustuhan na ambilis lumamig ng sabaw ng isinilbi sa amin. Not sure if it's caused by the aircon (malamig sa naupuan namin) or the ceramic bowl (it doesn't look like it can hold heat well). 

tonkotsu ramen

For the noodles, there's a choice of hard, very hard, or normal in terms of how you want it cooked. We picked normal for that just-right feel (not too resistive to the bite).

Ang sahog ng ramen ay chasu (or braised) pork. Malambot ito at malalaki ang hiwa (3 pieces). Meron din itong half-boiled egg na marinated daw sa toyo (frankly di namin malasahan kung nasan ang toyo dun). Regardless, yung malauhog na yolk ang patok sa akin. Perfect. Ang ibang sahog: bamboo shoots (takenoko? LOL), dried seaweeds, at mushrooms.

forgettable gyoza

The gyoza is not impressive at all. Matabang at konti ang laman. Tama ang luto (well-roasted ang pabalat) pero hindi ito enough justification for the attached price tag.

Ang Damage:
Mahal dito kumpara sa ibang ramen places na kayang magbigay ng equally (if not better) delicious ramen for a cheaper price OR barring that, at least have a spectacular ambiance to compensate. LOL. Nasa P380 ang isang bowl ng ramen. At may 10% na service charge pa.

more ramen variants

Iba Pang Satsat:
Their staff are very accommodating and pleasant. Someone who looked like a supervisor also asked us how do we find their ramen. Madaling masundan ang menu para sa mga mangmang na katulad namin dahil may mga photos. Maliit at masikip ang lugar nila sa ATC kaya lahok lahok ang ingay ng mga customer. 

Ang Buod:
Masarap ang ramen kung hindi lang lumalamig agad. Pero mahal pa din ito para sa presyo. Kung sakaling babalik kami ay para lang matikman ang ibang ramen variants. Pero hindi ko nakikita na sa lalong madaling panahon ito.

ikkoryu

Rating:
5 out of 7



[obi . January]


0 Comments

Post a Comment

Copyright © 2009 Ang Blog na OK All rights reserved. Theme by Laptop Geek. | Bloggerized by FalconHive.